"Bigyan mo naman ako ng kahit konting pag-asa lang, Yen. Please? Kung sino man yang lalaking gusto mo, pinapangako ko, papantayan ko kung ano man yung nagustuhan mo sa kanya."

Talaga lang ah? Paano kung yung kagandahan ng katawan niya ang nagustuhan ko, mapapantayan ba niya 'yun?

"Alam mo, Hermes, the more na namimilit ka, the more na aayawan ka. Kaya please, tigilan mo na ako. Hindi ako ang babaeng karapat-dapat sa pagmamahal mo. Marami dyan sa paligid, try mong maghanap. I'm sorry." This time hindi na niya ako napigilan pa, lumayo na ako ng tuluyan sa kanya.

Ang harsh ko siguro. Pero yun naman talaga ang dapat kong gawin. Alangan namang paasahin ko pa yung tao eh talagang wala naman siyang pag-asa. Mas mabuti na yung diretsohin na siya kesa masaktan siya sa kakaasa. Ayokong patagalin pa 'tong panliligaw niya dahil baka lumalim lang lalo ang kanyang nararamdaman para sa akin. Baka lalo pa siyang umasa. Ayokong maging katulad niya ako na laging umaasang mamahalin ni Dean ng higit pa sa kaibigan kaya tuloy laging nasasaktan.

Para makalimutan ko yung brutal na pagdispatcha ko kay Hermes at para hindi na ako patuloy na bagabagin ng konsensya ko eh kinuha ko na lang yung phone at earphone ko para mag-soundtrip habang naglalakad sa daan pauwi ng bahay. Wala akong kasama pauwi ngayon. Wala ang kaisa isang Tolbespren ko ngayon, may painting lesson pa kasi siya at sabi niya matatagalan daw siya. Yung mga malalapit kong girl friends naman na nakakasabay ko minsan sa pag-uwi eh naglakwatsa kung saan-saan para libutin itong buong city. Hindi ko nga makita yung reasons kung bakit humaling na humaling yung mga 'yon sa lakwatsa. Hindi ko kasi trip yung mga gano'ng bagay. Feeling ko aksaya lang ng oras, pera at energy ang paglalakwatsa. Wala sa vocabulary ko ang salitang 'yon.

So much for that, mas mabuti pang sipain ko na lang 'tong mga batong madadaanan ko. Maganda kasi itong gawin pag nag-iisa at nagsa-soundtrip. At least hindi ako masyadong nababagot.

Sorry talaga mga bato ha? Wala kayong kasalanan sa akin at hindi ako galit sa inyo, sadyang wala lang talaga akong ibang trip. Solo ngayon eh.

Patuloy ko pa ring sinisipa yung mga inosenteng bato na nadamay lang dahil sa mga trip kong ewan. Habang sipa ako nang sipa sa mga batong kaawa-awa ay may biglang tumawag sa akin mula sa likuran. Kilala ko na kung sino boses niya pa lang. Nagsisimula na namang lumundag ng mabilis ang puso ko.

"Yen, tol, ba't nag-iisa ka lang?" Nag-aalala yata niyang tanong nang makalapit sa akin.

Biglang napuno ng kasiyahan ang puso ko nang masilayan siya. Parang biglang huminto sa pag-ikot ang mundo kaya bigla siyang nag-slowmo sa paningin ko. Para ngang nawala rin yung mga tao sa paligid na kasalukuyang naglalakad din. Parang biglang may umulang stars at mga hugis puso sa paligid. Tanging pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Huy! Okey ka lang?"

Ayun. Nagising ako. Tulala pala akong nakatitig sa kanya. Shet naman. Para lang akong tanga.

"O-oo!" Kinakabahang sabi ko, pilit ko nga lang na itinatago.

"Ba't ikaw lang mag-isa?"

"N-natural walang kasama! Sa'n ka ba nakakita ng nag-iisa tapos merong kasama?" Pamimilosopo ko para hindi niya mahalata ang nangyayari sa puso ko.

"Pilosopo ka talagaaa!" Sabi nyang gigil na gigil sabay kinurot ang ilong ko.

"Aray naman!" Sabi kong nasaktan ng kaunti. Ang lakas kasi ng pagpisil niya sa ilong ko eh.

"Sorry, tol." Paghingi niya ng tawad sabay akong nginitian na abot hanggang mata.

"Okey lang." Ngumiti rin ako. "Pero teka, ba't nandito ka?"

"Natural wala ako doon." Saka siya tumawa.

Gumaganti, ha!

"Pilosopo ka rin talagaaa!" Sabi ko namang gigil na gigil tsaka sinundot gamit yung kalingkingan ko yung butas ng ilong niya.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon