Nagulat siya sa ginawa ko. Pagkatapos ay bigla niya akong sinamaan ng tingin.

Tumakbo ako agad palayo sa kanya without minding na nasa kalsada kami ngayon.

"Patay ka sakin pag nahabol kita!" Sigaw niya habang hinahabol ako.

"Ang baho ng ilong mo! Linisin mo rin paminsan minsan!" Sigaw ko rin habang tumatakbo palayo sa kanya.

"Patay ka talaga sa akin pag naabutan kita!"

Matagal na akong patay na patay sayo Dean, di mo lang alam. Wahaha!

Para kaming mga bata na di pinalabas ng magulang sa loob ng bahay ng tatlong taon at uhaw na uhaw sa habulan. Ang saya ng ganito kahit na hindi na naaagwatan yung paghinga ko. Hinahabol ako ni Dean kaya feeling ko tuloy nagkakandarapa siya sa akin. Feeling ko ang haba ng hair ko.

Ganito na lagi kami ni Dean. Parang mga ewan. Parang bata. Sa dami ba naman ng lugar na pwede naming pagtakbuhan eh dito pa sa kalsada namin napili. Pero ang saya. Super.

"Habulin mo 'ko!" Masayang-masayang sabi ko.

"Humanda ka pag nahuli kita! Ilelechon..."

Ilelechon ako? Grabe! Mataba ba 'ko?

"Ilelechon natin yung si John Legend!" Saka siya humagalpak ng tawa.

Napahalakhak naman ako. Ang gandang ideya! Hahaha! Joke lang. Ang sama ko talaga kahit kelan.

Lalo ko pang tinulinan ang pagtakbo ko kasi malapit na akong maabutan ni Dean!

Tawa pa rin naman ako nang tawa. Para lang talaga akong timang.

At ayun, naabutan niya nga ako. Hay. Ang bilis talagang magtatatakbo nitong mga lalaki.

"Patay ka sakin!" Nananakot yung boses niya.

Pagkatapos ay bigla ko na lang naramdaman yung kamay niya sa tiyan ko at yung katawan niya sa likod ko. Jusko! Changsing 'to!

Dahil gusto kong makakalas sa kanya at ayokong baka may mahawakan pa siyang di dapat kasi conservative ako eh humarap ako sa kanya. Pinipilit ko talagang makawala sa kanya. Kaso, habang nagpupumilit nga akong makawala — still, with a grin in my face — eh biglang aksidenteng... ewan kung aksidente... dumampi yung labi niya sa... sa pisngi ko. Hindi ko alam kung sinadya niya yun o hindi. Pero sa tingin ko naman hindi. Magtolbespren lang kami.

Syempre nung mangyari yun, natigilan kaming dalawa. May something na weird sa dibdib ko, napasukan ata ng daga.

Nagkatinginan lang kaming dalawa and suddenly the world stops turning. Huminto yung lahat. Nagtitigan lang kami, ewan kung ilang minuto.

Naging kapansin-pansin yung pamumula ni Dean. Ba't namumula ang isang 'to? Does he feel the same way, too? May daga rin ba sa dibdib niya at huminto rin ba ang pag ikot ng mundo para sa kanya? Imposible ata.

Dahil sa ang awkward na masyado, pinakawalan niya ako at ako naman lumayo ng kaunti sa kanya. Kahit mahal ko siya, ayoko pa ring malagay sa ganoong nakakakaba at makapigil-hiningang sitwasyon. Ang awkward. Magtolbespren kami.

Buti na lang walang masyadong tao ang nagdadaan dito dahil kung hindi malamang inisip na nilang malandi at maharot ako habang nasa bingit ng nakamamatay na tagpong yon.

"Uh... s-sorry. Di ko sinasadya, tol." Nauutal na sabi Dean habang pulang-pula pa rin.

"O-okey lang." Sabi kong iniiwas ang tingin sa kanya.

Anong okey, Ayen? Okey lang na nahalikan at nachansingan ka? Pero okey na rin. At least naramdaman ko yung halik ni Dean kahit sa pisngi lang. Kinikilig ako. Ang lambot ng lips niya. At ang landi ko lang talaga.

Natahimik ulit kaming dalawa. Buti na lang at may isang nagsalita sa amin dahil kung wala, ay naku, hanggang bukas tatayo kami dito ng walang kaimik-imik.

"Streetfoods tayo?" Masiglang sabi niya atsaka isinuot yung cap niya sa ulo ko.

Grabe. Parang walang nangyari. Kung sa bagay, pag-iisipan ko pa ba ng malisya yun eh sa hindi nga sinasadya, diba?

"S-sige."

Gaya ng nakagawian, takbo sa streetfoods. Kapag magkasama kami ni Dean sa pag-uwi ay hindi namin nakakaligtaang daanan ang tindahan ng streetfoods na malapit sa Park. Yan ang trip naming magtolbespren kahit na minsan pinapagalitan kami ng mga mas nakakatanda sa amin. Marumi daw ang streetfoods, pero wala naman kaming pakialam. Ang sarap eh.

Dahil sa hindi ako komportable sa posisyon ng cap ni Dean sa ulo ko ay iniharap ko yung front part ng cap sa noo ko, yung tamang pagsusuot ng cap. Baligtad kasi yung pagsuot ni Dean ng cap sa ulo ko.

Dahil sa ginawa ko, nagsalubong ng kaunti ang kilay niya.

"Mas maganda ka kapag ganito." Bigla niyang binaligtad ulit yung cap, yung likod na parte ng cap ang nasa noo ko na.

M-maganda daw ako? First time kong marinig yun mula kay Dean. Bumalik sa pagwawala ang puso ko. Ang lakas ng impact. Parang meteor na bumagsak sa mundo. Nakaka-vibrate ng buong katawan.

"Tol," sabi niya sabay akbay sa akin.

Napatingala ako sa kanya.

"B-bakit?"

At ang hindi ko alam, habang nakatingala pala ako ay dahan-dahan na nyang sinundot ang butas ng ilong ko.

"Dean!" Bulalas ko nang maramdaman ko yung daliri niya sa ilong ko atsaka ko tinanggal ito. Buang talaga 'tong lalaking 'to.

Tawa pa rin nang tawa si Dean. Natawa na rin ako. Ang ganda kasi sa paningin ko nung tawa niya. Nakakaadik pagmasdan.

Ang saya talaga pag may tolbespren kang katulad ni Dean. Ang cool. Kaya pakaiingatan ko 'to. Napaka-precious nitong pagkakaibigan namin para sa akin.


END OF CHAPTER TWO

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenWhere stories live. Discover now