5th

26 1 0
                                    

1 week na ko dito sa school, so far okay naman dito. Especially ngayon kasi may friends na ko. Pero hindi pa rin naalis yung lalaki sa music room. Minsan nga sa sobrang gusto ko siyang makita daan ako ng daan sa music room. Sumasakit na nga yung ulo dahil sa kanya, na-lss din ako dun sa kinanta niya, unconsciously lagi ko na ring kinakanta yung particular song na yun. Minsan nga tinatanong ako nila Ree kung may pinagdadaanan daw ba ko kasi sobrang nakakasenti yung kantang yun. HAAY NAKO!! Mystery Guy in the Music Room you make me so crazy..

“Hey, may gagawin ka ba mamaya?” tanong ni Ree pagkatapos nung isa naming subject.

“Wala naman, bakit?” tanong ko sa kanya, bakit naman kaya natanong nito kung may gagawin ba ako mamaya?

“Great! Pupunta tayo kila Allee mamaya” sabi niya ng naka-ngiti na malawak. Huh? anong meron?

“Huh? Bakit naman? May gagawin ba tayo?” tanong ko sa kanya. Hindi niya naman ako sinagot sabi niya lang basta daw.

“I HATE YOU FOR FOREVER!” nagulat naman ako sa isang sigaw galing sa labas, let me guess? Si Jean at Travis yan, and its another...

“You’re so mean to me Jean! But I know that you don’t hate me. In fact you love me!” naka-ngising sabi ni Travis kay Jean. Nagkita nanaman tong aso’t pusa na to, gyera nanaman. Ganito sila buong linggo, di nauubusan nang pinaga-awayan.

“Umalis alis ka sa paningin ko baka makagawa ako ng krimen!” inis na sigaw ni Jean kay Travis yung sobrang namumula na, yung parang sasabog kahit anong oras. Kawawa naman tong kaibigan ko baka maging highblood ng wala sa oras.

“Why? Dahil ba sa ka-gwapuhan ko eh, mahalay mo na ako?” Ngiting aso na sabi ni Travis kay Jean. Ugh! so conceited… 

“What the Hell?! You conceited little jerk!” galit na sigaw ni Jean kay Travis. Bakit kaya feeling ko may mabubugbog?

“So what do you think? Black eyes, bleeding nose or what?” tanong sakin ni Ree sa amin. Oo ganyan siya kabayolente, specially kay Travis.

“Broken bones perhaps?” singit ni Allee samin, di ko napansin na nandito na pala siya. Pero sa tingin ko wala eh…

“None” simpleng sabi ko sa kanila at gulat silang napatingin sakin.. Kasi sa tingin ko kung kaya niyang bigyan ng black eye, paduguin ang ilong at balian ng buto si Travis, matagal niya na sigurong ginawa. Kasi nga di ba medyo bayolente si Jean. Maybe she...

“Bakit naman?” nagtatakang tanong sakin nitong si Allee. Di man lang ba nila nararamdaman sa kilos ng kaibigan nila yun? Na baka nga-

“She likes him! she might not know it yet but she does!” tuwang tuwa si Ree nung na-realize niya yung fact na iyon. Oo yun din yung kutob ko.

Tsaka yung first time na nakita ko sila di ba nga nasa ‘what-the-heck’ position sila? Nainis lang siya kay Travis tapos nag walk-out… if she really hates him she might have hurted him right there and then at sa lahat ng oras na pambubulabog sa kanya ni Travis, kasi capable naman siyang saktan yung lalaking yun eh.

But she didn’t, so that’s when i figured that she might like him.

“Oo nga no! maybe all along in-denial lang yung Haponesa na yun… tsaka napansin ko din na yung these past few days kapag sinasabihan siya ni Travis ng maganda or cute namumula na siya, dati kasi hindi eh. Galit lang talaga kasi dati tas ngayon parang may halo nang kilig, pero slightest touch lang” Wow so tama nga kami ng hinala nitong si Ree, yun nga lang hindi alam ni Jean.

Bigla-bigla naman napunta sa harap namin ang isang naka-busangot na Jean Agatha Herrera.

“Oh anyare sa mukha mo Haponesa?” tanong sa kanya ni Allee. Mukhang badtrip nanaman eh, may dark aura sa likod, geez! nakakatakot talaga siya!

“Wala wala” yan na lang yung sinabi niya samin. Tapos pumasok na yung teacher namin sa next subject.

Nagturo lang si Ms. Lany samin tapos in-announce niya na yung project namin, para daw mas maaga namin magawa kasi yun yung basehan ng grade, patagalan.

“Okay class! So even naman I think ang girls and boys natin no? So by pairs tong project na to. Okay here are the pairs—oh wait bawal ang exchange partners, don’t worry random to promise!” sabay taas pa ng right hand niya… bata pa kasi si Ms. Lany mga nasa 20s palang siya kaya medyo ka-vibes namin siya.

“Ms. Canet and Mr. Antonio”

“Mr. Rogers and Ms. Herod”

“Ms. Romero and Mr. Guevarra”

“Ms. Dominguez and Mr. De Guzman”

“Ms. Miguel and Mr. Chan”

“Mr. Trinidad and Ms. Herrera”

“What?!” matinis na sigaw ni Gleam sa sobrang gulat…

“Any problem Ms. Herrera?” tanong ni Ms. Lany….

“None ma’am” sagot niya at yumuko feeling ko naiinis nanaman ito. Tiningnan ko si Travis at nguminiting aso ito

“Mr. Robles and Ms. Brosas” pagpapatuloy ni Ms Lany sa pairs

“Mr. Wright and Ms. Smith”

Huh? Who’s Mr. Wright?

Something UnexpectedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt