Chapter 4

11 2 0
                                    

Shet. First time ko to, Andy ikaw na ba?

Ayan ang agad na tumakbo sa isip ko. Never pa akong na treat ng ganito. Shems! Nakakakilig pala. Napapamura ako sa kilig eh.

Inaabot ko ang kamay ko sa kaniya and he smoothly lead me to the dancefloor. Di nga ako nailangan sa paghawak niya sa bewang ko. Parang napakanatural na iyon.

Ang gaan-gaan sa pakiramdam. Every steps he lead me excellently.

Sunod na tumugtog yung kanta na mabagal. He put his chin on my shoulders and he wrap his arms around my waist. Parang ang sarap neto sa pakiramdam. Ako naman ay ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. We gracefully swayed.

Napansin ko medyo bumaba yung kamay niya na nasa likod ko. Medyo naging uncomfortable ako pero that doesn't ruin his efforts in this date. That's what I thought first not until nasa butt ko na ang kamay niya. I flinched. Nang maramdaman niya yun kunting itinaas ito and he didn't say sorry. Siguro nahihiya lang toh?

Hays.

Natapos na yung kanta ngunit nakayakap pa rin siya sa akin. Inalis niya ang pagkapatong ng ulo niya sa balikat ko at hinarap ako. Sobrang lapit nong mukha niya shet.

Dug-dug-dug. Haha.

Konti-konting mas lumalapit pa yung mukha niya sa akin at akmang hahalikan niya ako...

Di ko inaasahan na tinulak ko siya papalayo. Di naman yung malakas, enough lang para makawala sa yakap niya. Auri! The heck?! Nakakahiya ka!

"A-ay! E-excuse me." nalang ang sabi ko at pumuntang CR.

Agad kong tinignan yung sarili ko sa salamin. Hala pulang-pula ako. Mumha talagang nag-eexpect ako ng kiss. Ay! Nakakahiya. Ugh!

It took some time para kumalma ako. Nakailang beses ko rin pinagsasampal yung mukha ko. I decided na umihi na tutal na nasa CR na rin naman na. Bago pa ako ule bumalik doon, naka one last sampal ako sa dalawa kong pisngi at nagsalimin.

Hay nako, ang pula nanaman ng pisingi ko.

"Auri? Okay ka lang ba?"

Napatalon ako sa gulat ng marinig yon. Si Andy nasa pinto ng Cr ng pambabae.

"Ah-hahaha, oo... hehe" napakamot ako sa ulo ko.

"Ah anong ginagawa mo rito?"

"A-ay sorry nag-alala lang ako ang tagal mo kasing bumalek kaya kala ko may nangyaring nang masama." paliwanag niya.

"Ganun ba? ehehe... Pasensya na." Nakangiti ako ngayong weirdo.

Nako, Auri! Pinag-alala mo yung tao! Pinaghintay mo rin! Nakaka turn-off! Tch, Auri!

Napabuntong-hininga ako ng malalim sa isip ko.

"Kung ganon, bumalik na tayo sa labas?" wika ko. Lalampasan ko sana siya palabas, para matago ko yung hiya ko, pero hinawakan niya yung balikat ko.

"Y-yes?"

Hala baka sabihin niyang hindi na tuloy ang date dahil pinaghintay ko siya at tinanggihan ko yung kiss niya! What should I do? Ayokong marinig, wala na kong mukhang maihaharap.

Naghintay ako sa sasabihin niya pero wala siyang sinambit bagkus ay dahan-dahan niya ini-lock yung pinto na nasa likod niya.

Dug-Dug...

"A-anong ginagawa mo?" lumiit na yung ngiti ko.

Hindi naman siguro diba? Hehe? H-hindi naman yan.

Dug-dug...

"M-may nangyayari ba sa labas para magtago tayo dito?" pilit pa rin akong ngumiti.

Wala pa rin siyang sagot.

Dug-dug...

Gumuho ang mundo ko at nabalot ako ng takot ng makita ko siyang ngumisi kasama ang matalim niyang mata. Something tells me I gotta run.

"H-hoy?"

Napahakbang ako paatras. Pero humakbang naman siya palapit sa akin.

"A-Andy?"

Humakbang ako ule paatras ngunit tumama na ako sa pader.

Shet!

Nataranta ako. Pinukol ko yung kamay niya na nasa balikat ko at mabilisan tumakbo sa pinto. Hinarangan niya ako. Pinilit kong itulak siya pero he won't budge.

Ganto ba ako kahina?! Tch! Nakakainis!

Lumingon ako sa mga cubicle.

I can hide in there!

Tumakbo ako roon. Nahawakan ko na yung gilid nung nakabukas na pinto ng cubicle na pinakamalapit sa akin pero nahawakan niya na rin ang braso ko at hinila ako. I tried to shake it off pero ang lakas ng kapit niya. Kumapit din ako ng mahigpit dun sa gilid ng pinto. It's my last chance of escape. I tried my best para manatiling nakakapit ang kamay ko doon sa gilid ng pintuan. Nang hinila niya ako ng mas malakas nagswing yung pintuan pasara at naipot yung mga daliri ko doon. Napasigaw ako sa sakit.

Ngunit kahit na naiipit na yung kamay ko ay patuloy niya pa rin akong hinihila.

Ang sakit na talaga. Piling ko mapuputol yung mga daliri ko at yung hinihilang braso ko. Tulong, Gi! Gi! Tulong!

Tok! Tok! Tok!

Napatigil si Andy sa paghila sa akin at napatingin sa pinto.

"Okey lang po ba kayo diyan!? Kinukuha na po yung susi! Sandali lang po!" sabi nung nasa labas.

This is my chance!

"TULONG!"

Tinignan ako ng masama ni Andy.

"TULONG!"

I heard him clicked his tongue.

"TU-" tinakpan niya na bibig ko. Sinubukan kong tanggalin yung kamay niya ngunit hindi ito matanggal.

"One more scream and your dead." babala niya.

Linagyan niya ng hiwa yung braso ko gamit yung kutsilyong maliit. Gusto niyang ipaalam na may armas siyang dala at kya niya akong patayin.

It didn't hurt. Pero nang makita ko na lumabas ang dugo bigla nalang nagdilim ang paningin ko at nasipa ko siya ng napakalakas sa ano niya.

He groan in pain. Napabagsak siya sa sahig.

I can't think anything at that time. Kusa nalang gumalaw ang katawan ko. Inaalis ko ang ipit kong kamay at pumunta sa pinto and unlocked it.

Nasa labas lahat ng crew. Bubuksan na rin nila sana yung pinto kaso nabuksan ko na. Tinanong nila ako kung anong nangyari at nag-alala sila ng makita yung sugat ko. Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot.

Dire-direstso lang akong naglakad palabas. I even push yung isang crew nung nagtangka niya akong tulungan.

I want to get out from this hell. Ang lamig, but at the same time I'm burning.

Nakalabas na ako ng shop, medyo madilim na mga six na siguro? I barely walk across the street.

I didn't know what happened next.

HU Dating AppWhere stories live. Discover now