Kabanata 12 School Festival

Start from the beginning
                                    

"Got you!"

Napapitlag ako nang marinig ang isang boses kasabay ng biglaang pagkakulong ng kaliwang papulsuhan gamit ang isang makintab na shackle. Napaangat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nakangising si Jamie na isang ROTC officer.

"Woah that was fast!" Gaby exclaimed.

Mabilis na napalingon si Mina sa amin. "Indeed."

"She's on the first list." Paliwanag ni Jamie.

Maya-maya ay dumadating ang isang pang ROTC officer na akay ang nakaposas na lalaki.

Nalaglag ang panga ko nang mapagtanto kung sino ang lalaking kasama nito na nakaposas. It's the nerd guy, Juancho Miguel.

Yikes.

"Oh don't tell me I will be chained to that nerd guy for half an hour!"

Oh God have mercy!

Napansin ko ang panaka nakang sulyap ng mga estudyante sa paligid. I admit Juancho Miguel is a gorgeous nerd but still, he's not my type. I don't even want to look him in the eye.

"He's not a nerd." pagtatanggol ni Mina kay Juancho na President sa Literature Book Club nila. "In fact, there's a lot of girls who have a crush on him because he has that gorgeous face and clever brain."

Hindi ko maiwasang magmakeface habang binabalik ang atensyon dito. Nagtama ang mga mata namin at nasalubong niya ang maasim kong mukha.

Nang makalapit na ay tinanggal ni Jaime ang pagkakaposas sa akin at kinuha ko ang kapares ng kay Juancho Miguel at doon ako ikinulong.

"Is she really my partner?" tanong ni Juancho kay Jamie.

tch. Obvious ba? Surpise!  Hindi ko maiwasang umikit ang mga mata.

"Ah yes." sagot ni Jamie.

Muli siyang sumulyap sa akin habang ang mga mata ay nanunuri.

I really hate the way he look at me like I'm some kind of joke.

What an intimidating and judgemental nerd!

Napahinga siya nang malalim at muling sumulyap kay Jamie.  "I don't want her.  I'd rather pay the bail than to be chained to her."

Napaawang ang bibig ko sa narinig.

"Excuse me? What did you just say? Manghang humarap ako dito at pilit na iniisip kung tama ba ako ng pagkakarinig.  Gusto niya magpiyansa?

Lumingon siya sa akin.  "I said I'd rather pay.  So please remove this damn shackle."

Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang aking mukha.  He's mocking me in front of the girls!

The nerve of this guy!

May kinuha ito sa bulsa ng kaniyang pants gamit ang kaliwang kamay na hindi nakaposas.  Inilabas niya ang wallet at dumukot doon ng limang daan para iabot kay Jamie.

Ngumisi si Jamie. "Okay, I will now remove the handcuff." Inabot niya ang susi at tangkang pakakawalan kami.

"STOP!" Inilayo ko ang mga kamay namin na nakaposas.

Lucky to Have YouWhere stories live. Discover now