Pagkarating namin sa harap ng gym ay agad agad din kaming pumasok sa loob. Kitang-kita mo ang dami ng mga tao na nagkukumpulan sa gitna na parang may artista doon. Tumakbo kami papunta sa gitna ng gym at nakipagsiksikan sa mga tao para maka punta sa harapan.

Nakita namin kung paano magsabunutan ang dalawang tao sa harapan namin. Isang babae na maputi at mayroong normal na tangkad at si Jean. Para akong tinamaan ng adrenaline rush at tumakbo para pigilan ang babaeng nananabunot kay kay Jean, nakita kong ganun din ang ginawa ni Allee kay Jean at nasa gitna ng dalawa ay si Reesa. Nagpupumiglas pa itong babaeng hawak ko, pero dahil nga sa adrenaline ko ay mas malakas ako sa kanya.

“ano ba kasing problema niyong dalawa?!” sigaw ni Reesa kay Jean at sa babaeng ito.

“Tanong mo diyan sa babaeng yan! Bigla-biglang nanunugod. Wala naman akong ginagawa sakanya!” sigaw ni Jean habang pilit siyang pinapakalma ni Allee.

“Serves you right! Ano akala mo? Ganun-ganun nalang yun pagkatapos mong makipag-flirt sa boyfriend ko ganun nalang yun?!” depensa naman nitong babaeng hawak ko.

“Hoy Queen! Ano pinagsasabi mo? Flirt flirt ka diyan?” sigaw ni Allee mula doon sa kabila kung saan hawak niya si Jean.

“Totoo naman kung makipag-flirt siya kay Travis!” bulyaw niya kay Jean. So that’s what bursted her bubble.

“Hoy Queen! Lamunin mo na yang boyfriend mo! Wala akong pakialam diyan at FYI lang ha? Siya ang buntot ng buntot sakin, not the other way around! Girls, let’s go!” sabi niya saamin at nagwalk-out na siya. Binitawan ko na din tong si Queen at nag-walk out na din.

“Guys, alis alis na tapos na yung away” sabi ni Reesa at isa-isang nagsi-alisan yung mga tao sa gym, ganun nalang din ang ginawa namin para sumunod na kay Jean.

***

“Good Morning, Class!” energetic na bati ni Ms. Lany samin. I forgot to tell you that she’s our adviser.

“Good Morning Ma’am!” we all said in unison.

“Uhm, so.. alam ko para sa inyo he’s an old student, pero para sakin he’s not so please come in and introduce yourself, Mr. Wright” sabi ni Ms. Lany and my senses paid attention to the guy who had a blank face just entered the room. He still has those dreamy eyes behind that blank reaction, so different to what I saw yesterday. An apparently he’s a crowd favourite because as soon as he entered the room, the girl’s screams went wild.

“Good Morning, My name is Lexis Gavin Wright. Call me Lex or Lexis.” sabi nito at akmang uupo na sana pero napansin niyang wala pa pala siyang assigned seat.

“Uh.. Ma’am where do I sit?” he asked. Ang lalim ng kanyang boses at sobrang manly.

“Oh, I’m sorry. You can sit beside...” sabi ni Ms. Lany na nagiisip kung saan siya pwedeng maupo, lumakas ang mga bulung-bulungan sa aking paligid puro mga babae na ipinagdarasal na makatabi ang lalaking nasa harapan. “Ms. Smith.” Dugtong ni Ms. Lany sa sinabi niya kanina, at ngayon ko lang din napansin na bakante ang upuan na katabi ko.

Diretso siya na pumunta sa direksyon ko at umupo sa tabi ko. Ganun pa rin ang kanyang ekspresyon. Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sakin at napaiwas naman agad ako at namula, feeling ko kasing pula ko na Reesa kanina dahil sa kahihiyan! Kasi naman Sera, staring is rude ‘ya know! Dahil sa kahihiyan ko tumingin nalang ako kay Ms. Lany.

“Ahh.. I forgot to tell you Mr. Wright, partner mo si Ms. Smith sa science project niyo. I know it’s too early but you have to do it within the time span of 6 months and it covers most of your project in Science kaya kakaunti nalang ang ipapasa niyo unlike yung iba na sobrang dami at may thesis pa. Ms. Smith ikaw na bahala mag-explain sa kanya ng gagawin niyo” sabi ni Ms. Lany sakin. Tumango nalang ako bilang response kay ma’am.

“Ikaw yung Sera na tumulong kay Matthew di ba?” nagulat ako nung biglang nagsalita si Lexis sa gilid ko, ganun pa rin itsura niya blanko at may pagka-masungit ang ekspresyon. Tumango nalang ako sa kanya bilang response. “After class kita tayo sa library para ma-discuss natin yung project” sabi niya na may blanko pa ring mukha. Parang hindi siya yung nakita ko kahapon, yung ngumingiti at nawawalan ng mata, dahil medyo chinito siya.

“Okay” tangi kong sagot. Hindi na niya ulit ako kinausap hanggang sa mag lunch na kami.

xxCanteenxx

Ingay ang sumalubong saaming apat pagka-pasok namin sa canteen.

“Bakit mo ba kasi pinatulan yung si Queen ha?” panimula ni Reesa nung nakaupo na kami pagkatapos bumili ng pagkain.

“Oo nga, alam naman naming war freak ka and all, pero sana hindi mo nalang pinatulan, di tayo bumababa sa level nila di ba?” gatong ni Allee sa sinabi ni Reesa kanina.

“Eh kasi naman sumusobra na yung babae na iyon, nung sabado pa ako inaaway nun! Nung umalis na tong si Sera, sinugod ba naman ako? Buti na nga lang at nakapag pigil ako kundi ospital abot nun sakin nung sabado.” Pangatuwiran ni Jean.

“Bakit ka kasi inaaway nun?” tanong ko sa kanya. There must be a reason of course.

“Dahil dun sa Travis na yun! Pero alam mo na alam ko na siya ang buntot ng buntot at sunod ng sunod sakin” paliwanag niya saakin. Nako si Travis pa pala may kasalanan kung bakit napaaway tong si Jean.

“Wag lang talaga magpapakita sakin yang Travis Trinidad na yan. Malilintikan talaga sakin yan” sabi niya, namumula na siya sa inis at gigil.

“Oh kalma ka na , Jean kain nalang tayo para lumamig na yang ulo mo” sabi ko sa kanya at unti-unti na niyang kinain yung pagkain niya.

“Maiba nga tayo ng usapan, Sera anong meron sa inyo in Lex?” tanong ni Allee sakin. Namula ako sa tanong niya. Ano? Why would she think that there’s something going on?

“Tingnan mo namula!” tuwang tuwa na sabi ni Jean. Lalong uminit yung mukha ko feeling ko nago-overheat na siya.

“W-wala no! Why would you think that?” sabi ko sa kanila.

“Oh come on! There has to be something!” sabi ni Reesa. Ano ba tong mga to?

“Oo nga he never talks to anyone except for his friends” gatong ni Jean sa sinabi ni Reesa. Ano ba ito hot seat?

“Na-meet ko kasi siya kahapon, tinulungan ko kasi yung kapatid niyang hanapin siya, in-awknowledge niya lang kanina and maguusap kami mamaya para sa science project namin.” Sabi ko sa kanila at napansin kong tutok na tutok pala sila sa pakikinig saakin.

“Interesting” sabi ni Allee at nginitian ako ng makabuluhan.

What does she mean by that? Weird.

Something UnexpectedWhere stories live. Discover now