Chapter 20

10 0 0
                                    

Inayos na ng crewfam ang bodegang pag pa-practice-an nila. Binalak din ni nick na pagsamahan ang crewfam at vanity crew. May mga tatanggalin at idadagdag si nick para gawin ang pasabog na gustong mangyari ni nick.

Isang malaking laban ang magaganap kung sakaling maglalaban ang crew nila nick at crew nila kim. May dating alitan kasi ang dalawa kaya naman parehas silang busy para ipanalo ang finals na parating ngayon.

Ang grupo ni nick at ang isa pang grupo ni kaycee ay nagkasundo para sa laban na magaganap.

"Mga pre, may finals na mangyayari. 2 weeks na lamang ay paglalabanin na ang grupo namin at ang grupo ng mga makakalaban namin sa finals na yun."

"Eh pre pano yan may laban din kami" -dipensa ng isang lalaki sa grupo ng vanity crew

"Baka pre pwede nating pagpalitin ang grupo ko sa grupo niyo?"

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ng nasa harapan ko

"Magbibigay kami ng kagrupo ko at magbibigay kayo ng kagrupo niyo samin. Magkakaroon ng exchange members."

"Pinagloloko mo ba kami pre? Para san naman ang sinasabi mong exchange members?"

"Ang iba kasi sa grupo ko mga pre, hindi kaya ang gagawing pasabog sa dulo ng magiging dance performance namin"

"Bat hindi mo muna ipaliwanag samin ang mga pwedeng mangyari at gawin natin? Baka sakaling magkaintindihan tayo"

Tumingin ako sa mga lalaking nasa likod ko. Ang grupo ko

Nagsitango naman sila at pinalapit ako sa pinuno ng grupong vanity crew.

Lumapit ako at sinabing ..

"Tara dun sa bodega"

Sumunod naman siya sakin

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Bakit kailangan gawin ang mga iyon pre? Parang sa tingin ko pinapahirapan mo ang mga kagrupo mo"

"Pre finals to kailangang kailangan namin ang price neto para makita at ibalik dito si kaycee. Hindi ang texas ang buhay niya. Tayo pre tayo ng mga grupo niya"

Kumunot ang ulo ng lalaki. Tila nag-iisip kung papayag nga ba sa mga plano ni nick para sa pareho nilang grupo.

"Pre alam kong napagdaanan niyo na din ang ganitong laban. Kaya sana pre .."

Hindi na pinatapos ng lalaki ang sasabihin ng pumayag ito sa gustong gawin ni nick.

Tinapik ni nick sa braso ang pinuno ng vanity crew.

"Thanks pre" shake hands nito sakanya

"Adrian nalang pre"

"Nick" pagpapakilala nila sa isa't isa

Lumakad na ang dalawa papunta sa kinatatayuan ng mga kagrupo nila. Sisimulan na ang paglilipat ng mga kagrupo para masimulan na ang rehersal na gagawin ng bawat isa. Prehas kasing lalaban ang mga grupong naiwan ni kaycee para i-defend ang pangalan ng mga grupo nila.

"Mga tol!" -Adrian

Tumango tango naman si nick habang nakapamewang siya.

"Pumayag nako sa gustong mangyari ng tropa nating si nick" sabay tapik sa braso nito

"Mag e-exchange tayo ng ibang miyembro natin sakanila at ang sakanila naman ay sa atin muna"

Nakinig lang ang bawat miyembro ng grupong involve sa mga laban. Hindi naman mahirap paliwanagan ang mga to dahil alam nila na ang grupo nila nick ay naka e-experience ng isang napaka delikado at sensitibong laban na magaganap.

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon