Kabanata 9 Longing

21 6 4
                                    

Napakurap ako sa mahinang pagtapik ni Phoebe sa kanang braso ko.

"Kanina ka pa tulala diyan."

Nakasalukbabang pinamasdan ako ni Mina na ngayon ay nasa tapat ko. "Bakit parang malungkot ka? We should be celebrating since we all passed the initiation."

Tumangu-tango si Phoebe sabay ngisi. "Yeah. More to fun adventure!"

Tinitigan ko ang pasta at inikot-ikot iyon gamit ang tinidor na hawak.  "I'm not sad. I'm just thinking about something."

"Something ba o someone?"

Nag-angat ako ng tingin kay Phoebe na may malisyosang ngiti.

Should I tell them what happened?

Napahinga ako nang malalim at isinubo ang pasta na halos lumamig na.

Huwag na lang. Less talk, less mistake.

"Do you have something to say to us?"

Sumulyap ako kay Mina na ngayon ay nakapatong ang siko sa mesa habang ang hintuturo ay nakadikit sa kaniyang baba. Ang mga mata niya ay puno ng kuryosidad.

"It's nothing important.  It's about Rhianne." pagdadahilan ko.

Tumango si Phoebe. "Come to think of it.  We still have no idea why you stop being friends to each other."

Napaismid ako nang maalala ito. "Obviously, because of her attitude."

"Let's just ignore Rhianne or be civil with her." suhestiyon ni Mina.

Tumango ako at bumalik na naman sa isipan ko si DJ. I have't seen him since yesterday.  To be honest, I'm not sure how to explain myself to him.

This is the second time that he got angry with me.
The first one was in middle school. When I was trying to play cupid and forcing him to be friends with Rhianne.

What should I tell him when I see him?

Pagkatapos ng snack break namin ay dumeretso ako sa clinic para sa scheduled appointment ko sa school doctor. Nakamonitor sa kanila ang health status ng mga estudyante at regular na nagtatanong para maiwasan ang hindi magandang pangyayari sa paarala.

"How's your allergy?" Nakangiting tanong sa akin ni Doc Paulo.

"Okay naman na po Doc. Hindi nako nilabasan ng rashes."

"Good to hear. Just make sure to follow your family doctor's advice. If there's a special instruction from your doctor that will affect your school activities in school, just tell us so we can pay attention to that."

Tumango ako at pinakinggan lahat ng payo niya.

Pagkatapos kausapin si Doc Paulo ay naglakad na ako papunta sa locker para kuhanin ang mga gamit ko sa susunod na saubject.

What should I tell DJ?

I think I should send something to him as a peace offering.

I should let him know how sorry I am.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. Maybe he's right.  I'm insensitive, immature and shallow. I don't deserve his mercy.

"Woah!"

Napagitla ako mula sa pag-eemote nang may isang bulto na nakabanggaan ko.  Hindi ko ito napansin habang naglalakad kanina.  Nahulog mula sa mga kamay nito ang makapal na notebook.

Yumuko ako at pinulot ang nahulog na gamit nito. Napansin ko na song chords ang nilalaman niyon.

"Sorry." Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Marcus.

Lucky to Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon