Chapter 2: School Life

532 18 0
                                    

Naglalakad na ako upang marating ko ang aking Paaralan ng may Tumawag sa akin kaya naman napalingon ako kung sino ito.


"Tignan mo nga naman kung Sino ang taong naglalakad." Tumawa ito na pangasar.


"Alam mo Kuya kung Wala kang magawa sa buhay Magpakamatay ka nalang! Tss." Sagot ko at tinalikuran ko ito.


"Kizha! Hinding hindi ka magiging paborito dahil isa ka lang talunan!" Seryosong pangaasar ng aking Kuya.


"Hindi ako Talunan!" Sigaw ko sa kaniya sa sobrang inis ko. Dalawang taon lang naman ang tanda sa akin ni Kuya Karl.


"Eh bakit Walang may Gusto sayo? Kahit Pamilya ng Boyfriend mo hindi ka Gusto." Asar nito sa akin nakasara na ang kamao ko at gusto ko itong ipatama sa kaniyang mukha.


Hindi ko nalamang ito pinansin at nagsimula na akong Maglakad papuntang School. Nang makarating ako ay Umupo ako sa akin Upuan.


"I will Revenge to you!" Tinuro pa ako ni Patricia nang sabihin niya ito.


"Tanggapin mo nalang kasi na natalo kita kahapon kaya iiyak iyak ka sa nanay mo." Pangaasar ko sa kaniya.


"How Dare you!" Sigaw nito at umupo na sa kaniyang Upuan.


Akala mo kung Sino, e Matapobre naman. Lahat pinagmamalaki niya. Pagiging Mayaman, lahat nabibili niya, tas lilipat na daw siya sa magandang paaralan. I hate this Girl so much.


Sarap lunurin sa Ginto para dun na siya Mamatay!


Dumating na ang Aming Guro at pinakuha kami nito ng Paper dahil may Quiz kami.


"Alison Penge?"

"Jade Pahingi ako isa"

"Christ Pwede?"

"Aren Please?"

"George Pwede akong humingi?"


Lahat ata ng mga malapit sa akin ay nahingan ko na ng papel ngunit kahit isa ay ayaw akong bigyan kahit madami pa silang papel.


Biglang tumayo si Patricia at kumuha ng isang Pirasong papel sa kaniyang Paper pad. [Nag Cr ang aming Guro] lumapit si Patricia sa akin saka naman Pinunit sa gitna ang papel na hawak niya at Inihagis ito sa akin.


"Kawawa ka naman! Masyado kang mahirap yan ang dapat sa gaya mo." Pagmamataas nito at tumawa lahat ng kaklase ko. Bumalik na ito sa kaniyang upuan ng bumalik na ang aming Teacher.


Kumuha ako ng Scatch tape at dinikit ko ang punit na Papel dahil wala namang ni isa ang may gustong magbigay sa akin.


Natapos na ang Quiz at lahat ng ito ay nadalian ako dahil buong gabi akong nagreview.


"10/10 Score is...." Anunsyo ng Teacher at may hawak itong Regalo. Ang Regalo ay para sa nakakuha ng highest Score.


"Ofcourse its me." Pagyayabang ni Patricia.


Hindi ako umaasang ako ang Highest dahil isa lang akong talunan.


"Tolentino." Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko. Lumapit na ako para kunin ang Regalo ko at Sinabitan ako ng Ribbon.


Wala man lang pumalakpak sa akin at nakita ko sa mukha ni Patricia ang pagkadismaya.


Hindi ako isang talunan Bitch!


Tinanggal ko na an Ribbon at pinasok ko ito sa aking bag. Tinignan ko muna ang laman ng Regalo bago ko ito ilagay sa bag ko. Isa itong Relong kulay Violet.


I like it so much. Pinaghirapan ko ang isang ito kaya Napakasaya ko.


Recess na kaya naman umupo na ako sa Canteen at Kinain ko na ang Biscuit na binili ko kahapon.


Lumapit naman sa akin si Patricia may hawak itong Juice at itinapon niya ito sa akin.


Sigawan at tawanan ang naririnig ko sa paligid ko.


"Yan ang nangyayari sa kumakalaban sa akin." Sigaw niya sa akin tumayo ako sa kinauupuan ko.


Yes! Tahimik ako pero kapag may nangaabuso sa akin ay kinakalaban ko.


"Ow. Bakit hindi mo matanggap na natalo kita? Feeling Disappointed huh?" Nginitian ko ito ng Plastic kaya naman halata sa mukha niya ang pagkainis.


"Hindi ang isang katulad mo ang tatalo sa gaya ko."


"I don't Mind!" Kinuha ko na ang Lunch Box ko at umalis na ako. Dumiretso ako sa Cr at Doon umiyak ng umiyak.


Ayoko na Mabuhay! Ayoko na! Sawang sawa na ako! Hirap na hirap na ako! Halos Araw-araw kong tinitiis lahat ng ito.


Nagpalit ako ng damit dahil PE na namin kaya naman agad akong nagtungo ng Gym.


Naglalaro ng Volleyball sina Patricia at kasama nito ang mga kaibigan niya.


Nagayos naman ako ng Gamit ko nang may maramdaman akong tumama sa likuran ko.


Nang harapin ko ito ay Grupo nina Patricia na may mga hawak na Bola at sabay sabay nila itong ibinato sa akin.


Napaupo nalang ako sa sobrang Sakit ng Pagbato nila sa akin at hindi ko rin maiwasan ang hindi umiyak dahil sa mga taong tawanan ng tawanan sa kanilang nasasaksihan.


"Please Stop!" Pagmamakaawa ko ngunit hindi parin sila tumitigil na Batuhin ako.


~~~~



Naglalakd ako pauwi na may mga Pasa at mga Sugat sa aking braso, Mukha at maging sa Binti.


May nagstop na sasakyan sa harap ko at sasakyan ito ni John.


"Kizha!" Agad itong bumaba at tinignan ang mga sugat ko.


"John please go home." Sabi ko sa kaniya.


"What? Wait what happened?" Pagaalala nito.


Bakit kapag sinabi ko ba may magagawa ka?


"Ayaw ko na Sawa na ako! Sawang Sawa na." Hindi ko na maiwasang umiyak kaya naman niyakap ako ni John.


"I love you."


Nang marinig ko ang sinabi niya ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.


"Anong ginagawa mo dito?"


"Susunduin sana kita kaso-"


"Please huwag na! Magagalit lang sayo ang Mom mo."


"But-"


"Please Listen to me! Go Home." Sumunod ito at iniwan na ako. Nakarating na ako ng aming bahay at nagulat si Mama sa itsura ko.


"Anong nangyari sayo? Katangahan mo!" Ako na nga yung nasaktan ako pa yung sinabihan ng masama.


Pumasok na ako ng aking kwarto at Umupo sa kama ko. Biglang bumukas ang pintuan ko at Niluwa nito ang kapatid ko.


May dala itong Tela na may Yelo.


"Masakit ba?" Tanong niya at dinampi ito sa aking mga pasa.


"Kuya, ayaw konang mabuhay." Hindi ko na maiwasang Umiyak kaya naman pinunasan niya ang mga luha ko.


"Pagsubok lang yan! Huwag kang maghina. Lahat ng bagay ay may solusyon." Ngumiti si kuya sa akin kaya naman nginitian ko ito pabalik.


He's Right Lilipas din itong sakit na nararamdaman ko.


∞∞∞

BHOUXZKZ

My Second LifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora