Chapter 40

7 0 0
                                    

Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni kaycee pero kahit isa hindi niya ito sinasagot. Walang kahit anong ungol o galaw ng katawan siyang pinahiwatig samin ni Nick. Isinugod namin siya sa pinakamalapit na hospital dito. Dahil hindi namin alam kung anong nangyari sakanya at bigla siyang nawalan ng malay.

Nandito kami ngayon sa hospital at hinihintay ang paggising ni kaycee.

"Kasalanan mo to eh!" sabi ni nick sakin

"Kasalanan mo! Kung hindi ka sana pumunta at nagpakita sakanya hindi siya hahantong sa ganito"

Nagulat kaming pareho ng may malakas na kalabog sa pintuan. Nakita ko ang mama at papa ni kaycee. Or dapat ko bang sabihin na ang mama at papa ng kaycee na taong minahal ko. Masama ang tingin sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nandito?

"What are you doin here?" sabi ng mama niya sakin na may halong galit.

K

"Kayo?-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng isang malakas na sampal ang inabot ko. Isa tong malaking tanong sakin? Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa nila rito? Bat sila nandito? At bat ganito ang tingin nila sakin?

"Ikaw nanaman?! Nilayo na nga kita sakanya pero pilit ka pa rin bumabalik ha?" hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya ngayon sa harapan ko. Pero patuloy ko pa rin na tinatanggap ang lahat ng yun. Alam kong sobrang sakit pero kailangan tanggapin.

"Lumayas kana!" turo niya sa pinto.


"Lumayas kanaaaaa!" patuloy niya pang sigaw pero ang mga paa ko tila ayaw umalis at maglakad papunta sa pinto.

"Ano pang hinihintay mo ha?! Gusto mo pa bang ipatawag ko ang mga guard para kaladkarin ka?"

"Ma!" sigaw ni kaycee


"Kaycee" lumapit ako sakanya


"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa mama niya

"Baby. Inumin mo na tong gamot mo" binigay niya ang gamot na madalas nakikita kong iniinom ni kaycee sa tuwing sumasakit ang ulo niya. Pero ngayon hindi naman masakit ang ulo niya para painumin siya ng gamot.

"Diko iinumin yan!" pagmamatigas ni kaycee. Sabay tapon sa gamot

"Kaycee!" nakakatakot na sigaw sakanya ng mama niya

"Umalis na kayo!" -kaycee

"Pero princess .." -nick


"Shut up nick!"

"Maari na kayong umalis ngayon. Bukas ang pinto ma! Alam kong naririnig niyo ko!"


"Kaycee. Anong nangyayari sayo anak?" papalapit ito kay kaycee pero tinataboy niya ito


"Narinig niyo naman ako hindi ba? Umalis na kayooo!" -kaycee


Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan. Kung bakit na tinatawat na mama ang mama ni kaycee. Ang taong minahal ko. Hindi kaya? Shit!


"Baby .." tawag ng isang lalaking hindi na bago sa paningin ko dahil eto ang papa ni kaycee ng taong mahal ko.


"Pa! Narinig niyo naman ako diba? Umalis na kay-" hindi naituloy ni kaycee ang sasabihin niya at niyakap siya ng mahigpit ng lalaking iyonat siyang nakapagpatigil. Umiiyak si kaycee ngayon ko lang siya nakitang umiiyak ng ganito. Nararamdaman ko ang sakit sa bawat pagpatak ng mga luha niya.

Naalala ko noon nung ipinagtatabuyan ako ng mama ni kaycee ang taong mahal ko. Dahil hindi ako maalala ni kaycee. Pero ang pamilya niya ay naalala niya. Nakakapagtaka hindi ba? Napaka imposible na sila maalala niya pero akong boyforiend niya hindi. Hindi ko alam gagawin ko nung mga panahon na yun para suyuin si kaycee. Para ipilit ibalik sakanya ang mga ala-ala naming dalawa. Pinalabas nila ko sa loob ng kwarto ni kaycee kung saan siya naconfine nung nangyari samin ang masamang pangyayari ang mabunggo ng malaking truck at siyang naging dahilan para magkalabuan kaming dalawa ni kaycee. Dahil simula nun hindi ko na siya nakita pa.


"A-anong ibig sabihin nito?" mautal utal kong tanong

Napatigil naman silang dalawa sa pagkakayakap nila sa isa't isa.


"Hijo. Let me explain" sabi nito


"No. Walang dapat ipaliwang!" matigas na sabi ng mama ni kaycee. Na siya ring mama ng taong mahal ko.


Tumakbo ako palabas ng kwarto kung saan ng umiiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nandito? Kung ano ang ginagawa nila dito? Ng mama at papa ni kaycee. At anong explain ang dapat sabihin sakin ng papa ni kaycee.



Shit! Shit! Tama ba ang iniisip ko? Si kaycee na minahal ko at ang kaycee na nakaharap ko ngayon ay iisa? Pero ..

Pero paano nangyari yun? Magkaibang magkaiba sila. o_O
-


Tieyches~

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon