SWP: Ako ba o ikaw naman talaga?

156 17 5
                                    

Hugot Poetry #3

Ako ba o ikaw naman talaga?

Mahal, hindi ko alam kung sino ba sa atin ang tanga.

Ako ba na laging nasa tabi mo O ikaw ba na nagbubulag bulagan sa presensiya ko?

Sino nga ba sa atin ang tanga?

Ako ba na mas piniling manatili sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot mo O ikaw ba na nagbubulagbulagan sa isiping naririto lamang ako, walang sawang naghihintay sa pagmamahal mo.

Sino nga ba sa atin ang tanga?

Ako ba na handa kang kantahan hanggang sa oras na ako'y mapaos na O ikaw ba na hindi nanaising marining ni isa lamang sa mga nota ng aking kanta?

Sino nga ba sa atin ang tanga?

Ako ba na handang gumawa ng tula hanggang sa mahalin mo O ikaw ba na handang balewalain ako hanggang sa pagguho ng mundo?

Sino nga ba sa atin ang tanga?

Ako ba na handang palayain ka para lang sa ikasasaya mo O ikaw ba na hindi man lang binigyang pansin lahat ng ginawa ko para lang mahalin mo?

Sino nga ba sa atin ang tanga?

Ako ba na kahit bali-baliktadin mo man ang mundo ikaw parin ang gugustuhing makapiling O ikaw ba na kahit ako nalang ang siyang natitirang dilag sa mundo, ay hinding hindi mo tatapunan ng tingin.

Sino nga ba sa atin ang tanga?

Ako ba na nagmamahal sayo O ikaw ba na sa kabila ng lahat iba pa rin ang napupusuan?

Sino nga ba sa atin ang tanga?

Sino nga ba?

Ako ba O ikaw naman talaga?







♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_♥_

Vote.Comment.Follow.Share.Suggestions

PlumaWhere stories live. Discover now