Chapter 11

11 1 0
                                    

Pagdating namin sa NASA, sinalubong kami nila Selestine, Casey, at Commander Navarra.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Selstine, tumango ako.

"We already get the 10 key holders, but we didn't get the deep-core driller" sagot ko.

"Colonel Morgan and Commander Meicler, can you two get the deep-core driller?" Tanong ni Commander Navarra.

"Yes Commander." sagot ni Meicler at tumalikod silang dalawa ni Selestine. Dinala naman nila kami sa clinic kasi nagalusan kami sa pagland ng plane, buti nalang talaga na control pa namin ni Zeak. Bigla ko namang naalala ang mga Apache, sila Aguso at Taboo. Ang saya nila sa gitna ng kadiliman ng gubat na yun.

"Coz, okay ka lang?" Tanong ni Casey, tumango naman ako.

"Alam mo bang may nakilala kami dun sa Piney Woods? Mga American Indian Tribe, but everyone call them Apache. Ang tagal na raw nila dun, hinanap nila ang daan palabas pero ni isa sa kanila walang nakahanap, pero habang tumatagal napamahal na raw sila sa gubat kaya nung inaya namin silang sumama, tumanggi na sila." Sabi ko.

"And?" Tanong niya.

"Wala lang, ang saya kasi nila eh, parang walang problema, while us we need to defeat that fucking asteroid!" Inis na sambit ko sinuntok ang clinic bed na inuupuan ko. Bigla namang nagsalita si Cage sa likod ko.

"Hey! Sadistang babae, come here!"

"What?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay, kasi naman tinawanan ako Casey sa sinabi ni Cage.

"May ipapakilala ako sayo." Sagot niya at hinila ako, napatingin naman ako kay Zeak at tinanguan niya lang ako.

Pumunta kami sa SAG office at hinarap niya ako sa isang matandang babae.

"Ma? Nandito na siya." sabi ni Cage, napatingin naman ako kay Cage, nginitian niya lang ako at pinaupo sa tapat ng matandang babae, agad naman akong hinawakan sa kamay ng matandang babae at dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay niya hanggang sa mapunta ito sa mukha ko.

"Nakikita ko ang apo ko sayo." sabi niya habang nakangiti. "May busilak kang puso hija. Wag kang padadala sa sakit dahil may isang taong nagpapasaya sayo pero hindi mo pa siya napapapasok." Sabi niya, naalala ko agad si Zeak. Bigla naman siyang napatingin kay Cage.

"Hoy Cage! Hanapin mo na kasi yung mag ina mo! Ang tigas ng ulo mo!" Singhal niya at nilakihan ng mata si Cage, natawa naman ako. Nakita ko naman si Cage na napakamot sa batok niya. "Cage Scalise! Hanapin mo ngayon na!" Sigaw niya ulit.

"Really ma? You're shouting." reklamo ni Cage.

"May angal ka?" Tanong ng mama niya.

"Wala. Sabi ko hahanapin ko na po." sagot niya, napatingin naman siya sakin at nahuli niya akong tumatawa.

"Don't laugh Ferriter." Seryosong sabi niya.

"Relax Cage " tawang sabi ko at tinaas ang dalawang kamay ko. Binatukan naman siya ng mama niya, ayun sapul!

"At aawayin mo pa talaga to? Gusto mo ihagis kita?!"

"Ma naman, joke lang yun eh. Syempre di ko sasaktan tong anak ko." sabi niya at inakbayan ako. "Alam mo bang ilang beses na akong nasapak neto ma?"

"Buti nga sayo." sabi ng mama niya at pareho kaming natawa ni Cage.

"Sinapak niya ako, hindi dahil sa ginawa ko, sinapak niya ako dahil sa awa at tapang niya. Alam niya mali ako pero nagsosorry pa rin siya, kaya nga mahal na mahal ko to eh. Lalong-lalo na yun si Blaster? Mahal na mahal niya to" sabi niya at tumingin sakin.

The Rise of Armageddon [COMPLETED]Where stories live. Discover now