SWP: Senyales ng mga taong may third eye

6 0 0
                                    

Senyales ng mga taong may third eye

Una, natatakot ka sa tuwing wala kang kasama kasi baka pag naging magisa ka maalala mo na naman lahat ng mga alaala niyong masaya na hanggang baliktanaw nalang dahil ang kwentong minsan niyong binuo nang magkasama, iba na ang bida

Pangalawa, gusto mong ipamukha sa kaniya na mali ung taong iniwan niya kaya labis labis nalang ang kagustuhan mong higitan ung bago niya pero mali ka, kahit pa maging perpekto ka sa paningin niya, kung hindi naman ikaw ang hinahanap niya matatalo at matatalo ka

Pangatlo, gusto mong ipakita sa kaniya na masaya ka dahil sa wakas makakahanap kana ng mas better pa sa kaniya pero marupok ka, dahil hindi mo padin kayang wala siya

Pangapat, bigla nalang kumakabog ang dibdib mo sa walang sawang pagbuo ng mga sana. "Sana bumalik siya", "Sana ako parin ang mahal niya", "Sana mapagtanto niyang ako talaga ang gusto niyang makasama" "Sana magising nalang ako isang araw akin na ulit siya". Sinasabi ko sayo, libre ang umasa sa isang daan o higit pang sana pero hindi ka sineswerte para matupad sila isa isa

Panglima, kinikilabutan ka nalang nang dali-dali dahil bigla mo nalang mararamdaman ang bawat haplos niya pero mawawala din na parang bula. Ano pa nga bang aasahan mo sa kaniya? Kung gaano kabilis ang pagdating niya, ganun din kabilis ang paglisan niya

Panganim, sa tuwing pumipikit ka nakikita mo padin siya hanggang sa pagdilat mo nandoon padin siya pati sa panaginip nandoon padin siya dahil sa sistema mo, nakatatak padin siya.

Tama na. Wag kanang matakot na iwanan ang librong inilalaan na niya sa iba dahil extra kalang naman talaga sa istorya dahil hindi naman ikaw ang pinili niyang bubuo sa nawawalang parte ng puso niya. Maging matatag ka dahil magpapakita at magpapakita ang multo niya hanggat hindi mo pa pinapatahimik ang mga mga alaala niyong minsan sa iyo'y nagpasaya na ngayo'y ang dinudulot ay sakit na

Tama na. Isara mo na ang iyong pangatlong mata. Umusad kana dahil matagal na siyang nananahimik sa piling ng iba

PlumaWhere stories live. Discover now