IKADALAWAMPU'T ANIM NA KABANATA

1.9K 89 3
                                    

IKADALAWAMPU'T ANIM NA KABANATA




"Ayos ka lang ba, bakla? Kanina ka pa walang imik diyan. Medyo nakakatakot ha." Patagong napabuntong hininga si Cassandra bago bumaling ito kay Rose, na kasalukuyang may dinidikit sa 1/8 illustration board. Pilit siyang ngumiti kahit na hindi nakatingin ang kaibigan.


"Nagdadrama na naman ang lola mo. Hoy, bakla. Ano ba 'yung pupuntahan mo at hindi ka makakagora sa lafangan with Fafa Matteo?" Nangasim ang mukha ni Rose dahil sa sinabi ni Reginaldo. Saglit siyang tumigil sa ginagawa at nilingon ang kaibigang bakla.


"Mamang, ang halay pakinggan. Lafangan with Fafa Matteo talaga?" Sabat ni Rose. Inikutan siya ng mata ni Reginaldo at saka ito humila ng upuan upang tumabi sa walang imik na si Cassandra.


"Bakla, ano na? Are you still with us pa ba? O baka naman nauna nang umuwi ang jutak mo?" Nakangusong wika ni Reginaldo habang tinititigan si Cassandra. Napailing ng ulo ang dalaga at saka muling ibinalik ang atensyon sa paggawa ng banderitas.


"Ayos lang ako." Simpleng sagot ni Cassandra, 'di alintana ang mga nagtatakang titig ng dalawa nitong kaibigan. Napatawa si Reginaldo sa naging kasagutan ng kaibigan.


"Confirm, teh. Your body is here, but your utak is umaawra somewhere. Kaloka. Napaka layo ng sagot mo sa katanungan ko."


"Bakla, is there something bothering you? 'Di ka naman namin pinipilit na sumama later kung may importanteng gagawin ka talaga, you know." Wika ni Rose. Hindi sila nilingon ni Cassandra, bagkus ay pinagpatuloy lang nito ang pinagkaka-abalahan.


"Sasama ako mamaya." Napataas ng kilay si Reginaldo sa sinabi ni Cassandra.


"Oh, ba't biglang nagbago? Kanina wagas makahila ng polo ko para lang magchikang 'di raw siya makaka-awra tapos ngayon, sasabihin mong nag-iba ang ihip ng hangin?" Ani Reginaldo.


"Hindi naman gano'n ka-importante 'yung gagawin ko." Totoo naman eh. Kahit hindi sabihin ni Lorenzo, ako na mismo ang magpapa-alam sa sarili kong hindi na tuloy 'yung pagkikita namin mamaya. Kung maaari nga lang ay huwag ko na rin sana siya makita habambuhay, she thought. Naiingit lang siya sa tuwing maaalalang ginamit siya ni Lorenzo sa kasalanang ginawa sa nobya nito.


"Eh, ano ba dapat 'yung gagawin mo mamaya?" Tanong ni Rose. Napalunok si Cassandra sa katanungang narinig.


"Uhm. Wala naman. Maglilinis lang sana ako ng kwarto." Nagulat si Cassandra sa sarili nang lumabas ang kasinungalingang iyon sa kaniyang bibig na parang kaswal lamang. Pakiramdam niya, sa panahong hindi siya nilulubayan ni Lorenzo ay tila nag-improve ang kaniyang skill sa pagsisinungaling--- obviously, which is not a good thing for her. Naglalakad na kasalanan talaga 'yung hayop na 'yon eh. Ako naman 'tong si marupok, nakikihati sa kasalanan niya.


"Ang weird, bakla ha." Komento ni Reginaldo. Napaismid naman si Rose.


"Anong weird sa paglilinis ng kuwarto? Palibhasa 'di ka kasi naglilinis ng k'warto mo." Bawi ni Rose rito. Tinaasan naman siya ng kilay ni Reginaldo at saka itinuro ang sarili niya.

"Ako? Ako ang 'di naglilinis? Hoy, babaeng may matres pero chararat, for your information, three times a week ako kung maglinis ng k'warto. Isa kang malaking tse!"


"Hoy, baklang nagfifeeling may matres pero chaka naman---"


"Hangkapal ng fez!" Putol ni Reginaldo sa sinasabi ng kaibigan.


Alluring The Fire [Under Revision]Where stories live. Discover now