Dating tayo

403 6 3
                                    

Nakilala kita nang hindi inaasahan
Di akalaing tayo'y magkakamabutihan
Naging masaya sa mga araw na nagdaan
At nagtagal ang ating pagkakaibigan

Ang aking mga ngiti na sayo lang nakalaan
Parang mga bituing nagniningning sa kalawakan
Ang mga tinging hindi maiwasan
Nagdudulot ng saya na hindi mapigilan

Ayaw kong kumawala, ayaw kitang mawala
Sa mundong ikaw at ako ang may gawa
Ang mga ngiting sakin lang ipinapakita
Ngayo'y nakalaan na para sa iba

Masaya lang talaga sa una
Nagtatawanan, nagbibiruan at nagkekwentuhan pa
Ngunit di nagtagal ay napalitan ng masakit na alaala
Ang dating masaya ay naging malungkot na

Where memories liveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon