Chapter 24: The Truth

220 8 0
                                    

Nasa harap ko si Daddy ngayon upang kausapin ko siya ng masinsinan at sabihin lahat. Maniwala man siya o hindi ok lang sa akin basta't nasabi ko na ang totoo.

Andito din ang dalawa kong kuya i mean kuya ni Samantha upang malaman din nila ang katotohanan.

"Dad. Maniwala man kayo sa hindi peroo.. hindi ako si Samantha. Ako si Kizha Tolentino... ginamit kolang ang katawan ng Namayapa niyong anak upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ko at pagkamatay ng Asawa niyo." Pagpapaliwanag ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ng Dad ni Samantha.

"Naaalala kona po ang lahat! Lahat lahat ng nangyari."

"Walang nangyari! Ikaw si Samantha!"

"Pero Dad.. a-ako po si kizha at hindi po ako ang inyong anak." Umiyak si Daddy. Ngayon ko lang ito nakitang umiyak kaya Napaiyak nadin ako sa lungkot.

Hindi ko na alam gagawin ko lahat sila naguguluhan na.

"Oo alam ko." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Anong alam ni Dad?

"Ano?"

"Alam kong ikaw si Kizha Tolentino at hindi ikaw ang aking anak.." napakunot noo ako sa sinabi ng aking Daddy.

"P-paano?" Tanong ko.

"Nung nabuhay ka. Nagparamdam sa akin ang aking anak na si Samantha at sinabi niyang Hindi siya ang nasa Katawan niya kundi si Kizha Tolentino at sinabi niya rin sa akin na may misyon kapa dito.. itinago ko ito sayo dahil ayaw kong maniwalang patay na ang aking anak at hindi na siya babalik pang muli. Ayokong mawala ka sa akin Samantha. Hindi ko kaya kaya nilihim ko ang lahat sayo at hindi ko sinabi ang lahat." Paliwanag ng aking Daddy

"Kasalanan mo pala ang lahat!" Napalakas ang boses kong sabi.

"Patawarin mo ako.. gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako."

"Dalhin moko sa aking tunay na pamilya at magpapakilala ako sa kanila." Utos ko sa kaniya.

"Sasama ako." Napatingin ako sa gilid. Si Haervy.

"Alam mo din?" Tanong ko sa kaniya at nagsimula nang bumagsak ang luha ko sa aking mata.

"Oo alam ko! Sinabi sa aking ng Dad mo... Hindi ako nainlove kay Samatha, kasi ang tunay na minamahal ko ay si Kizha Tolentino. Nakita ko ang kabaitan mo kaya pinagpatuloy kolang ang pagkilala pa sayo ng mabuti, hindi ko aakalain na maiinlove ako sayo." Paliwanag niya.

"Tama nayan. Pumunta na tayo sa Tunay mong pamilya Kizha." Sabi ni Dad at sumakay na kami sa Kotse upang Pumunta sa aking Tunay na tirahan.

"Patawad kung nagsikreto ako sayo." Sabi ni Haervy at niyakap ko na lamang ito upang Hindi ako kabahan.

Nakarating na kami sa bahay at pumasok na kami dito.

"Sino kayo?" Tanong ni Kuya Karl sa amin. Ang aking tunay na Kuya. Ang aking pinakamamahal na kuya.

"Kuya karl!!" Niyakap ko ito ng mahigpit.

"Sino ka?"

"Ako to si Kizha." May lumabas sa Pintuan sina mama at papa.

"Kizha?" Tanong ni mama at Niyakap ko sila parehas ng mahigpit.

"Ma Pa!".

Kinuwento ko ang nangyari sa kanila at naniwala naman kaagad sila. Dito muna ako sa tunay kong tirahan ako matutulog.

"Anak Mahal na mahal ka ng Mama." Sabi ni Mama bago ako matulog at iniabot ang Gatas na Favorite kong inumin kapag bago ako matulog.

"Inumin mo yan anak para bumalik na ang mukha mo" pagbibiro ni papa.

Tumawa naman sina Mama at Kuya karl

"Si papa talaga! Mas maganda ako ngayon noh." Sabi ko.

"Ang importante bumalik kana." Sabu ni Mama at hinalikan ako sa noo.

I miss them so Much.

My Second LifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя