SWP: Nananariwa na naman sila

3 0 0
                                    

Nananariwa na naman sila

Nananariwa na naman sila. Ang mga sugat na dinulot ng pagiwan mo sinta. Aaminin ko, masakit pa rin pala. Akala ko'y unti unting napaghihilom ko na sila ngunit isang salita mo lamang pala ang katapat para tuluyang mapawalang bisa ang pandikit na panandaliang ipinahid ko sa kanila nang sa gayon ay kayanin kong ipagpatuloy ang mabuhay muli nang magisa kasama ang mga piraso ng puso kong matapos magdulot sa'yo ng saya ay iiwan mo na lamang nang basta basta dahil ang sabi mo kahit anong gawin nating pagtatagpi sa mga lamat nito, hindi na maibabalik ang dati nitong ganda noong una. Hindi ko namamalayang lalong lumalala ang sira habang patuloy nating pinipilit na tagpian ang mga ito.

May nakalimutan palang sabihin si lola, bago maging epektibo ang oras bilang gamot sa bawat sugat na kumakatas, pagtanggap ang kinakailangan upang hindi na muling umasa na kaya pa nating isalba ang ating pagsasama kung mas hinigpitan lang natin ang kapit sa kamay ng isa't isa at tinupad ang mga pangakong "sa hirap at ginhawa ay sasamahan ka" ngunit sa iba kana sumama.

Nananariwa na naman sila.
At patuloy paring mananariwa dahil sa bawat pirasong naiwan ay nakatatak parin ang pangalan mo pero pangako, kapag ang oras at pagtanggap ay pinaghalo, unti unti nang maglalaho ang bawat pangako na hindi sana napako kung hindi ka lang sumuko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PlumaWhere stories live. Discover now