4th: Travis Chain Trinidad

29 1 0
                                    

What the? Ano to?

"What the heck?" sabi ni Allee na katabi ko na pala. Di ko siya napansin dahil nakatuon yung atensyon ko sa harapan namin.

Napatingin naman agad si Jean samin nung narinig niya na nagsalita si Allee. Napatayo siya agad at kitang kita mo yung pamumula ng mukha niya dahil sa kahihiyan.

"T-Travis?" medyo nau-utal utal pang sabi ni Ree. Totoo? siya yung Travis? Kala ko ba in bad terms sila, eh bakit ganun yung posisyon nilang dalawa?

Yung posisyon kasi nila, nakahiga yung si Travis, tapos nakadapa si Jean sa chest niya. Parang magkayakap sila habang nakahiga si Travis.

"Hi Reesa and Allee!" bati niya kila Reesa na may naka-plaster na malaking ngiti sa labi niya.

"And who are you, dear?" sabi niya nung napatingin siya saakin. Di tumatalab charm mo sakin, sorry.

"This is Sera" introduce ni Ree sakin kay Travis.Tinanguan ko lang siya bilang response.

"Hello dear! I mean Sera, my name is Travis Trinidad" sabay kuha sa kamay ko at hinalikan yun. Hinablot ko naman agad yung kamay ko, oo alam kong gentle man gesture yun, pero geez! ang uncomfortable niya sa pakiramdam.

"Ano ba Travis! lahat na lang! pati kaibigan ko? Seriuosly?!" galit na sigaw ni Jean kay Travis.

Bigla naman nagkaroon ng ngiting aso sa mukha ni Travis nung narinig niya yung pagalit sa kanya ni Jean.

"Calm down! It was just a friendly gesture. Alam mo namang ikaw lang laman ng puso ko di ba?" malokong sabi niya kay Jean. Pigil na pigil naman sa pagtawa yung mga katabi ko sa pinag sasasabi nitong si Travis

"What the Hell?! Lokohin mo lelang mo! hmph!" inis na saad ni Jean kay Travis sabay walk-out. Nung makaalis na si Jean, grabe yung lakas nung tawa nilang tatlo parang wala nang bukas.

"Ikaw talaga! hahaha baliw ka talaga! ewan ko ba sayo bakit hobby mo inisin yun, alam mo namang tigre yun kapag nagagalit!" pagalit ni Allee kay Travis pero dahil sa natatawa siya nawalan ng epekto yung pagalit niya kay Travis.

"Oo nga Chain naman eh!, kawawa na kaibigan ko" parang naiinis pero kalmadong pagkakasabi  ni Ree kay Travis. Pero Chain daw? Bakit Chain tawag niya kay Travis?

"Hay nako! Rees, how many times do i have to tell you? stop calling me Chain" seryoso yung tono ni Travis noong sinabi niya iyon.

"Ay oo nga pala, sorry Travs" sabay peace sign at ngiti niya dito. Something is fishy. Parang sobrang close nila sa isa't isa.

"Oo nga pala Rees! kamusta sila tita?" Tanong ni Travis kay Reesa. See? something is definitely fishy.

"Okay lang naman sila, eh sila tito tsaka si Karl? Musta na sila?" sagot ni Reesa at nagkamustahan na sila.

"Magkakababata yan sila Reesa at Travis, kaya ganyan nalang yan magkamustahan pati pamilya nadadamay" nagulat ako kasi biglang nagsalita si Allee sa tabi ko. Magkababata pala sila, nakalimutan yata ni Reesa i-mention sakin yung fact na yun.

"Ah okay kaya pala yung aura nila, parang sobrang close sa isa't isa" sabi ko kay Allee.

"Uy! maiwan muna kita dito, pupuntahan ko lang si Jean sa kwarto niya mamaya kung ano na ginawa nun eh" sabi sakin ni Allee tumango na lang ako bilang response sa sinabi niya.

Nakinig nalang ako ng music dahil wala na akong kausap dito

NW: Don't Stop by 5 Seconds of Summer

Don't Stop

Doing what you're doing

Everytime you move to the beat it gets harder for me

"... And you know it, know it, know it.." kanta ko dun sa last part. Grabe ang galing talaga ng 5SOS. Bigla namang may kumalabit saakin kaya napatingin ako ko sa kanya. Si Reesa pala.

"Yes?" tanong ko sa kanya at tinanggal yung earphones ko para marinig ko siya ng maayos

"Kumakanta ka pala?" amazed na tanong niya at may ngiting malapad.

"Uhh Oo pero minsan lang sa public place" paliwanag ko sa kanya.

"Wow! Talaga? Kaya pala ang galing mo kumanta eh" natutuwang sabi sakin ni Travis. Napangiti naman ako dun, nakakaflatter pala marinig yun.

"Thank You" sabi ko na lang sa kanya sa sobrang wala akong masabi

"Oh ayan na pala sila" sabi ni Ree. Napalingon ako at nakita ko sila Allee at Jean. Bumusangot nanaman yung mukha ni Jean nang makalapit siya saamin.

"Bakit andito ka pa?" inis na tanong ni Jean kay Travis. Hay nako aso't pusa talaga sila.

"Ouch naman my love! Pinapaalis mo na ako agad? Di mo ba ako namiss? halos isang taon din ako nawala sa tabi mo" kunyaring nasasaktan at nagpapaawa sa sabi ni Travis kay Jean.

"Miss? Miss mo yang mukha mo! Alam mo ba nung wala ka, yun yung pinakamasayang taon ng buong buhay ko!" nangagalaiting sigaw nito kay Travis. Grabe, ang hard!

"HAHAHAHAHAHA" bigla bigla namang tumawa ng malakas si Travis, hala baliw na ba ito? Tsaka di niya ba naf-feel yung scary aura ni Jean?

"Anong tinatawa mo dyan ha?!?!" galit na sigaw ni Jean. Wala na galit na yung Tigre.

"Wala wala, ang cute mo talaga" sabay lapit kay Gleam at kinurot ang pisngi nito. Namula naman si Gleam sa gesture ni Travis sa kanya

Kahit pala parang aso't pusa yung turing nila sa isa't isa, bagay pala silang tingnan magkasama

****

A/N: May nagbabasa ba nito? Comments are highly appreciated po :)

-AbnegationFairy :)

Something Unexpectedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن