Kabanata 1

308 26 0
                                    

Kabanata 1

"Raddy gising ka na ba?"sigaw ni yaya Tanny, na nagpa-gising sa akin.

Pakshit naman yaya antok na antok pa ako. Imbis na bumangon ay pinikit ko ang aking mga mata. T*ngina naman kasi hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa babaeng ‘yon.

"Raddy ano ba! Gumising ka na at maligo. Malalate ka na bahala sayo."sigaw ulit ni yaya.

Naiinis akong bumangon. "Maliligo na yaya!"

Huminga ako ng malalim at tumayo na. Kinuha ko ang tuwalya na nasa bed side table at naglakad na papasok sa banyo ng kwarto ko.

Hindi naman ako matagal maligo tulad ng mga babae. Naabutin pa ng ilang oras bago makalabas sa banyo. Tamad kong kinuha ang uniform ko na hinanda ni yaya Tanny. Habang sinusuot ko ang uniform ko at biglang sumagi sa isipan ko 'yung babae kahapon. Tsk. Humanda siya pag nagkita kami sa campus. Tinignan ko ang sarili sa salamin at napagpasyahang bumaba na. Mala-late na naman ako.

"Good morning, My."pagbati ko kay Mommy at hinalikan siya sa pisngi.

Tamad kong tinignan si Daddy. "Good morning, dad."

"Good morning, baby. Sige umupo ka na at kumain."tumango ako sa sinabi ni Mommy.

Umupo na ako. Kumuha ako ng pagkain at nagsimula ng kumain. habang umiinom ako ng gatas ay biglang nagsalita si Daddy.

"How's your school?"He asked without looking at me.

"Great." tamad kong sagot.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Great uh? Kaya pala nabalitaan ko sa tita Meren mo na nakipag-away ka na naman kahapon."sarkastikong sabi niya.

Uminom ako ng tubig at tumayo na. Gulat na napatingin sa akin si Mommy.

"I'm done. Kailangan ko nang umalis. Baka malate ako."paalam ko kay Mommy.

"Raddy kinakausap pa kita. Hindi ka aalis hanggat hindi tayo natatapos."mariin niyang sabi.

Tumingin ako sakanya at umiling. "I'm going."

"Hon, relax."malambing na sabi ni mommy kay Daddy at hinaplos ang braso nito.

"How? Paano ako kakalma kung binabastos ako ng anak mo?"tanong ni daddy at tinuro ako.

"Hindi lang kita sinagot, binastos na agad kita? Ayos ka rin nu."bahagya akong natawa. "Sigurado ka ba na tama 'yung nabalitan mo? At ano naman sayo kung nakipag-away ako. May alam ka ba? Wala. Kaya mas mabuti tumahimik ka na lang."seryoso kong sabi sakanya.

Galit niya akong tinignan. "How are you!"

"How dare you too! Kung ako sayo alamin mo muna ang totoong nangyari at pwede wag kang masyadong mag paniwala sa kapatid mo? Kasi sinungaling din 'yung isang 'yon. Baka nakakalimutan niyo wala kayong karapatan na pag sabihan ako dahil hindi kayo ang nagpalaki sa akin. Iniwan niyo diba ako? Wala kayo nung mga panahon na nilalagnat ako. Wala kayo nung mga panahon na kailangan ko ng magulang. Wala kayo. Kaya wala kang karapatan na magalit at sigawan ako. Magulang ko lang kayo pero wala kayong karapatan."

Natigilan si daddy sa sinabi ko. Malungkot akong tumingin kay mommy.

"You mommy. I was thinking since then kung inaalala niyo ba ako. Kung mahal niyo ba ako o hindi. Kasi kung oo? Asan? Iparamdam niyo nga sa akin kasi hindi ko nararamdaman na mahal niyo ako."Suminghap ako. "I don't want to talk to both of you in this way pero sumosobra na kasi kayo. Hindi niyo muna tinatanong 'yung totoo at 'yung side ko alam niyo na agad ang nangyari—"

"Kasi sinabi ng tita mo na nakipag-away ka—"

"At naniwala ka agad? That's bullshit! Pinatawag ba kayo ni dean? Hindi diba? Kaya bakit ka naniniwala sa kapatid mo? Oh sa bagay naman kapatid mo 'yon. Kilala mo may tiwala ka sakanya kesa sa akin kasi hindi niyo pala ako nakasama ng ilang taon diba?"

The Day She Left (On Hold)Där berättelser lever. Upptäck nu