Chapter 40>>Meeting you Again<<

1.8K 44 0
                                    

Chapter 40>>Meeting you Again<<


'magiging okay lang ba si topher?'

'Im worried for him'

'kaya na niya yan'

'magpahinga ka na'
 
Nagising ako  ng hapon na teka asan na ba ako?

Nakadungaw lang ako sa may bintana ng bus habang ninanamnam ang ihip ng sariwang hangin dito sa probinsya. Ang gusto ko lang naman ay gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko alam na ganito pala kalayo ang kailangan kong puntahan para lang gumaan ang pakiramdam ko.

Sa daan nakikita ko ang mga ligaw na bulaklak na lagi naming pinipitas ni deh mil. Namimiss ko pa rin talaga siya kahit ano ang gawin ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko at bumaba ako sa bus sa gitna ng kawalan. Simula sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang malinis na dagat. Naalala ko nanaman siya shit kahit ano naman ang gawin ko parang hindi mawawalan ng kaugnayan sa kanya.

Tiningnan ko ang paligid ang layo pala dito ng mga bahay. Saan kaya ako matutulog? Hay naku worry later topher magsaya ka muna. Ang ganda ng view kaya hindi ko mapigilang picturan ito at ang ilang bahagi nito naglalakad lang ako habang picture ng picture ng may mahagip ang camera ko.

Isang babae at may dalang basket na punong puno ng bulaklak. Patuloy ko lang siyang pinipicturan dahil ang cute niyang maglakad ang laki laki na niya pero para siyang bata kung umasta.

Mas binilisan ko ang lakad ko para kahit papano makahabol ako sa kanya. Malayo pa rin ang pagitan namin sa isa't isa subalit kinig na kinig ko ang maala sirena niyang boses na parang inaakit ako. Later on ko lang narealize korean song pala yung kinakanta niya

Wolyoiren ama bappeuji anheulkka
 Hwayoildo seonggeupae boinji an gurae

Ngayon ko lang narealize kung sino ang kaboses niya…si deh mil.

Bago pa ko bumalik sa katinuan ay malayo na siya hanggang sa hindi ko na siya matanaw. A-ano ba ang dapat kong gawin? Papano kung kaluluwa yun ni deh mil? Arg ngayon ka pa ba magjo-joke topher? Malamang hindi si deh mil yung
syempre kaboses  lang niya yun! Matagal na siyang wala! Matagal ka na niyang iniwan!

"Blossooooooom!" hindi ko alam kung bakit ako kailangang sumigaw out of knowere. Hindi ko alam ang gagawin I'm such a mess I'm a mess.


"Blossom! Blossoooom! b-blossom!"

Napaupo nalang ako sa buhanginan hanggang paulit ulit na sinisigaw ang pangalan niya

"blossom bakit ang aga mo kasing nawala" hanggang sa humina na ang pagtawag ko sa kanya hindi ko na rin kaya. Ang huling meal ko papala kagabi ay alak at hindi pa ako nakain maghapon kaya siguro ako nakaramdam ng hilo at the same time gutom. Sa lahat ba naman ng araw ngayon pa ako kailangang magutom?

Hangang sa nagblack out na ang paligid ko.

*

"iho iho gising"

"namumutla na siya" sabi ng isang maputing babae na nakakita kay topher kagabi na naiyak sa may tabing dagat hanggang sa magpass out ito.

"kaya nga" sabi naman ng may-ari ng pinagtatrabahuan niyang flower shop

"kumuha ka ng tubig nagigising na siya" utos niya pa sa dalaga

"wah ang gwapo naman niya! Sino yan tita?" sabi ng pamangkin nito

"ewan nakita niya lang ito sa tabi ng dagat kaya nagpatulong kaming dalhin siya dito"

"pwede ba kaming magpakasal paglaki ko?"

"gaga hindi pwede ang bata mo pa at matanda na ito"

"ouch naman, teka parang pamilyar ito saking lalaking ito talaga saan ko ba ito nakita?"

"tawagin mo na nga si Clarence sabihin mo ang tagal niyang kumuha ng tubig"

Yan ang mga naririnig ko pero pinilit ko munang magpahinga pa pero ang ingay nila kaya iminulat ko na ang mata ko at tumayo.

"iho  gising ka na pala" sabi ng isang matanda na nasa mid 40's or something

"ahh ehh pasensya na ho sa abala"

"ayos lang yun" tiningnan ko ang labas

"pagabi na po?"

"hindi maguumaga na kaya tara na sumabay ka na sa aming kumain"

"nakakahiya naman po" pagtanggi ko sa kanila ko

"hindi na I insist"

"tita ito na daw yung tubig sabi ni ate clarence nandun na daw siya sa shop"

"o sige nagbreakfast na ba siya?"

"oo daw po"

"sige tara kumain na tayo" May ganung bang feeling unang beses pa lang kaming nagkita nitong si aling maring at si ceska ang gaan na agad ng loob ko sa kanila. Lalo na dito kay ceska para ngang may kamukha siya para sa akin.

'napadpad ka na ba sa maynila?' gusto ko sanang itanong kaya lang nahihiya naman ako. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. Teka kailan ba ako nagkaroon ng matinogn umagahan? Five years ago?

"may mga gamit na dyan, mga lumang damit yan ng asawa ko sa korea"

"sige po salamat po" sasama ako sa flower shop nila. Sinabi ko na rin kasing uuwi na ako. Pero gusto nilang bigyan ako ng bulaklak galing sa flower shop nila at para makilala ko na rin yung babaeng nagligtas sa akin.

Pagkatapos kong maligo sabay sabay kaming sumakay sa sasakyan at nagdrive si aling maring ng kanyang truck. Pagdating namin sa flower shop nakita ko kung gaaano ito kaganda simula sa labas hanggang sa loob.

"wow"

"maganda diba?" sabi ni aling maring

"opo"

"pili ka lang ng flowers sabi kasi ni clarence nagsisigaw ka daw sa tabing dagat nung nakita ka niya, sabi niya baka daw nagbreak kayo ng girlfriend mo kaya ito pumili ka ng bulaklak at ibigay mo sa kanya baka sakaling magkabati kayo" paliwanag niya

"sige po" matutuwa si deh mil sa dami ng bulaklak dito. Nakakagaan ng puso at may vending machine for free coffee pa sila.

"gusto mong tikman kuya"

"sige" saka ko tinikman yung kape.

"asan ba si clarence ha marko?" tanong niya sa isang trabahador doon

"umuwi po may nakalimutan daw" sagot naman nung marko daw

"ano ba namang bata yan, o cia pumili ka na iho ha wag kang mahihiya iho libre yan"

"sige po" sa dami ng bulaklak hindi ko alam kung ano ba nag gusto ni deh mil. May bagong pasok sa shop pero hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil busy ako sa pagtingin ng bulaklak.

"clarence saan ka ba nagsusuot?"

"umuwi lang po ako nakalimutan ko kasi yung gamot ko sumakit nanaman yung ulo ko"

"o siya ayusin mo na yung mga bouquet sa labas at kukunin na yun mamaya" tumalikod ako para makita kung sino yung nagsasalita at kausap ni aling maring pero nakalabas na siya ng shop.

"nakapili ka na ba iho?"

"hindi pa po eh ang hirap kasi"

"sige labas lang ako may bagong deliver na bulaklak mas fresh yung mga yun"

"sige po" kasabay ng paglabas ni aling maring ay ang pagpasok nung clarence pero hindi ko nakita ang mukha niya.

Busy lang ako sa pagpili ng bulaklak habang siya ay nagaarange ng flowers sa may counter ng may pumasok na isang lalaki.

"annyeonghaseo clarence"

"jun shik!" nagakapan pa silang dalawa siguro magboyfriend silang dalawa pero pag lingon ko isang matandang lalaki pala si jun shik. Tiningnan ko yung mga bulaklak na dala niya. Ang dami naman nung bulaklak. Umalis din yung jun shik na nagdedeliver ng bulaklak at saktong nakapili na ako ng maganda para sa puntod ni deh mil.

"miss ito ang kukunin ko" sabi ko kay clarence at unti unti siyang humarap sa akin at sa unang pagkakataon makikita ko ang mukha niya.

Vote and comment dahil baka hindi ka na makabalik sa chapter na ito hohoho

Spread Ex-girlfriend's comeback to your chingus(friends), eomuni(mom), abeoji(dad), halmeoni(granny), halbeoji(grandpa) noona/unnie(sis), oppa/hyung(brother ) and many more.

Kamsahamnida cheongmal kamsahamnida for reading this book.


Tuesday, April 01, 2014
9:59 PM

Ex-Girlfriend's ComebackWhere stories live. Discover now