Mom, sorry if I failed you. Sana ako na lang ang namatay at hindi ang kapatid ko. Sana hindi tayo iniwan ni Daddy. Sabi ko kay Mommy na iyak ng iyak.

Hijo, hindi mo alam pero, kasalanan ko rin. Dahil kahit alam ko ang lahat ng ginagawa mo ay hindi ako nagkalakas ng loob na sabihin sa iyo na itigil mo iyan. Mas natakot ako sa mararamdaman mo kaysa sa mas tama kong ginawa.  Paliwanag nito.

Mom, sorry talaga. Susubukan kong magbago para sa iyo dahil ikaw na lang ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin. Muli kong sabi.

Anak hindi yan totoo, mahal ka ni Paul. kaibigan ka niya. At nagagalit lang siya sa iyo dahil nilamon ka ng galit sa puso mo. Pero may mga taong nagmamahal sa iyo. Tandaan mo iyan. Sagot ni Mommy.

Salamat Mom, pakisabi na lang kay Paul, Shirley at Drake sorry. Pakiusap nito.

Makakarating anak.Tugon ng ina.

 

DRAKE's POV

 

Babe, tawag ng aking asawa minsang nasa sala ako at nagbabasa ng diyaryo.

Bakit? tanong ko at tiniklop ang news paper na hawak ko.

Ahhhh kasi, naiisip ko lang, gaano ba kasakit para sa iyo ang nangyaring iyon sa inyo ni Francis? Tanong nito.

 

Hindi ko alam bakit niya naitanong ang bagay na iyon pero isa lang ang alam ko, May gusto siyang iparating.

 

Naging malalim ang sugat kasi, mahal ko siya dahil magkakasama kami simula pa ng high school tapos malalaman ko na lang na may ganoong galit at inggit pala siya para sa akin. Matapat na sagot ko.

Babe, is there any posibilities na mapatawad mo siya? Halatang nahihiya siya sa tanong niya.

Hindi ko alam. Matapat ko pa ring sagot.

 

Alam kong sobrang bait ng asawa ko. At posibleng hingin nitong kalimutan na lang namin ang mga nangyari. Pero hindi pa ako sure sa nararamdaman ko.

 

Babe, bakit mo natanong iyan? Curious na ako sa mga pagtatanong niya sa akin.

Well, Babe! I know it is hard to forgive and forget someone who've been your friend and yet, hurt you so deep. But it is more hard to bear it in your heart di ba?

What are you trying to say? Just go straight to the point. Medyo iritableng tanong ko.

 

Nilapitan niya ako at hinaplos ang balikat ko habang ni-rest niya pa ang ulo niya dito. Marahil kasi halata na rin niyang naiinis na ako sa mga paligoy-liguy niya.

 

What I am trying to say here is... why not drop the case and forget about everything that just happened. Sagot nito.

 

Humiwalay ako sa kanya saka sinagot ang mga sinabi niya.

 

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Where stories live. Discover now