SWP
Para sa taong muling hahamak na hawakan ang mga kamay koPara sa taong muling hahamak na hawakan ang aking mga kamay,
Sa taong muling magtatangkang haplusin ang puso kong patay,
Marahil ay kailangan mong malaman kung paano ako magmahal nang walang kapantay.Minsa'y aawayin kita sa di malamang dahilan,
Sisimangot at magsusungit sayo na wala namang kaalam alam.
Bubuntong hininga sabay lalambingin ka habang sinasambit ang mga katagang 'patawad, namiss lang naman kita'Magk-kwentuhan tayo sa kung anong nangyari sayo sa araw na iyon.
Magtatawanan, magbibiruan, mag aasaran hanggang sa mayroon nang talunan dahil may naganap nang pikunan
Sabay itatatak sa isipang ito ung tipo ng kwento na maiipon at maibabahagi sa mga magiging supling sa ating tahananSusuyuin kita pag nagtatampo ka, nagsusungut ka o di kaya nama'y nagagalit ka.
Tititigan ka nang may buong pagmamahal na tila ba isa ka sa mga antigong koleksyon ng plorera ni lola
At hahalikan ang iyong noo sabay sasambitin ang mga katagang 'mahal kita ginoo'At kung sakaling darating man ang pagkakataon na maiisip mong bitiwan ang mga kamay ko, aking ginoo maiintindihan ko
Hindi ako magtatanim ng kung anumang galit sa iyo dahil alam ko, na kaligayahan mo lang ang tanging mithi ko.Kung hahantong man sa pagtatapos ang ating kwento,
Asahan mong nandito lamang ang mga kamay ko maghihintay na muling hawakan mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/109450066-288-k893267.jpg)
YOU ARE READING
Pluma
PoetryAkala ko sapat na ang isang pluma upang gumawa ng isang tula- mali. Kailanman ay hindi magiging sapat ang pluma lang dahil parang ikaw at ako. Walang ako kung walang ikaw. Walang ikaw kung walang ako. Walang tayo kung walang ikaw at ako-walang pluma...