Ang Ball Jointed Doll

132 2 0
                                    



Sa isang toyshop, may isang manika na nakaupo sa tapos ng isang shelf sa loob ng napakahabang taon. Ang mga braso at binti nito ay kinokonekta ng mga screws. Nakasuot ito nang napakagandang damit na kulay blue. Walang katulad ang manikang ito.

Yung manika ay nananatiling nakatingin sa mga taong naglalabas pasok sa loob ng toy shop. Malungkot ang manika dahil magisa lang ito sa shelf. Pakiramdam nito ay walang may gusto sa kanya. Pangarap nya na may magari sa kanya na aalagaan sya at yayakapin, na itatabi sya sa pagtulog.


ISang araw, nagkatotoo ang hiling ng manika. May isang anak mayaman na batang babae na pumasok sa toyshop kasama ang kanyang ina. Nakita ng batang babae ang manika at agad na tinuro. Kumuha ang salesclerk ng store ng hagdan, kinuha ang manika, at inabot it sa bata. At last! Masaya na ang manika.

Kinabukasan, nakalapag na lang sa sahig ang manika. Nakatapon ito na parang basura. Nakikipagtalo ang batang babae sa kanyang ina.

"Ayoko naman dyan sa manikang iyan talaga! Sana di nyo na lang binili"

Nakinig lang ang manika ng tahimik, ang mga mata nito ay tahimik na nakatingin sa kisame. Pumasok ang batang babae sa kwarto at padabog na sinara ang pinto. Ayaw na nito paglaruan ang manika. Galit n galit na hinubaran nya ang manika itinapon sa isang sulok. Sa tuwing maapapadaan sya sa manika, sinisipa nya ito or kaya sinusuntok.

Nung gabing iyon, habang mahimbing na natutulog ang batang babae, gumalaw ang manika. Tumayo ito at dahandahan na lumakad papunta ng pinto. Naglakad ito palabas ng hallway, pababa ng hagdan, at pumasok sa basement ng bahay.

Kinabukasan, kinatok ng nanay ng bata ang kwarto ng anak nya. Sinabi nito na oras na para maghanda para sa school. Nung di to sumagot, binuksan nito ang pinto at agad na nagsisigaw sa takot.

Ang batang babae ay nakahandusay sa sahig habang nalilig sa sariling dugo. Ang mga braso at binti nito ay kakaiba ang posisyon, parang isang disjointed na doll. Buhay pa naman ang batang babae at nangingisay sa sakit na nararamdaman. Ang bibig nito ay tinahi pasarado at may malalaki at mahahabang bakal na pako ang nakabaon sa kanyang joints. Sa siko, tuhod, kamay, ankles, balikat, at sa baywang.

Sa kalapit na table, may liham na nakasulat sa dugo."Ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ng isang manika."

DollsAndSpooks StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon