Hindi ko alam bakit bigla akong naawa sa Mommy ko. Alam ko masama ako. Marami na akong nagawang kasalanan sa pamilya ni Drake. Pero kahit kelan hindi ko kayang masaktan ang mommy ko na siyang natitirang tao na nagmamahal sa akin. 

 

Hussshhh Mom, hindi ako mawawala, okay!. Sagot ko. 

 

Dinala ko si Mommy sa room niya at hinayaang matulog ulit ito. Mahal na mahal ko ang Mommy. Siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon. SIYA na lang ang natitira.

 

Kinabukasan,,,

Nagising si Francis ng marinig niyang may kausap ang Mommy niya sa sala, kaya siya buamaba. May binabasa pa nga itong papel.

 

Francis, what's going on? Tanong ni Mommy ng makita niya ako, habang nakatingin sa mga lalaking naka-uniform ng pulis.

Ah Sir, pwede po ba kayong maimbitahan sa prisinto. May mga itatanong lang po kami sa inyo. Magalang na pakiusap ng isang pulis.

Ah Sir, wag niyo pong sasaktan ang anak ko ha. At sandali lang po sasama po ako. Sabi ng Mommy nito.

Sasama po ako, 

 

 

FRANCIS POV

 

Kagabi ng makita ko ang Mommy ko sa ganoong sitwasyon, hindi ko maiwasang maawa. Buong magdamag akong hindi na katulog ng maayos. Iniisp ko lahat ng mga masasamang bagay na nagawa ko sa lahat ng tao lalo na kina Shirley at Drake. Kay Ella at Paul. Lalo na sa anak namin. Alam kong may anak kami. At alam ko ring buhay ito. Wala akong deperensiya. Puno lang talaga ng galit ang puso ko. 

Puno ito ng GALIT  para sa Daddy ko, at inggit kay Drake.

Nagising ako sa ingay na parang may kausap si Mommy sa ibaba. Bumangon ako upang i-check ang mga nangyayari.

 

Francis, what's going on? Tanong ni Mommy ng makita niya ako.

 

Habang ibinalik ang tingin sa mga lalaking naka-uniform ng pulis.

 

Ah Sir, pwede po ba kayong maimbitahan sa prisinto. May mga itatanong lang po kami sa inyo. Magalang na pakiusap ng isang pulis.

Ah Sir, wag niyo pong sasaktan ang anak ko ha. At sandali lang po sasama po ako. Sabi ng Mommy.

 

Sasama po ako, sagot ko.

 

Kagabi kasama ng pagmumuni ko, hindi ko kinalimutan ang mga posibleng mangyari sa akin. Maari akong makulong sa mga ginawa ko kay Drake. Hindi ko na maibabalik ang mga pagkakamali ko. Dapat na lang ay harapin ko.

Inamin ko lahat ng mga ginawa ko pero hindi ko na dinawit pa ang dating tao ni Mommy. Ayokong masira  ang buhay nito. Dahil sa kagagawan ko.

Pwede akong mapatawan ng pagkakakulong ng 18-20 years. At tanggap ko iyon. Habang dinidinig pa ang kaso ay kailangan kong mag-stay sa preso.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum