Chapter 17: The Attention

Start from the beginning
                                    

Summer was really a wonderful older sister. I could still remember the first day of my class in Northern Harbor Institute before I transferred in Brittany University. Before all of this happened.

I was on a verge of crying since I wasn't used on being alone, knowing I will be boarding inside the campus, far away from my parents' house—Far away from my comfort zone. Life engulfed me with so much anticipation—with so much fear.


"Just remember, Winter, I am always with you no matter what." She promised while giving me my most favorite delicacies, dried mango.


"Hindi ako naniniwala sa'yo, Summer." I protested. And yes, I only called her Summer, it only proves we really are that close. But sometimes kapag may hinihingi at naglalambing, 'Ate'.


"Kita mo iyan iiwan mo ako tapos malalaman ko na aalis ka pala ng bansa."


Gusto ko siya sigawan kasi bakit niya nilihim sa akin na pupunta siya sa Russia? Kailan niya balak sabihin ito kapag nandoon na siya? Kung hindi ko ginalaw bag niya para maghanap ng face powder hindi ko makikita plane ticket niya papunta sa Moscow.


Bukod sa iiwanan niya ako rito sa Destruiy Eren ay iiwan niya ako sa school na 'to. Eh sa ayaw na ayaw ko rito. Bukod sa malayo sa probinsya namin, malayo sa bahay na kinalakihan ko, ta's marami raw mean girls dito. Pa'no ba naman puro mayayaman mga tao rito, ako lang yata naka-suwerteng nakapasok dito kung hindi lang nakiusap si Ate sa Dean na mukhang may crush pa sa kanya.


Napalunok siya habang gulat na pinagmamasdan ako.

She crouched so our eyes would level.


"I am doing this for our family, Winter, hindi kakayanin nina mom ang suportang naibibigay nila sa pag-aaral nating dalawa. Malaki pa utang nila kay Tita Ruiz. Tapos nakasangla pa sa bangko ang lupa natin sa Cospaia. Hanggang ngayon hindi pa rin nakakabangon business natin sa Australia. Ayaw ko na lalo pa tayo malubog sa utang dahil sa pinagsamang tuition fee natin." Mahabang paliwanag niya ngunit nanatili akong bingi roon.


"Then, tumigil na-na mu-na ako? Sasama ako kina mom sa Australia at tumulong sa negosyo natin do'n." I am willing to sacrifice my education just for her to stay with us. I couldn't stand on my own feet without her. She's my everything.


She's leaving me. My mom and dad leaving me. So, ako lang talaga maiiwan sa bansang ito? Bakit hindi na lang nila ako isama para naman hindi ako nag-iisa rito? Natatakot at nangangamba sa kung anong bukas kaya naghihintay sa akin sa school na 'to.


"No, Winter," napatayo si Summer at napahinga ng malalim.

"Edukasyon lang ang regalo at pamanang maipagmamalaki natin balang araw kaya 'wag mo sayangin ang pagkakataong ito. At kung isasama ka nina mom sa Australia makakadagdag ka pa sa gastusin. Tulungan natin sila, Winter." Pinipilit ni Ate na bumaba ang kanyang boses at gawin itong malambing at kalmado.


Why would she force me to study here anyway? I mean, napaka mahal dito ta's hindi ko gusto mga asta ng mga tao sa paligid. Hindi pa man ako nakapag sisimula ramdam ko na agad ang toxicity sa paligid.


Wala na palang pera para sa pag-aaral ko pinilit pa ako rito sa isa sa mga White-listed University kung puwede naman sa isa sa mga public school sa Cospaia.


"Then, I'll be getting scholarship just like what you did." Nanlaki kapwang mata niya sa naging suhestisyon ko.


"No, Winter." Agap niya roon.


"Bakit naman? Naliliitan ka ba sa utak ko? Sa kapabilidad ko?" Napahalukipkip ako at sumimangot ang mukha, samantala siya ay nanatiling compose at maligamgam na nakatingin sa akin.

Destroy thy FALLEN GAMEWhere stories live. Discover now