Maalwan sa buhay ang tiyahin niya noong nabubuhay pa ito dahil bukod sa malakas namang kumita ang shop nito ay may dolyar pa itong pensiyon mula sa Amerika. Ang asawa ng tiyahin niya ay isang sundalong Amerikano na namatay sa digmaan sa Middle East.

Kaya naman sino ang mag-iisip na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Sta. Fe ang isang simpleng tulad ni Lola Emilia.

Sa loob ng tatlong taong nakilala niya ang matandang babae ay natanim na sa isip niyang ang ikinabubuhay nito ay ang mga ipinapadala rito ng apo.

"Seven minutes..." she reminded him.

Mula sa pagkakatitig sa mga kasangkapan niya'y humarap si Robb sa kanya. "I'm sorry about yesterday. Sinabi ni Lola na hindi mo alam ang tungkol sa mga lupaing pag-aari niya."

Humihingi ito ng paumanhin pero ni hindi niya mahimigan ang sinseridad sa tinig nito. "Siyempre, hindi mo siya pinaniniwalaan dahil iniisip mong maaari kong malaman iyon sa ibang tao."

Hindi nito kailangang aminin iyon. Lumatay sa mukha nito ang katotohanan ng sinabi niya. She rolled her eyes.

"Anyway, Serena," he said abruptly, "my opinion is of no importance. I came here this morning to ask your help."

Umangat ang mga kilay niya. "Ow. Ang isang tulad mo, hinihingi ang tulong ko? Hindi ka kaya mabilaukan?"

"You can quit the sarcasm. I really need your help."

Sandali niya itong tinitigan bago, "Saan?"

Dinampot nito ang isang knickknack sa shelf ng isang estante, tinitigan na parang interesado at pagkatapos ay muli ring ibinaba at hinarap siya.

"Isa lang ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas, Serena. Si Lola Emilia. Mahabang panahong hindi kami nagkita. Halos limang taon kung tutuusin..." He paused for a second. "Gusto ko siyang isama pabalik sa Amerika. Walang dahilan para manatili siya rito. Naroon ang trabaho ko at hindi ako mapapanatag kung narito siya."

"Really?" Puno ng pang-uyam ang tinig niya. "Hindi ba at sinabi mo lang na limang taon bago kayo muling nagkita? Bakit hindi mo siya dinalaw sa nakalipas na mga taon kung totoo iyang sinasabi mong hindi ka mapapanatag na malayo si Lola Emilia?"

Matalim ang tinging ipinukol ni Robb sa kanya, tumiim ang mga bagang. "I do not have to explain to you my circumstances, Serena. Ang sinasabi ko'y himukin mo si Lola Emilia na sumama sa akin pabalik sa America!"

"Hindi kaya maapektuhan ang lifestyle mo kung mag-aalaga ka ng isang matanda? Ano ba talaga ang tunay na dahilan at isasama mo siya?"

"Because she is my grandmother, damn it! She's my only family! Matitingnan ko siya roon kaysa rito!"

"At iniisip mong isang apartment sa New York, mas malaking color TV, mga maids, at iba pang kaalwanan sa buhay ang talagang kailangan ni Lola Emilia?" she said, angry with his superior attitude.

"At ano ang mungkahi mo?" Hindi ito nagtaas ng tinig, ngunit malinaw niyang narinig iyon.

"Ang ibigay mo sa kanya ang maliit na bahagi ng iyong sarili!" sabi niya sa mataas na tinig. "Ikaw ang kailangan niya, ang iyong pagmamahal at atensiyon. Hindi niya kailangan ng materyal na mga bagay na tulad ng mga ipinadadala mo sa kanya. Ikaw na rin ang maysabing masalapi ang abuela mo. She can buy anything she wants. But she doesn't need all those material things, Mr. Orlando! She needs you!" she cried passionately.

Love Trap (COMPLETED) Published by PHRWhere stories live. Discover now