Chapter 13: That Night

Zacznij od początku
                                    

"Sige-sige, mag-iingat kayo. Salamat sa pagkain," nakangiting saad ni Nana. Matapos iyon, sabay na lumabas sina Rino, Inspector Akinu at Gino sa silid.

Saglit muna akong sinulyapan ni Gino bago ito tuluyang lumabas sa pinto. Ilang minuto rin ang lumipas at wala ni isa sa amin ang nagsimulang magsalita ni Nana. Iniisip niya pa siguro kung paano niya ako pagsasabihan sa maayos na paraan.

I took the silence as an opportunity to ask her something. Something that have been bothering me ever since Stephanie went missing. Something she told me not to open up again.

"Nana?" Napatingin siya sa direksyon ko.

"Yes?"

"It's about Stephanie." Biglang nag-iba ang atmospera sa loob pagkatapos kong mabanggit iyon. Tulad ng dati, hindi ko pa rin mabasa ng buo ang ekspresyon ni Nana sa tuwing binubuksan ko ang mga ganitong usapin. Pero ang pagkakaiba lang nito sa dati ay hinayaan niya ako na magpatuloy sa pagsasalita.

"Wala ka ba talagang natatandaan sa nangyari sa gabing iyon?" Muling namayani ang katahimikan sa loob ng silid bago nakahanap si Nana ng kanyang maisasagot.

"I'm sorry Bella, but I already told you, wala akong natatandaan."

"Kahit kaunti po?" mabilis kong tanong.

"All I can remember was that I was already in the hospital and they told me that it had been weeks since I was asleep and that Stephanie was gone and possibly dead. "

"What if she was not. They just said she might be dead but they saw no body except for you and her blood in the back of our house. "

"Yes, but those blood leads to a river, Bella. She could have been dumped there.That's why there was no body. " Her answer felt like knives in my chest. Lagi na lang nilang sinasabi sa akin na baka nga naanod na ang katawan niya but I can feel that there's more to it.

"Pero Nana, alam kong buhay pa siya. Kailangan lang natin siyang hanapin. " Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang tungkol sa sulat na natanggap ko ilang araw na ang nakakalipas pero hindi ko ginawa.

"How can you be so sure? It's been two years. Ayaw kong papagalitan ka naman ng mama mo dahil sa kung ano-anong mga pinagagawa mo para lamang mahanap ang ate mo. There are times that we need to move on, Bella. I know it's really hard for you, but please for your safety, stop dwelling in the past." Nararamdaman kong unti-unting humahapdi ang mga mata ko sa naririnig.

Hindi lang talaga ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. It was too sudden. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko, lalo na ngayon na nakatanggap ako ng sulat na nagsasabing galing kay ate.

"Good morning ma'am, its time for the patient to be check." Isang nurse nakaface mask ang pumasok sa loob ng kuwarto kaya nahinto ang aming pag-uusap. Pinahid ko ang luhang nagbabantang tumulo sa mata ko bago magsalita.

"Sige po, pasok."

"Bella sa labas lang muna ako," pagpapaalam ni Nana. Tiningnan nya muna ako sandali bago siya nagtungo sa pinto. Alam kong nagdadahilan lang siya upang di namin mapagpatuloy ang pinag-uusapan namin.

"May nararamdaman po ba kayong pananakit ng ulo ma'am? Okay lang po ba ang paningin niyo? Nahihilo pa rin po ba kayo? " sunod-sunod na tanong ng nurse.

"Ah eh, medyo nahihilo pa rin ako ng kaunti pero aside from that I am totally fine."

"Sige po. Iche-check ko lang po muna ang band aid sa ulo nyo. Kung pwede po tumalikod muna kayo. " I did what she told me to and then she began to inspect the back of my head.

Hindi rin tumagal at natapos na rin siya.

"It seems you're healing faster than we expected. Make sure po na patuloy niyo mainom ang inyong gamot para mabawasan ang pamamaga ng sugat sa ulo niyo." Nagpaalam na ang nurse sa akin bago ito muling naglakad patungo sa pinto.

Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang bigla siyang nagsalita at lumingon sa direksyon ko.

"Sorry, I almost forgot. You are Miss Mendoza, right?"

I gave her a nod as a response.

"Someone wants me to give this to you. Sabi niya wag niyo daw po ipagsasabi kahit kanino ito. Nawala sa isip ko, pasensya. Kaka-assist ko lang kasi kanina sa ER." She handed me a piece of envelope. It was like a brown envelope, but smaller, not bigger than the size of a notebook.

Kinuha ko ito bago nagpasalamat sa kanya na kanya namang sinuklian ng isang ngiti.

Hinintay ko muna siyang makalabas bago ko binuksan ang envelope. Walang nakasulat na pangalan kung kanino ito galing kaya mas lalong lumakas ang kuryusidad ko.

Nang tuluyan ko nang mabuksan ito, bumilis ang kabog ng puso ko nang makitang isang mapa ang nasa loob nito at hindi sulat. Binuklat ko ito sa harapan ko at laking gulat ko nang makitang sa bandang kaliwa nito may nakabilog ang isang lugar kung saan nakasulat ang mga salitang...

This is where you can find Vee. Be careful. Don't tell anyone about this.

--**--
DareMe19

Unedited: forgive me for the errors

After Past (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz