8 (And they meet again...)

1.2K 16 0
                                    

••Taehyung's POV••

~~~9 Years Later~~~

"Chukahaeyo!"

"Ang galing-galing niyo!"

"Pihado pasok na naman sa billboard yung bago niyong kanta."

"Kamsahamnida."

"Guys, can we do a quick interview?"

"Sure, sure."

Kakatapos lang ng comeback stage performance namin at papunta na kami ng mga kagrupo ko sa dressing room nang harangin kami ng mga media. May mga ilang tanong ang mga ito samin na pinaunlakan naman namin.

Kabilang ako sa isang kpop boy group na kung tawagin ay Bangtan Sonyeondan o mas kilala internationally as BTS. Binubuo ito ng pitong myembro. Ako, si Jimin, Jungkook, Suga/Yoongi, J-Hope/Hoseok, RM/Namjoon at si Jin/Seok Jin.

It's our fifth year now as a group, and we just released another song today. Hoping that it will top the charts again just like our previous songs.

Hindi naging madali ang pinagdaanan naming lahat makarating lang sa kung ano ang estado namin ngayon. Pagod, puyat, injuries, pagkakasakit at stress. May mga panahon din na minsa'y gusto ng sumuko ngunit hindi maaari dahil ayaw namin masaktan ang minamahal naming mga A.R.M.Y.

Sila ang palaging sumusuporta sa amin. Ang dahilan kung bakit natatamasa namin ang tagumpay ngayon. Kung bakit patuloy kaming gumagawa ng mga kanta. At dahilan kung bakit pinipili namin maging matatag kahit minsa'y mahirap. Ganun sila kahalaga para samin.

Pero hindi lang naman puro hirap ang dinadanas namin sa pagiging 'artist o idol'. Ever since, we've always love what we do. It's our passion to entertain that drives and makes us strive to always give our best.

"Ok everyone, that's all for today. Kailangan na bumalik ng mga boys sa dressing room. Again, thank you for your continues support for BTS." announce ni Minjung-hyung sa mga reporters.

Sabay-sabay kaming yumukod sa harap ng media bilang paggalang at pagpaalam bago kami pumasok sa hallway pakuntang dressing room.

"Grabe, nagugutom na 'ko." daing ni Jungkook habang naglalakad kami.

"Ikaw talaga, kahit kelan ang takaw mo. Para kang may alaga sa tiyan." natatawang biro sa kanya ni Namjoon-hyung.

"Kelan nga pala dadating yung kapalit mo, noona? Buti nakakapasok ka pa ngayon. Diba malapit na kasal mo?" sunod-sunod kong tanong kay Gayoung-noona nang kunin nito ang hawak kong earpiece.

"Sabi nila today daw eh. Medyo nas-stress na nga ako. Ang dami ko pang kailangan ihanda para sa wedding." malungkot na aniya habang inaayos yung earpiece sa lagayan.

"Ganun ba. Nako, sana nga dumating na yung kapalit mo, noona." pakikisimpatya ko sa kanya.

Si Gayoung-noona ang pinakamatagal kong personal assistant. She's been taking care of my personal needs for almost 3 years now. Sadly, she has to resign because she's getting married to her long time boyfriend. Gusto ng boyfriend nito na makasettle down muna after ng kasal nila at magkaanak bago muling magtrabaho si Gayoung-noona.

"Una na ko sa loob, hyung. Gutom na talaga ko eh." tapik ni Jungkook sa braso ko bago ito nagtatakbo papunta sa dressing room namin.

Haizt, talaga 'tong maknae namin. Basta talaga nagutom, di papahuli. Hehehe...

Naunang pumasok si Gayoung-noona sa loob ng dressing room. Papasok na rin sana ako ngunit bigla akong natigilan pagkabukas ko ng pintuan.

Agad akong napaatras at bahagyang dumungaw sa pinto. Matindibg pagkagulantang at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan ang babaeng kausap ng manager namin sa loob ng dressing room. Ang babae na di ko kailanman inaasahan pang makita.

His Desire for Revenge (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon