IKADALAWAMPU'T ANIM NA KABANATA

Start from the beginning
                                    

"Kung talagang naglilinis ka, eh bakit sabi mo ang weird?" Tanong ni Rose. Cassandra mentally rolled her eyes heavenward. Seryoso ba 'tong mga 'to? Nagbabangayan dahil lang sa kasinungalingang sinabi ko.


"Naglilinis akes, pero 'di sa gabi 'no. Epal ka? That's why I said it's weird."


"Epal ka?" Rose mimicked while making a face.


"Tse." Reginaldo whispered.


"Alam n'yo, kayo ang pinaka matagal na magkaibigan, pero kayo ang mahilig magbangayan. Mamaya kayo na magkatuluyan niyan." Sabat ni Cassandra habang 'di tinatapunan ng tingin ang dalawa. Iniisip pa lang ang inaasahan niyang magiging reaksyon ng mga ito sa sinabi niya ay natatawa na siya.


"Bakla, napaka pasmado ng bibig mo." Nakasimangot na wika ni Rose. Nabigla ang dalawang dalaga nang biglang tumayo si Reginaldo sa kinauupuan at halos maglumpasay habang nakatayo.


"Jusko, bakla. Don't say bad words! Baka mamaya bangungutin ako sa pinagsasabi mo! Marami pa 'kong bet gawin sa Earth!" Eksaheradong wika ni Reginaldo.


"Aba, ano? Ikaw pa talaga lugi ha?" 'Di makapaniwalang hayag ni Rose sa kaibigan. Tumigil sa paglulumpasay so Reginaldo, namaywang, at tinaasan ng kilay si Rose.


"Aba, syempre. Sa ganiyang fez, luging lugi ako. Alam n'yo namang allergic ako sa tahong!"


"Hoy, kafal ng fez mo! Maka-allergic sa tahong pero gabi gabing nagdadasal na magka tahong. Tss." Tumaas ang sulok ng labi ni Rose. Tahimik na napapailing na lang si Cassandra sa gilid dahil sa mga palitan ng salitang naririnig niya mula sa mga kaibigan.


"Ay. Wrong ka r'yan, bakla. Gabi gabi akong nagdadasal for mani, not tahong. Ang kyoho ng tahong 'no." Sabay flip nito sa kaniyang imaginary long hair.


Nagpatuloy sa pagbabangayan ang dalawang kaibigan ni Cassandra na hindi na rin naman niya masyadong pinagtuunan ng pansin. Pinagsama sama niya ang mga natapos na gawain at saka tumayo, ngunit bago siya humakbang papalayo mula sa tabi ni Rose ay binalingan niya ito.


"Hoy, babae ka. Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Nang maiabot ko na roon sa leader natin." Wika ni Cassandra at saka kinulbit si Rose. Doon lamang napatigil ang dalawa sa pagbabangayan. Napa-angat ng tingin si Rose sa kaibigan.


"Huh?"


"Sabi ko, tapos ka na ba?"


"Hala, hindi pa! Wait lang, masyado akong dinistract ng baklang 'yon eh." Wika ni Rose at mabilis na tinuloy ang naudlot na ginagawa. Napaismid si Cassandra. Kahit kailan talaga, ang bilis madistract ng babaeng 'to.


Itinaas ni Cassandra ang dalawang kamay niya sa hangin at saglit na nag-inat. Bumagsak ang mga mata niya sa tanawing nasa labas ng bintana. Aakalain mo'y nasa bundok nakatayo ang Unibersidad nila dahil kahit nasa lungsod naman ito, ay marami pa ring punong nakatayo sa loob--- na siyang nagbibigay presko sa bawat sulok ng Unibersidad. Napapikit si Cassandra nang maramdaman ang malamig na ihip ng hangin. Hindi niya alam kung anong oras na, ngunit pakiramdam niya'y malapit na mag-alas sais, dahil sa onti-onting paglubog na rin ng araw. Kahit papaano'y ang pagiging abala niya sa mga aktibidad na kailangang punan para sa darating na college week nila ay nakatulong upang 'di na niya maisip pa ang tagpong nakita nang makasalubong nila ang tatlong kalalakihan kanina.


"Bakla, pahiram mamaya ng foundation mo ha." Napa-ismid muli si Cassandra nang marinig ang turan ni Reginaldo. Ibinaba niya ang kamay at saka tinanguan ito. Panira ng moment. Tsk.


Alluring The Fire [Under Revision]Where stories live. Discover now