Chapter 1

31 1 0
                                    

"Oy' Queen of Nerds!" agad akong lumingon sa tumawag sa akin nun. I mouthed him f*ck you at inirapan siya tsaka ako patuloy lumakad. Narinig kong nag 'ow' yung mga kasama niyang mga lalaki at nagsitawanan.

Pumasok na ako sa Senior High Building at naglakad papunta sa aking classroom.

"Excuse me, Auri," may biglang lumapit sa akin na lalaki. His face looks familiar. Huminto ako. Ini-ayos niya muna yung kaniyang salamin at ibinaba niya na muna sa sahig yung makakapal na librong hawak niya.

"Uhm... I'm Andy from the 'HUDA'," Ini-abot niya sa akin yung kamay niya, nag-aalok makipag-shake hands.

Naramdaman kong pinagtitinginan na kami.

"Haha, another nerd," rinig kong sabi.

Tsk.

Sa hallway ba naman kasi nagpakilala, but chill ka lang Auri. Be nice. Inabot ko sa kaniya yung kamay ko at nakipag-shake hands. Ang gaspang rin ng kamay niya, ah. Nasobrahan sa paghawak ng pen at libro.

"Nice to meet you!" I smiled at him like I did to others.

"Are you free later 3pm?" he asked.

Would I say yes or no? Tignan mo siya Auri, I think other bullies him because he is nerd, alam mong gusto niya ring mag-aral at ang pagbibigy ng oras sa mga ganitong bagay ibig sabihin ay may-sinakripisyo siya.

I said to myself.

"Oo," bigla nalang lumabas sa bibig ko yun. Napabuntong hininga ako sa isip ko.

Geez, Auri! Yan ka nanaman

"Great, I mean, let's meet at the milk tea shop across our school!" excited niyang sabi.

Wala ka ng atras, Auri.

Tumango nalng ako ng may ngiti. "So mauna na ako!" paalam ko habang naglalakad palayo sa kaniya.

Habang palapit na ako sa aking classroom nakita ko yung mga classmate kong lumalabas ng room. "Hi Auri," bati nung iba sa akin. Well, di naman lahat ng tao katulad ng nang-bastos sa akin kanina. Mabait naman sa akin yung mga kaklase ko kahit na minsan ay inaasar din nila ako.

"Aurae!" tawag sa akin ng bakla kong kaibigan ng pumasok na ako ng room.

"It's Auri, Gian Christopher Alladini III! O-RI, not O-RAY!" pang-lelecture ko sa kaniya habang naglalakad sa seat ko. Lagi nalang yan ang una kong sinasabi sa kaniya tuwing magkikita kami.

/CAI//:

Auri Tareze. Age is 17 1/2. In her age, she became interested in finding romance and found the school's own dating app called HUDA. But mostly, more appropriately all, who ask her out in the app are nerds. That's why she became the "Queen of Nerds." Of course she tried to reject some of request but because of her over-thinking attitude, her attempts failed.

Gian Christopher Alladini III. Age 17 3/4. Auri calls him Gi, and most of all. He is the handsome gay friend of Auri.

//:

"Nevermind that, I heard may tinarayan ka nanaman kanina." tsika niya.

Linagay ko yung halos walang laman na bag sa chair.

"Kasalanan naman nila yun. Bawal na kaya ng bully ngayon." Inikot ko yung upuan ko paharap sa kaniya. Nasa likod ko kasi siya naka-upo.

He clicked his tongue,"Kaya wala ka pang jowa eh, ang init naman kaagad ng ulo mo pag iniinsulto ka at nagmumumkha kang masungit, mas mahaba pa yung patience mo sa mga nerds na nanliligaw sayo tapos magagalit ka naman kung tatawagin kang Queen of Nerds."

"Eh yun nga eh, kasi mas mababait sila. Paano ko sila magugustuhan kung ganun ugali nila, first impression, Gi, remember." Gi ang madalas kong tawag sa kaniya kasi hindi masyadong panlalake o panbabae. "Pero teka saan mo ba naririnig yung mga balitang tulad nan, ha?"

Parang kakadaan ko palang sa mga tinarayan ko kanina, ah? Masyado ba akong sikat? Ganun ba yun? Hays. Sakit sa ulo isipin.

Hindi na siya sumagot. Kinuha niya yung phone niya, yan yung sign na wala na siyang gana dahil sa pagka-stubborn ko.

Tinignan ko lang siya habang nagscro-scroll. I checked again his features, hays, kung hindi lang talaga ito hanap-lalaki edi sana jinowa ko na siya. Tumigil siya sa pag-scroll at lumaki yung mata niya, gulat na gulat.

"Ano to?!"

Napatingin yung iba naming kaklase na naiirita sa bibig niya. Madaldal kasi si Gi at laging sumisigaw.

"Ano nanaman?" nagtataka kong tanong sabay lapit sa kaniya at tumingin ako sa phone niya. Lumaki rin yung mata ko ng makita ko yung post.

Andy Cruzen
3 mins. ago

I'm super happy, I'm gonna have date with her.

tagged- Auri Tareze

231 views
147 shares

"Tae!" matigas kong sabi. I want some privacy, social media! And Andy!

"May in-accept ka nanaman na nerd!?" di niya na makapaniwalang sabi habang umiiling.

"Sorry, I have no choice," natataranta kong sabi.

"Aurae, hindi ka pwede wala kang choice may 'no' naman diba?" pang-lelecture niya. "At wag ka dapat mag 'sorry' sa desisyon na ginawa mo panindigan mo yan."

"Ayun nga ang balak ko."

"Aurae, ayus-ayusin mo buhay mo,"

"Oo na, so ano na plano?"

Napabuntong-hininga siya.

Sinabi niya sa akin ideya niya. Tapos nagkasundo kami talaga kung ano gagawin namin. Saktong pagtapos namin ay dumating na ang teacher namin sa english. Dali-dali kong inayos yung upuan ko.

HU Dating AppOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz