:<

9 3 0
                                        

JESSICA'S POINT OF VIEW

Finally! Graduate na ako! Tapos na ko sa parte ng pag aaral sa buhay ko. Isang hakbang nalang maabot ko na yung pangarap ko. Isang board exam nalang magiging isang ganap na CPA na rin ako. Malapit ng matupad yung mga pangarap ko, pangarap namin. Hmn, after ko mag aral magpapahinga muna siguro ako, pupunta akong ilocos or bataan nalang kaya? Tapos ieenjoy ko muna yung kama, kailangan ko ng napakahabang tulog.

Natigil ako sa pag-iisip ng mga pwedeng gawin ng biglang may humalik sa pisngi ko at paglingon ko sino pa ba, ang nag iisang lalaking minahal at mamahalin ko sa buong buhay ko

"Anong iniisip mo love? Ako lang dapat yan okay?" Hanggang ngayon hindi ko parin mapigilang mapangiti tuwing tatawagin nya ako sa endearment namin.

Sino sya? He is Mark Angelo Marquez paano nga ba kami nagsimula? We first met nung nagtake kami ng UPCAT that was 4years ago, year 2015. Same kami ng building noong nagtake kami. Wala syang kasama, wala rin akong kasama that time so ayon kinausap nya ako and then boom sobra akong natuwa sa kanya. That time? Hindi ko na naisip yung kaba sa pag take ng exam kasi sobrang saya nyang kausap, parang makakalimutan mo yung kaba mo. Sabay naming tinake yung exam and nung natapos na iyon, walang kasiguraduhan kung magkikita pa ulit kami. Nangako kami sa isa't-isa na kapag nakapasa kami sa school na to, on our first day babalik kami sa building na ito to congratulate each other. And luckily napasa nga naming dalawa. He took Bachelor of Science in Civil Engineering at ako naman Bachelor of Science in Accountancy.

Mas lalo kaming naging close that time. Hindi lang friendship yung nabuo namin pati rin romantic relationship. On our 1st year sa UP sobrang hirap, magkalayo kasi yung building naming dalawa pero hindi naging hadlang yon sa kanya. Every time na lalabas ako ng room after class nandyan na sya, nakaabang ihahatid na raw nya ako sa dorm. Lagi syang ganon, hindi sya nagsawa. Naging kami nung 2nd year college, tandang tanda ko pa kung paano nya kinuntsaba yung mga kaibigan ko at kaibigan nya sa mga pakulong ginawa nya para lang mapasagot ako.

Hindi nya ko iniwan at hindi ko rin sya iniwan. Dumating ang 3rd year at inaamin kong sobrang naging busy naming dalawa, dumating sa punto na halos hindi na kami magkita. Katulad din kami ng normal na magkasintahan na may mga nagaganap na tampuhan o awayan pero hindi umaabot sa hiwalayan. Almost a week kaming hindi nagkita dahil busy sya sa mga requirements nya at syempre ganoon rin ako. But one night habang inaaral ko ang napakaraming kailangang aralin sa tax nagulat ako nandyan sya, dala dala nya yung mga gamit nya sa pag gawa ng kung ano anong kailangan nyang gawin tapos sabi nya "Hindi ko na kayang hindi kita makita, priority ko ang mag-aral pero nawawalan ako ng lakas kapag hindi kita kasama. So please pwede bang magkasama nalang tayong gumawa ng lahat ng bagay?"

Magkasama naming hinarap ang lahat para makarating sa araw na to, para makarating sa araw na matatapos na namin yung pag aaral na to. Magkasama naming hinarap ang mga hamon para makapagtapos sya ng BSCE at ako naman para makapagtapos ng BSA. At eto na nga graduate na kaming pareho.

"Iniisip ko lang what if hindi tayo same ng building dati? Magkakakilala kaya tayo?"

"Sa tingin ko oo. Oo dahil gagawa ako ng paraan para makilala ka" He said.

"Isang hakbang nalang love, matutupad na natin to" I said at pinakita ko yung binigay nya saking chain nung araw na pinasagot nya ko. Isa itong hugis pusong may nakaukit na "Engineer are meant for Accountant"

And yes! Sa buong proseso ng pagrereview naming dalawa for our board exam, magkasama parin kami. Sabay sa pag-aaral, sa pagpupuyat na halos yung dinner namin nakakain na namin ng 3am dahil sa mga inaaral namin.

Oras, araw, linggo at buwan ang lumipas. Lumabas na ang resulta ng kanilang Board Exam, and guess what. Syempre pumasa yung boyfriend ko! And yes! I have my Engineer. Ngayon sya na si Engr. Mark Angelo Marquez.

"Congrats my Engr. Iloveyou" I said and kiss him in his cheeks

"Ikaw na sunod love, kaya mo yan my future CPA" sabi rin nya sabay yakap sakin.

Sobrang nararamdaman ko yung kaba na what if hindi ko ito maipasa, ikahihiya ba ako ng taong mahal ko? Paano kapag bigla nya akong iwan, paano kapag madisappoint sya sakin.

"Stop overthinking love, alam kong kaya mo. Alam kong magtatagumpay ka. Pero kung hindi man pwede pa namang itry sa susunod diba? I will always be on your side no matter what" Marinig ko palang na sinasabi nyang kaya ko parang lumalakas yung loob ko.

Sa araw ng exam ko hindi nya ko iniwan, hinintay nya ko mula simula hanggang matapos. Ngayon, ngayon na yung araw na lalabas yung CPA Board Exam Result. Nandito nako sa College of Engineering kung saan kami magkikita. Sabi kasi nya gusto nya kung saang lugar kami nagsimula bilang dalawang estudyante na nangangarap doon din ulit kami magsisimula ngunit hindi na bilang dalawang estudyante, bilang dalawang taong natupad na yung mga pangarap sa buhay. Diba? Sobrang lakas ng pakiramdam nya na papasa talaga ako. Habang iniisip ko lahat ng napagdaanan naming dalawa nahinto ako sapagkat may tumatawag. Siya. Si Mark siguro malapit na sya.

"Malapit kana love? Dalian mo gusto ko ng malaman yung result" Masayang salubong ko sa kanyang tawag.

"Tignan mo na yung result mukhang matatagalan pa ako eh" ramdam kong may iba sa tono ng pananalita nya. Matagal na pilitan pa ang nangyari dahil pinagpipilitan kong hihintayin ko sya bago ko tignan ang resulta ngunit sabi nya ay tignan ko na sapagkat matatagalan pa nga raw siya. Syempre gusto ko na rin namang malaman kaya hindi ko na pinatay ang tawag at dahang dahang hinanap ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa.

Habang hinahanap ko ito hindi ko mapigilan ang kabang namumuo saking dibdib. Parang biglang bumagal ang oras at ang pagscroll ko sa aking hawak na smart phone. At isang pangalan nga ang aking nabasa.

AQUINO, JESSICA ALEXANDREI C. ,CPA

Walang pagsidlan ng saya ang aking nararamdaman. "Love pasado ako, CPA na ako! May CPA kana mahal ko!" Sobrang kagalakang sinabi ko sa aking kasintahang kausap ko sa kabilang linya.

"Congrats my CPA, Iloveyou" yan ang huli nyang sinabi bago ako makarinig ng isang malakas na pagsabog.

It's been a year since nangyari ang lahat ng yon. Pero sya parin at sya parin. "Ikaw lang ang Engineer na minahal at mamahalin ko hanggang sa dulo ng buhay ko. Iloveyou my Engineer"

MeantWhere stories live. Discover now