Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa

Magsimula sa umpisa
                                    

Mayel Dominguez

“Dito na muna kayo titira for a while. Kumpleto sa gamit ang bahay na ito, may dalawang kwarto, may kusina at banyo. Pwede din kayong mag libang, may TV at may radyo, meron ding ilang libro at magazines. Wala nga lang telepono o computer. Di kayo pwede makipag communicate sa ibang tao habang on going ang pag hahanap sa mga suspect.” paliwanag sa amin ni Caloy. Sa kanya kami iniwan ng mga pulis. Ang  sabi ay mismong ang may ari ng school na si President Tan ang gumastos para sa aming protection. Ibig sabihin di na muna kami makakapasok sa school at di na muna namin makikita ang aming mga family. Pati nga mga gamit namin ay sinunod na lamang. I just can’t believe it. Di ko alam na ganito pala ito ka seryoso.

“Okay ka lang Mayel?’ si Jake. Napalunok ako dahil sa totoo lang, naiiyak ako sa sitwasyong ganito. Oo, natatakot ako pero ngayon pa ba?

“Oo naman.” tugon ko na sinikap na ngumiti.

“Magiging okay din ang lahat.” aniya at saka niya ako inalalayan na umupo sa may sofa. Tumango lang ako sa sinabi niya. Sana nga, tama siya.

“Kayo na muna ang maiiwan dito. May nakabantay sa inyo dyan sa may guard house at may bibisita din dito paminsan minsan. Para  icheck ang mga pangangailangan niyo. Bukas ay pupunta dito si Mr. Tan mismo. Okay?” Tumango lang kami at saka umalis na siya. 

Napatayo si Candy at saka dumiretso sa isa sa mga kwarto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Mart.

“I really feel sleepy. Di pa tayo nakakatulog and come to think of it, it’s already 4 am. Please, mamamatay ako pag di ako nakatulog.”

“Gusto mo samahan kita?”

“Kung wala ka bang gagawing masama sa akin eh?”

“Candy?”

“Joke lang Mart. Tara, mag pahinga ka na din.”

“Sure ka tabi tayo?” anito. Tumango lang si Candy na halatang bangag na din.  At saka na nga sila dumiretso sa isa sa mga kwarto. Iniwan naman nilang bukas ang pinto. Well at least matagal na naman silang magkaibigan so I guess it’s okay. What bothers me is si Jake na nasa tabi ko ngayon.  Nakapikit na, mukhang tulad nina Candy ay pagod din dahil sa biyahe and all. Kamusta naman ‘to, mukhang makakasama ko pa ang lalakeng ‘to ng ilang araw. Napatingin ako sa maamo niyang mukha. Jake Constal, wala ka pa din talagang pagbabago. Cute ka pa din. Hay talaga naman. And those lips, I can still remember how he kiss me. Smack lang pero feel mo na kumbaga. Well, hindi naging ganoon ka intimate ang relationship namin, well kahit sino naman, though I have to admit kahit ilan na ang naging boyfriends ko, I’m still a virgin. Uh oh! And what am I thinking? Pakalibog mo talaga Mayel Dominguez!

Inalalayan ko ang ulo ni Jake na makahiga ng tuluyan sa may sofa at saka kumuha ng kumot sa may kabilang kwarto at kinumutan siya. Napatingin pa ako ng ilang segundo bago ko naisipang matulog sa may kabilang kwarto. Di ko naman pwede tabihan si Candy dahil ayokong maki extra sa nabubuo sa kanila ni Mart. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko pero ni hindi man lang ako dalawin ng antok. Napatingin ako sa may wall clock sa may kwarto, 4:30 na pala ng madaling araw. 

Rainier Lacosta

Napag desisyunan ko na hindi na muna pumasok sa school para sa araw na ito. Kagabi pa ako di makatulog dahil sa nangyari sa bahay nina Jake. Nagaalala na ako sa kanila although sinabi naman sa akin ni Tita Jane, ang Mama ni Jake na nasa pangangalaga na sila ng mga pulis ngayon. Kasalukuyan daw muna silang tinatago dahil nanganganib ang buhay nila sa ngayon. Malamang ay sila ang target ng suspect na si Prof Mike. Milagro din talaga na nakatago kami agad kagabi sa may secret basement kuno nila. Buti na lang din at talagang handa ang pamilya nila if ever may emergency na ganito. Nasilip ko naman nga malapitan ang isa sa mga goons, kaya nga lang di ko namukhaan dahil nakatakip ang mga mukha nila. Nakakatakot. Hanggang ngayon naaalala ko pa din kung paano nangatog ang tuhod ko sa nangyari. Hinalughog nila ang bahay pero wala silang nakita. Wala pa ngang sampung minuto ay umalis na sila agad. Naisip ko lang, paano kaya nila nasundan sina Mayel? 

A Campus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon