"Yes Ate. Sa Armenia kasi lahat ng babae dun tinuturuan magluto ng masasarap na putahe." nakangiting kwento niya.

Armenia?

"Armenia saan yun?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Malayong lupain yun Ate. Maliit lang pero ang pamilya namin ang namumunuan roon kunbaga walang Hari at Reyna pero may Sandiwa at Sandiwu. Sa ngayon sina Kuya Joshua at Kuya Miguel ang namumuno sa buong Armenia." nakangiting kwento niya sakin. "Ang lugar na yun ay tunay na payapa ngunit minsan na rin itong tinawag na lost city. Dahil itinago ito sa mahabang panahon ng nagreyna-reynahan ang nagpanggap na magulang ni Tita Saffraina ang anak ni Lola Armenia." kwento niya pa.

Habang naglalakad kami pababa sa sala.Naabutan ko roon si Catana na tulala at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit ako sa lamesa at nagsandok para kumain. Pero di man lang napansin ni Catana ang presensya namin mukhang malalim talaga iniisip niya.

"Nagpanggap?" nagtatakang usisa sakanya.

"Base sa kwento ng magulang namin ni Kuya Joshua. May nagpanggap na Armenia sa buong lupain. Nagpanggap ito na siya si Lola Armenia at dahil walang nakakaalam sakanyang pagpapanggap ay sumunod sila sa kagustuhan nitong itago ang lupain ng Armenia. Ngunit ng mga panahong iyon ay nawawala na si Tita Saffraina. At walang nakakaalam kung nasaan siya? Ni mismong ang Fake Lola Armenia ay di man lang nagtakang hanapin ito. Kaya napaisip ang mga taga Armenians kung bakit balewala sakanyang ina ang pagkawala ni Tita Saffraina." dagdag niya pa.

"Kung ganun paano muling naisayos ang lahat? At muling nahanap ang nawawalang Armenia?" usisang tanong ko pa.

Gusto ko kasing malaman ang lahat ng tungkol sa Armenia. At sa kahit anong kabihasnan rito sa Normsantandia na ngayon kolang nalalaman.

"Lingid sa kaalaman ng Fake Lola Armenia ay nagsasagawa na ng kilos si Legit Lola Armenia at Tita Saffraina. Btw Tita Saffraina is Kuya Miguel mother. At halos magulantang ang buong lupain ng biglang dumating si Lola Armenia na buo ang loob na tapusin ang pamumuno ng Fake Lola Armenia. At halos magulat pa daw eto sa biglang pagsulpot ni Lola Armenia dahil di nito akalain na mahahanap ni Lola ang Armenia na ginawa ngang lost city ng nanggaya sakanya." nakangiting kwento niya pa.

Unti-unti na kong naliliwanagan sa kwento niya. Tsk di akalaing may ganito pang kwento sa kahit na maliit na lupain rito sa Normsantandia.

"At dahil rito natalo nila Tita at Lola ang loka-lokang nanggaya sakanya. At muli nilang nabawi ang Armenia binalik nila ito sa mapa na minsang inaalis ng pekeng Lola Armenia." pagtatapos niya. "Pero lintik rin ang hirap ni Tita Saffraina dahil nag-aral muna siya ng kung ano-ano para matutong lumaban. At pinag-aral rin siya sa Ainabridge Academy. Para lalong mapalakas ang sarili." natatawang dagdag niya pa.

Kaya agad akong napangiti pero may kung anong tanong ang pumasok sakin na itanong ito sakanya. Kung alam niya ang lahat ng tungkol sa Armenia imposibleng wala siyang alam sa Makasaysayang Sandiwa na si Criszette.

"Jinri?" tawag pansin ko sakanya dahil kasalukuyan na siyang nakain.

"Po? Ate?" baling niya sakin.

"May alam ka ba tungkol kay Ate Criszette?" tanong ko sakanya na siyang ikinagulat niya pero agad ding ngumiti.

"Opo Ate marami po akong alam tungkol kay Ate Criszette dahil na rin kaibigan siya ni Kuya Joshua." nakangiting usal niya.

"Anong klaseng tao si Criszette?" biglang tanong ko sakanya.

"Sabi ni Kuya sakin. Si Ate Criszette ay napakacold. Yung tipong dapat kang matakot sa mga titig niya at bigla kang kabahan pag makakasalubong mo siya ganun ang pagkakilala nila nung di pa nila kaibigan si Ate Criszette. Pero ang nakakamangha raw rito isang linggo palang daw ang nakakalipas ng magtransfer ito sa Academy ay napakaraming misteryosong kapangyarihan ng naipamalas nito na halos ng hinahangad ng kahit sinong mafians na elemento ay meron siya maging ang mga magic spell ay pawang saulo niya." saglit siyang tumigil at ngumit. "Ngunit di raw nila akalain na tanging si Kuya Keiron lang ang kaya ritong lumapit ng di nababangasan palibhasa raw kasi ay parehas yelo o cold ay kayang-kaya di kausapin ang isa't isa kahit magkatabi lang sila. Madalas raw itong magkapikunan pero nauuwing talunan si Kuya Keiron. At ang pinakakilig na pangyayari sakanila ay nung mismong si Kuya Keiron ang nagplano ng surprise birthday celebration para kay Ate Criszette." nakangiting sabi niya.

Tsk di ko naman tinatanong kung anong meron sakanila ni Keiron.

"Make the story short." bored na sabi ko sakanya habang ngumunguya.

"At nung war raw ay mas pinili ni Ate Criszette lumaban mag-isa pero nakaalalay si Ate Jenica sakanya. Pero di nila alam na sumunod si Ate Gabby at Ate Cheena. At maging si Ate Stacey ay bigla rin daw sumulpot upang tapusin si Israel ang kalaban ng buong Normsantandia noon. Pero dahil na rin sa galit ni Ate Criszette ng malaman niyang ito ang pumaslang sa kasintahan ni Stacey at sa magulang nito wala siyang alinlangan ipinasok sa puso nito ang brilyante na naging mitsa upang labis na manghina si Israel at mamatay. At kasabay ng pagkamatay ni Israel." tumigil siya sandali na wari mo'y nagpipigil siya ng luha. "Ang kamatayan rin ni Ate Criszette nagluksa ang buong Normsantandia ng araw na yun lalo na ang iyong Ina at si Ate Jenica at pinakanagluksa ay sina Ate Stacey,Kuya Christian at Kuya Keiron." malungkot na ani niya.

Pero sa lahat ng sinabi niya. Bakit wala akong alam. Imposibleng di nakarating sa Britania yun napakaimposible.

Nakita kong bumalik sa pagkain si Jinri samantalang si Catana ay tulala pa rin at halos di pa nagagalaw ang pagkain.

Pero paanong? Wala akong alam sa lahat ng nangyari kay Ate Criszette?

Para akong bagong silang na di ko man lang siya nakilala.

At ng dahil dun ay mas lalo akong naguluhan.

Sino ba talaga si Ate Criszette? Bakit di ko siya kilala.

A/N:

Hey sorry for late update napakarami ko kasing ginagawang stories napakahirap pagsabay-sabayin pero alam kong kaya kong tapusin lahat.

Thankyou again for your time to read!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

-paraiso_neo ❤

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now