2nd

31 1 0
                                    

It's been two weeks since we moved here. Ang bilis ng summer, parang kahapon lang summer break, tapos ngayon may pasok na kami sa new school namin.

"Mga anak! bumaba na kumain na kayo para hindi kayo ma-late!" sigaw ni mommy galing sa baba

Buti nalang tapos na ko magprepare..

×DiningArea×

"Good Morning Everyone!" hyper na bati samin ni Serene. Hyper Forever.

"Morning" sabi ko at tumango lang si Sydney samin

"Good Morning!!!!" masiglang bati samin ni Kuya Stephen. Ang ingay naman, ang aga aga eh. Nasabi ko ba sa inyo na ayoko ng maingay sa umaga? Kung hindi pa ngayon alam niyo na

"O sya kain na kayo at pumasok na. Di naman pwedeng late kayo on your first day" sabi ni Mommy.

Oo nga naman hindi pwede yun. New school, New People, New Adventure here I come

×KingsvilleUniversity×

"Hoy kayong tatlo mag ingat kayo dito ha?" bilin ni kuya samin.

"Syempre naman kuya no!" sabi ni Serene. Tumango lang naman si Sydney. Tinanguan ko nalang din siya bilang sagot.

Nang maka-alis na si kuya, pumunta na kami sa buildings namin. Sinabi din naman kasi saamin kunga nasaan yung assigned rooms namin nung orientation.

11-A? Mukhang nawawala ako ah? Saan na kaya yun? Magtanong nalang kaya ako? It wouldn't hurt them right?

"Uhhm, excuse me miss" sabi ko sa babaeng nakita ko. Nung humarap naman siya di ko mapigilang matulala. Mukha kasi siyang human barbie doll na may malaking nerd glasses, pero bagay naman sa kanya kaya di siya mukhang nerd.

"Yes?" sabi niya naman sabay ngiti. Sobrang puti niya din tas rosy cheeks pa.

"Uhh kasi nawawala na yata ako. Nasaan ba yung room na 11-A?" tanong ko sa kanya. Bigla nanaman siyang ngumiti.

"Ah! yun lang ba? diretso ka lang diyan tapos lumiko ka dun sa may corner, tapos yung pinakadulong room yun yung 11-A" sabi niya at binigyan na din ako ng directions.

"Transferee ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita dito sa school na to" sabay ngiti nanaman niya sakin. Wow smiling kid pala to.

 "Ahh oo eh, sige thank you pala" sabi ko sa kanya tapos nginitian ko siya ng onti, nahawa na yata ako sa kanya.

"You're welcome, gusto mo ba sabay na tayo?" sabi niya, wait don't tell me classmates kami? 

"H-Huh?" yan lang nasabi ko sa kanya. So ibig sabihin may posibility na classmate ko siya.

"Ang sabi ko kung gusto mo bang sabay na tayo? 11-A din kasi yung room ko" sabay ngiti ulit. So classmate ko nga siya, pero okay na yun para atleast may kilala na ko diyo sa University.

Something UnexpectedWhere stories live. Discover now