Chapter 14

8 1 0
                                    


Umaga na ng pagkadilat ng mga mata ko nakita ko agad ang kisame nila Peter.

Nagunat unat ako tsaka tumayo. Ngayon ang pwesto ko ay nakaupo na sa sofa. Nakatulog pala ko dito sa sobrang kalasingan. Ang alam ko ay crewfam ang balak kong lasingin para hindi nako matanong pa ng kung ano-ano eh.

Tumayo nako at napatingin ako sa kinatatayuan ko sa baba. Si nick nakahiga sa sahig may mga bote ng alak sa gilid. At si peter may kayakap? o_O lumakad ako ng dahan dahan papunta sa pwesto ni peter para hindi magising siba joshua at ang iba pang crew.


*Lakad


*Lakad

*Lakad


"Hahahaha" tawa ko ng pagpipigil.


Nakita ko kasi kung sino ang kayakapan niya. Si aron? Hahaha XD gulo gulo ang mga buhok nila at topless sila. Mga walanjo tong mga to di man lang nahiya sakin nag-iisa lang akong babae dito. Pero sa bagay sanay naman nako makita silang ganyan sa tuwing nag papractice kami bago ang laban.


Ang cute nilang tignan *O*

Naglakad na ulit ako papunta sa kusina para magtimpla ng Milo. Medyo may naramdaman kasi akong pagkahilo. Sigurado hang over to -_-


Pinilit kong hindi gumawa ng ingay para hindi magising ang mga ito. Pero .. Nakasabangga ako ng baso at gumawa ng ingay para magsigising ang grupo.


"Mmmmm" nakita kong pag-uunat nilang lahat


"Oh kanina kapa gising princess?" -Nick


"Ah oo pupunta sana ko ng kusina magtitimpla ng milo masakit kasi ang ulo ko"



"Ah. Sige pagtimpla mo na din kami princess ha?"



"Ah okay okay"



Naglakad ako ulit. Pero ngayon dire diretso na halos lahat sila eh gising na maliban nalang kanila Aron at Peter. Hindi pa rin kasi humihiwalay ang dalawa sa pagkakayakap nila sa isa't isa. Hahaha nakakatuwa silang tignan panigurado mamaya pagtritripan na sila ng grupo. Kukuhanan ng pictures at ipopost sa facebook.


Kumuha nako sa cabinet sa bandang kaliwa para kunin ang kape at milo naman para sakin. Kumuha na din ako ng mahigit sa 20 na baso. Sobrang dami pa rin kasi nila siguro nga kumpleto pa rin kami dito. Walang umuwi lahat bagsak.



Binuksan ko na ang stove para magpainit ng tubig. Kung gagamitin ko kasi ang cofee maker baka lalo lang matagalan eh. Kaya mano mano nalang ang pag timpla ko mas sigurado pako na magugustuhan nila ang timpla ko. Sa bar kasi na pinag te-trainingan ko eh mabenta ang kape na minimix ko para sa mga taong may hang over pagkatapos nilang mag party party sa bar.



*Lagay ng kape, cofee mate, asukal.


*Halo




Paulit ulit ko na ginawa yan sa mahigit na 20 na baso. Napaso na din ako ng ilang beses dahil sa mainit na tubig. -_-

Inilagay ko na sa tray ang ibang kape para maihatid na sa sala.






"Oh eto na ang kape niyo meron pa dun sa kusina kunin niyo nalang. Mainit eh napaso nako -_-" lapag ko sa lamesa



"Salamat koy!" gulo sa buhok ni joshua




Di nako umimik. At ininom ko nalang din ang milo ko. Ang sarap ng timpla ko *O*



You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon