#15

47 4 13
                                    

12:00am

Zack: D!!!!!!!

Zack: Dee???

Zack: Hindi kopa sure kung anong magandang itawag sa'yo.

Zack: D or Dee?

Zack: Dee na nga lang.

Seen.

Zack: Hiiiiiii, Dee.

Dayann: Dee? Baduy.

Zack: Awtsssss :c

Zack: Yung puso ko ang sakit. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Zack: Biro lang, Dee. Cute kaya ng Dee, kamukha mo.

12:11am

Zack: Dee, look who's happy.

Zack: It's meeeeee, yahuuu!!!

Seen.

Dayann: Why?

Zack: Well, bukod sa nakakachat kita tuwing 12:00am. May isa pang nagpapasaya sa'kin ngayon.

Zack: NILILIGAWAN KONA 'YUNG CRUSH KO.

Seen.

Zack: Dibaaaaa? Shit, grabe grabe grabe.

Zack: No'ng una hindi ako makapaniwala kung pa'no ko naamin sakanya na gusto ko siya pero wala nagawa ko lang.

Zack: Salamat sa advice mo ah, sobrang nakatulong yun.

Seen.

Zack: Tapos ito kwento ko sa'yo kung paano nangyari ang lahat.

Zack: Woah wait kinikilig akoooo.

12:32am

Zack: Kapitbahay ko kasi siya tapos simula elementary pa lang kami close na 'yung mama niya saka si mama tapos ayon dati playmates kami. Tama ba playmates? Basta naglalaro kami.

Zack: Tapos hanggang sa nag highschool na, same school pa rin kami at alam moba nagpapansinan pa rin kami. Tas ayon naging close kami, minsan hinahatid ko siya lalo na kapag wala akong game saka kapag hindi niya rin kasama mga friends niya.

Zack: Tas yun na nga, habang tumatagal parang nahuhulog na ako sakanya.

12:43am

Zack: Alam mo'yun Dee, yung parang sakanya na umiikot 'yung buong araw, isip, puso at laman loob mo?

Zack: HAHAHAHAHA joke!

Zack: Uy mangseen kana man d'yan.

Zack: Ayon na nga. Ewan koba, pero isang araw napatingin na lang ako sakanya tapos nagiba na ang lahat. 'Yung normal na pagtingin ko sakanya naging special.

Zack: Kapag titignan ko ang mga mata niya, jusmeyo Lord natutunaw ako sa ganda. Akala ko nga no'ng una infatuation lang kasi 'diba gano'n naman mostly.

Zack: Pero hindi e, habang mas tinititigan ko siya. Hindi na lang ganda 'yung nakikita ko e, kun'di purong kagandahan.

12:51am

Zack: Baduy man pakinggan pero sa tingin ko inlove na inlove na'ko sakanya.

Zack: Kasi wala pa akong tinignan na tao kagaya nang pagtingin ko sakanya. Tapos kahit ngumiti lang siya parang ang saya saya kona rin. Gusto ko lagi ko siyang kasama, gusto ko ako yung source of happiness niya.

Zack: Gusto ko lagi lang siyang okay.

Zack: PERO SHET

Zack: Nanliligaw na ako, Dee!!!!

Zack: Akalain mo nga naman, salamat talaga sa tulong mo.

Zack: Kaunti na lang, mapapasaakin na 'yung taong ninanais ko.

1:02am

Zack: Hindi mo ako sineseen, proud na proud ka siguro sa'kin, 'no?

Zack: OY NAGCHAT NA SIYA!!!

Zack: Wait lang, Dee ah. Umaasenso na'tong lover boy mo e.

Zack: Goodnight, Dee :>


Convo #15

the hurting [ MH series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon