Kabanata 11 Your Number

5 1 0
                                    


"Gaby!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses. Namilog ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang nakangising si Phoebe na ngayon ay may bagong kulay na buhok at hairstyle na alun-alon sa bandang baba. Phoebe can definitely slay any hairstyles and colors.

Nagmamadaling naglakad siya palapit sa akin at umangkla sa kaliwang braso ko. Napasulyap ako sa mga daliri niya at hindi nakaligtas sa aking paningin ang bagong nail polish niya na bumagay sa kaniyang porselanang kutis. 

Nag-angat ako ng tingin at natutuwang sumulyap sa kaniya.  "I like your hair! What color is that?"

Napangisi siya sa nakitang reaksyon mula sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "It's ash brown. Mom and I went to our favorite salon the other day."

Tumangu-tango ako. "You look much prettier with your new look."

The color really compliment her snow white skin.

Humagikgik siya. "I know right." Sumulyap siya sa buhok ko at nagpatuloy sa pagsasalita.  "You should change you hairstyle kahit once in a blue moon lang. I know you like your hair long and black, but I think highlights will look good on you too."

Napaisip ako at sumulyap sa kaniya. "I'll keep that in mind."

"Oh by the way," Sumulyap siya sa akin na may kasamang pagkislap ng mga mata. "I'm so excited for the upcoming school festival."

"Yes, me too!" Napangisi ako.  "I wanna bet how many guys would be paying to be paired with you."

Napangiwi si Phoebe.  Tuwing may school festival ay nagbabayad ang ilan sa mga kalalakihan para maipartner kay Phoebe sa mga couple booth.

"I am game kahit saang booth, huwag lang dedication booth. It's so corny!" angil nito. 

Napahalakhak ako habang siya naman ay parang nandidiri sa naisip. Noong nakaraang taon ay may secret admirer ito na nagbayad at nagpadala ng isang love letter sa confession booth.  Binasa iyon sa mismong entablado at si Phoebe ang naging laman ng tuksuhan sa loob ng isang linggo. 

Isang taon na ang nakakalipas subalit hindi pa din namin alam kung sino ang nasabing lalaki dahil hindi na ulit ito nagparamdam at nakalimutan na namin ang tungkol sa bagay na iyon sa pagdaan ng mga araw.

Tinatalunton namin ang mahabang pasilyo nang biglang mapuno ng bulungan ang paligid. Men can't take their eyes off Phoebe. Mas lalong gumanda siya sa bagong hairstyle at kulay ng buhok.  She just ignore men staring at her. She looked at me again with a devilish grin.

"We need to attend the League's After-party. I heard Marcus is invited."

Sa sinabi niya ay naalala ko ang huling pagkakausap namin ni Marcus.

Bigla ay nakaramdam ako ng panghihinayang. Masyadong okupado ang isipan ko noong mga huling araw kaya hindi ko nagawang humarot.

"It's your chance to get to know him."

Napasulyap ako sa kaniya at ngumuso. "I'm not sure if he's interested."

"Of course he is!" aniya na ikinatawa ko. 

Malapit na kami sa aming silid nang makasalubong namin si Juancho Miguel, a gorgeous guy with glasses. He is the intimidating President of the Book Club.  Mina think highly of him. He is the smartest guy in school and we're all sure that he's going to be the class valedictorian. He's also a classmate of DJ and they are both popular for a different reason.

"Hi JM." I greeted him but he was too immersed by what he's reading that he didn't even notice me.

Nakalagpas na ito sa amin at nagkibit balikat na lamang ako. Sumulyap sa akin si Phoebe. "What a nerdy guy. If not for Mina, I will not even bother looking at him!" Phoebe exclaimed in disgust.

Lucky to Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon