Chapter 43

7 0 0
                                    

"Mga hayop kayo!"

"Ang sasama niyo! Wala kayong pinagkaiba sa demonyo!"

"Kaycee. Let me explain" pagaawat ni nick sa ginagawa kong pagbabasag ng mga babasagin sa bahay na to.

"Explain? Ha? Nick? Naririnig mo ba ang sarili mo? Alam mo ba ang sinasabi mo? Explain? Eh gago ka pala eh!" sinampal ko siya. Yung sampal na dati pa niya dapat naramdaman at nakamtan.

Alam mo yung ang sakit sakit? Inilihim nila sakin ang bagay na dapat matagal ko ng alam. At bukod dun ay binago nila ako ang pagkatao ko na wala man lang permiso ko. Pinakielaman nila ang buhay ko. Binaboy nila ako!

Lalabas na sana ako ng bahay ng pinigilan pako nick. Mukhang hindi ata nakuntento sa napakalakas kong sampal eh.

*Plaaaaaaak

"Oh ano nick? Sabihin mo sakin ngayon? Kulang paba?"

"Kaycee .." balak niya pa sanang hawakan ako pero itinaboy ko na siya. Itinulak ko siya na gamit ang buong lakas ko. Wala pa yan sa pagkabagsak mo sa sahig sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Pero kaycee-" diko na pinatuloy pa ang sasabihin niya

"Syempre oo kulang yan nick! Kulang na kulang yang sampal ko at pagtataboy sayo! Sa sakit! *turo sa puso ko* na NARAMDAMAN ko nick. Kulang na kulang yan para sa ginawa niyo sakin. KULANG NA KULANG nick!" at sinampal ko ulit siya

Lumabas nako ng bahay at agad pinaharurot ang kotse. Saan ako pupunta? Hindi ko alam pero isa lang sisiguraduhin kong magiging lagim din ang buhay nila. Katulad ng lagim na ipanaranas nila sakin sa napakahabang panahon. Sinamantala nila ang kahinaan ko. Ang pagkatao ko.

"Mga hayup! Hayup kayo!" hampas ko sa manubela

Naramdaman ko ang mga luha ko na tila falls sa pagbagsak. Sobra sobrang sakit ng nararamdaman ko.


@Bar

"Bigyan moko ng kahit anong alak! Dalian mo!" sigaw ko sa bartender

Ilang minuto lang ay nasa harapan ko na ang diko mabilang bilang na alak. Una kong tinungga ang vodka. Sabay sunod sunod na sa iba't ibang klase ng alak na ibinigay sakin. Pagkatapos kong maubos ang lahat ng yun ay nagpakuha pa ulit ako. Hindi ko maramdaman ang hapdi na dulot ng alak, mas nangingibabaw pa rin sakin ang hapdi ng mga sinabi sakin ni nick kanina.

*Flashback


Sobrang excitement ang nararamdaman ko at medyo may halong pagkakaba dahil sa binitawang salita ni nick sakin bago pa man kami makalapag dito sa pilipinas. Umupo ako sa sofa gusto kong suotin ang mga ngiti ko pero parang may kung ano sa katawan ko ang pumipigil na gawin yun. Maya maya pa ay nakita ko si nick sa harapan ko nakaupo sa maliit na table dito sa sala. Hinawakan niya ang kamay ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Princess" hawi niya sa buhok ko

"Nick." plain na tawag ko sa pangalan niya. Bat parang ang sama ata ng timpla ni nick? Hindi ko siya magawang mabasa ngayon. Ang expression niya.


"Mangako ka. Na kapag pinakinggan mo ang lahat lahat ngayon ay susunod mo naman akong papakinggan." seryoso niyang sabi

"A-ano ba yun?"


"Kaycee tandaan mo mahal na mahal kita" hindi nako bago sa mga salitang yan pero bakit parang ngayon. May laman? May kung anong nasa loob nun? Na hindi ko mabasa at matukoy tulad ng pinapakita niya ngayong emosyon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon