Kabanata 1 Valentines Day

75 15 39
                                    

Rodriguez Academy of Excellence

Kumislap ang mga mata ko nang mapansin ang pamilyar na bulto ng lalaking na nauuna sa akin sa paglalakad. Nakasabit sa kanang balikat nito ang isang sling bag habang kalmadong naglalakad papasok sa tarangkahan ng paaralan.

Pasimpleng nagnanakaw ng tingin ang mga kababaihan dito habang ito naman ay deretso lamang ang tingin sa dinadaanan.

Napangisi ako.

what a snob.

Binilisan ko ang paglalakad at hindi inalis ang tingin dito. Nakalagpas na ang lalaki sa tarangkahan at naglalakad na sa may mahabang daanan na napapalibutan ng makukulay na halaman at bulaklak. Iyon ang daan papunta sa school main building.

Nagmamadaling hinanap ko ang student ID sa loob ng bag at isinuot iyon para hindi masita ng guwardiya. Pagpasok sa tarangkahan ay lakad-takbong binaybay ko ang malawak na hardin. Tumigil lamang ako nang ilang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa.

Bumaba ang tingin ko sa sling bag nito at napansin na naiwang bukas iyon. Nasipat ko ang pinakabagong modelo ng iphone doon at hindi ko maiwasang mapangisi nang may maisip na kalokohan.

Lagot ka sa akin ngayon.

Tangkang lalapit na sana ako at mabilis na kukuhanin ang cellphone nito nang may babaeng biglang sumulpot mula sa kung saan at humarang sa dinadaanan nito.

Eh?

Natigil ako sa paghakbang at puno ang kuryosidad na pinanood sila.

Sumulyap ako sa estrangherong babae at hindi ko maiwasang mainggit sa labanos na kutis at magandang mga mata nito na nakita ko lamang sa mga bidang babae sa k-drama.  She has a very sweet and pretty face.  Bumaba ang tingin ko sa kanang kamay niya na may hawak na hugis kwadrado habang ang isang kamay ay hindi mapalagay.

Nahihiyang nag-angat ng tingin ang babaeng tsinita at nagsalita.  "H-hello."

Hindi tumugon ang kaharap sa bati ng pobreng babae. Tahimik lamang ito na parang hinihintay na umalis ang babaeng nakaharang sa dinadaanan.

Napasulyap ang mga estudyante sa kanila habang ang iba naman ay interesadong tumigil sa paglalakad.  Nagsimulang dumami ang mga bubuyog sa paligid.

"I- I want to give you this." Nahihiyang inabot ng babae ang isang kahon na sa tingin ko ay naglalaman ng mga tsokolate.

"I hate sweets," tugon nito na nasa tinig ang pagkainip.

Napaawang ang bibig ng babae sa natanggap na sagot. Bagsak ang mga balikat na yumuko ito at unti-unting ibinaba ang nakaangat na kamay na may hawak na tsokolate.

"What a shameless girl."

"Luna is so pathetic''

Nagsimulang pumagaspas ang mga bubuyog sa paligid.  They were also laughing while watching the scene.

"Yeah, just because she's rich and pretty doesn't mean DJ will like her back."

"OMG! Nakakahiya!"

"Let me take a photo of them and post it on twitter with a hashtag REJECTED."

Mabilis na lumingon ako sa mga chismosang ilang pulgada lang ang layo sa akin at masayang nagtatawanan.  Pailalim na tinitigan ko ang babaeng may hawak na cellphone at nagtatangkang kumuha ng larawan.

Namataan niya ako at mabilis na ibinaba iyon saka masiglang ngumiti. "Hi, Gaby!"

Humalukipkip ako at ngumiti nang malapad.
"Are we close?"

Lucky to Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon