Simula

929 43 1
                                    

UNDER EDITING!

Disclaimer:

      This is work of fiction , names, characters, places, events, business and incidents are either the products of the Author's imagination or used in fiction manner. Any resemblance to actual person's, living or dead or actual events is purely coincidental

                 Plagiarism is Crime

             All Rights Reserved 2020

Simula

"Grabe dude ang hassle naman nun."reklamo ni Clark, isa sa mga kaibigan ko rito sa Santiago University.

Nandito ako ngayon naglalakad kasama ang aking mga kaibigan na sina Clark Alarcon, Aison Aheri, Leo Lim... galing kaming gymnasium kakatapos lang namin mag training para sa darating na Intramurals.

"Pinapapagod lang yata tayo ni coach."naiinis na sabi ni Aison na sinang-ayonan naman ni Leo.

"Sinabi mo pa! Parang ayoko nang bumalik do’n. Nakakapagod!"halos sigaw na sabi ni Leo.

Tumawa ako at umiling sa mga pinagsasabi nila. "Hayaan niyo na ‘yon at intindihin niyo na lang si coach para naman sa atin ‘yon."My friends sighed. "Cafeteria tayo, libre ko."pag-aaya ko.

Halos matawa ako nang sunod-sunod tumango ang aking kaibigan. Basta libre!

"‘Yan gusto ko ‘yan dude!"saad ni Clark.

"Fries at drink lang sa akin dude."nakangising sabi ni Aison.

Tumango ako. "Kahit ‘yung cafeteria Son."pagbibiro ko.

"Sigurado ka uh? Patay ka sa akin pag di mo ‘yan tinutoo."pagbabanta ni Aison.

Natawa kami nina Clark sakanya. Akala mo naman kailangan pa niya ng cafeteria, e may sarili itong restaurant.

"Gago!"sigaw sakanya ni Leo at tumawa.

Umiling ako at hinayaan sila magtalo. Napahinto kami sa paglalakad nang may narinig na sigawan.

"Tumawag kayo ng tulong!"

"Halah! kawawa naman si ate."

"Oo nga, grabe naman si Maica."

"Kasalanan niya naman, paharang harang kasi siya sa dinadanan ni Maica. Ayan tuloy."sigawan ng mga estudyante.

"Shit! That's hurt."nakangiwing sabi ni Clark nang sampalin ni Maica ‘yung babae.

"Tsk ayan na naman si Maica."dinig kong sabi ni Leo.

"Hayaan niyo na, let's go nagugutom na ako."sabi ni Aison at hinila si Clark.

Naramdaman ko ang pagtitig nila sa akin pero hinayaan ko ito. Seryoso ang mukha ko habang pinapanood si Maica na sinasaktan ‘yung babae.

"Let's go Rad! We're starving."sabi nilang tatlo.

Wala akong nagawa kundi ang tumango sakanila. Nagugutom na rin naman kasi ako. Tatalikod na sana kami nang makarinig ulit ng sigawan.

"Halah ayan na!"

"Maica is really crazy!"

"She is!"

Agad naman ako napabaling sakanila dahil do’n. Napailing ako nang makita si Maica, binubuhusan niya ng isang baldeng tubig ang naka-upong babae. Hindi ko kilala ang babaeng sinasaktan niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi lumalaban ‘yung babae.

Maica Alejandro isa sa mga brat dito sa Santiago University. Ang feeling queen bee.

"Maica Alejandro!"sigaw ko nang hahampasin niya sana ‘yung babae gamit ang baseball bat.

Nasaan naba ang mga guards. Mapapatay na lang ni Maica ‘yung babae hindi pa sila dumarating. Nasa akin ang buong atensyon ng mga estudyante habang naglalakad ako palapit kay Maica.

"Oh my baby!"nakakadiring sigaw ni Maica at hinawakan ang braso ko.

"What are you doing? and can you stop touching me. Nakakadiri ka."singhal ko sakanya.

Agad naman niyang tinanggal ang kamay na nakahawak sa braso ko at masama akong tinignan.

"She's so stupid! Hindi tumitingin sa dinadaanan at tinitignan pa ako ng masama kanina kaya ayan pinatikim ko."walang kwenta niyang sagot.

Pagak ako natawa sa sinabi niya. "Are you serious Maica? Stop acting like you own this university. Leave now Maica. Leave."

Tinaasan niya ako ng kilay. "And why would I? Hindi mo ba ako namiss dy? Kasi ako namiss kita ng sobr—"

"I said to fucking leave, Maica! Stop displaying your face in front of me. Nakaka-umay."tamad kong sigaw sakanya.

Masama niya naman akong tinignan. "I hate you Raddy and you'll regret this!"namumula niyang sigaw pabalik at naglakad paalis. Agad naman sumunod ang mga kaibigan niya.

Tumingin ako sa babae nang tuluyan ng mawala sa paningin ko ang grupo ni Maica. She's so lovely. Damn! She's beautiful. She has a rossy pink lip's and a pointed nose. A milky white skin her straight long hair. Simple lang siya pero tangina ang ganda niya.

"Hey are you okay?"tanong ko sakanya at naglahad ng kamay upang tulungan siya ss pag tayo.

Nagulat ako ng bigla itong tumayo nang hindi kinukuha ang kamay ko. Naiinis siyang umirap at tamad na naglakad paalis na parang walang nangyari. Na parang hindi siya sinaktan ni Maica.

What the fuck?

Kumurap-kurap ako at agad siyang sinundan.

"Hey wait!"sabi ko at hinawakan siya sa balikat.

Huminto naman ito at walang emosyon na tumingin sa akin.

"Ano?"nakataas kilay niyang tanong.

"Are you okay? Uhm I'm Raddy Fox... you are?"pagpapakilala ko at muling naglahad ng kamay.

Ngumuso siya. Tila pinipigilang tumawa. "Uhm okay."sabi niya at naglakad paalis... iniwan akong nakanganga.

Tangina?

The Day She Left (On Hold)Where stories live. Discover now