~•●•◇ Kabanata I ◇•●•~

4 0 0
                                        

~•○} PLEASE READ! {○•~

Sa kuwentong ito, ang mga karakter ay nag-aral muna ng 2 taon sa middle school bago mag high school kaya nasa mga 14 na ang mga edad nila

Lahat ng nasa kuwentong ito ay gawagawa lamang. Ang mga tao, lugar, pangyayari atbp. ay walang kinalaman sa totoong buhay.

Maraming maraming salamat at binigyan ninyo nag pagkakataon na basahin ang kuwentong ito!

ENJOY!
~•○•~•○•~•○•~

~•●•~
Unang Kabanata

~•●•~

Pumasok ako sa dormitoryo at dumiretso sa aming kwarto. Binuksan ko ang pinto at inilibot ang aking mata sa aming silid. Tulad ng inaasahan ay wala pa ang aking mga roommates.

Ipinatong ko ang aking backpack sa study table ko at sumalampak sa kama. Mabuti na lang talaga na nasa ibabang katre ako ng bunk bed.
"Haaayy... nakakapagod talaga..."

Kinuha ko ang lukot na papel mula sa bulsa ng aking palda. Nang mapadpad ang aking tingin sa itaas na bahagi ng papel ay muli akong napabuntong-hininga.

Seilah Dimitri Alejandro 3 / 10

Naka-suwerte pa ako ng tatlong puntos.
Salamat at may mga pagpipilian na sagot ang short quiz namin sa Math. Malamang, zero talaga ako kung wala. Haaaaayyy...

Ibinaling ko na lang ang tingin sa simple ngunit nakakaakit ng pansin na logo ng eskwelahan.

"Sora Academy," mahina kong basa sa pangalan ng paaralan sa heading ng testpaper.

Ang Sora Academy ay isang sikat na prestihiyosong eskwelahan. Noon, isa itong private school na eksklusibo lamang sa mga Hapon na namamalagi sa Pilipinas. Ngayon, lumago na ito bilang isang malaking international school sa mga baitang mula nursery hanggang kolehiyo.

Maliban sa napakataas na standards ng paaralan, bantog na bantog ito sa espesyal nitong kurikulum. Ang academy ay isang "school for the gifted children," ika nga. Simula sa murang edad ay tinututukan na ang mga talento at inklinasyon ng bawat mag-aaral.


Dahil nga espesiyal ang curriculum, mahirap nang makapasok kung magta-transfer ka sa middle school, at lalong lalo na sa highschool. Kahit ang mga mayayaman na may kakayahang magpa-tutor ng kanilang mga anak sa mga the best ay nahihirapang makapasok sa Academy.

Isa lang akong simpleng mag-aaral mula sa isang maliit na barangay school sa probinsya. Halos sapat lang ang pera para mabuhay; may mailalaan pa ba para magpa-tutor? Paano ko masasagutan ang napakahirap na mga tanong sa test? Sinubukan kong kumuha ng pagsusulit; ngunit sa simula pa lang ay hindi na akong umasa na makakapasa.

Pero dumating ang isang himala! Sinong mag-aakala na mapapasa ko ang tila imposibleng entrance exams ng Academy? Nakatanggap pa ako ng scholarship!

Isang napakapambihirang oportunidad talaga ang ipinagkaloob ng Diyos! Maliban sa libre ang lahat ng gastusin sa paaralan, makakatanggap pa ako ng sampung libong piso buwan-buwan! Kahit nag-aalangan, hindi ko pinalampas ang pagkakataon na ito.

Mula probinsya ay nagtungo ako sa syudad kung nasaan ang Sora Academy. Ang paaralan ay nasa teritoryo parin ng siyudad, ngunit ang lokasyon nito ay may kalayuan na sa heart ng city.

Bagamat branch campus lang ng academy ang papasukan ko, talagang nakakamangha ang mga pasilidad ng eskwelahan. Matatayog at malalaki ang bwat building pero malapad parin ang pagitan ng bawat isa. Napaka-aliwalas din ng paligid. Gumagamit din ang paaralan ng mga advance technologies. Tulad na lang na may sensor ang mga pinto ng bawat silid-aralan upang ma-check ang attendance ng mga mag-aaral. Hindi rin uso dito ang blackboard at yeso. Gumagamit sila ng malalaking touchscreen monitors bilang pisara. Ang mga desk ay may nakalagay din na mga touchscreen monitor na ginagamit ng estudyante sa klase. Sabi ng guro na nag-libot sa amin ay talagang pang-international ang standards ng mga facilities dito. Bakit pa ba ako masusurpresa, dahil international school ang pinasok kong ito.

Mahigit isang linggo na rin pala nang magsimula akong mag-aral dito. Sa maiksing panahon na 'yon ay mejo nagsisisi na ako sa naging desisyon ko.

Mahirap. Talagang nahihirapan ako dito.

Ibang iba talaga ang lebel ng pagtuturo nila dito. Noong elementarya at middle school ay tinutulugan ko lang ang aking mga klase, pero ako parin ang top 1. Ngayon, tila nagsasalita ng latin ang mga guro: wala akong may naiintindihan. Nakakahilo!

Masiyado din akong umaasa sa mga pasilidad ng paaralan. Lahat ng handouts at tests namin ay ipinapadala ng mga guro sa email na provided ng school. Sa gayon, lahat din ng requirements namin ay ipinapadala din namin online. Mabuti ang mga kaklase ko dahil lahat sila ay may kanya-kanyang laptop at cellphone na magagamit. Ako naman, kailangan ko pang pumunta ng library para magawa ang aking mga assignments at take home quizzes.

Hindi rin pala maganda sa pakiramdam na maging iskolar sa isang paaralan ng mga elite. Wala namang may nangbu-bully sa'kin, pero tila nakakaramdaman ko ang pagmamaliit at pangugutya. Nakakahiyang lumapit sa kanila at talagang mahahalata ang contrast namin sa isa't isa.

Bakit ba ako nandito?

Karapatdapat ba ako maging iskolar dito?

Parang imposible akong makahabol. Tila gumagapang ako sa bawat asignatura namin.

Mayroon ba talaga akong lugar sa prestihiyosong paaralan na ito?

Haaaaaaayyyyyy...

Ika-ilang buntong-hinanga ko na ba 'yon?

Nadidismaya talaga ako sa aking sarili. Masakit.

Naamumuo na ang mga luha sa aking mga mata; pero ayaw kong umiyak!

Kailangan kong magpahangin muna upang mapakalma ang aking sarili.

Mula sa silid namin sa ikalawang palapag ay umakyat ako hanggang sa rooftop gamit ang hangdan. May limang palapag ang dormitoryo at anim kung bibilangin ang rooftop. Nakakapagod, pero nakakakalma.

Sumandig ako sa railings at napatulala sa langit. Lumubog na ang araw at unti-unting umiba-iba ang kulay ng kalangitan. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Nakakarelax.

Pero naputol ang kapayapaang iyon nang may biglang sumigaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Iskolar Where stories live. Discover now