Chapter 7: Princess Life

508 15 0
                                    

Samantha/Kizha POV:






Nakauwi na kami sa Aming Malamansyong Bahay. Ganito ba talaga ang Buhay ko? Ganito ba talaga ako Kayaman?


Pagpasok ko palang ay agad na Sumalubong sa amin ang Hindi ko mabilang na Katulong. Lahat sila ay nakayuko.


"Anong Ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila. Naiilang kasi akong Makita ang ginagawa nila.


"Nagbibigay puri sa iyo sapagkat Nakauwi kana." Si Daddy na ang Sumagot ng katanungan ko.


"Hindi niyo po kailangan gawin yan." Sabi ko sa kanila.


Nakita ko ang Expression nilang lahat, Gulat na Gulat sila sa pakikitungo ko ngayon.


"Ipasok niyo na siya sa kwarto." Utos ni Dad sa isa sa mga katulong.


Sinamahan naman ako nito sa Kwarto ko. Sa pintuan ng kwarto ko ay may nakasulat na "Samantha"


Nang buksan ko ang Pinto ay Bumungad sa akin ang isang Malinis, Maayos, Malawak, at magandang Kwato.


Ang lambot ng kama ko at May napakaraming Unan.. maging ang Kumot ay napakalambot din.


Sa Tapat nito ay may Kabinet na Maliit at sa taas ng Kabinet ay may Lamp. May Limang Cellphone ang nakalagay sa Kabinet.


Akin ba itong lahat?


Nang buksan ko naman ang Malaking Cabinet.. Mas malaki pa ito kesa sa akin.. tumambad sa akin ang napakadaming mamahaling Damit. May Bistida, Gowns, T-Shirt, Pants, Shorts at iba't ibang uri ng Mamahaling damit.


Sa may baba naman ng mga damit na ito ay may Sandamak mak na mga Sapatos, Sandals, Heels, Rubber shoes, black Shoes and etc.


Binuksan ko naman ang CR sa kwarto ko at kumpleto ito. May Lababo, May Cabinet na lagayan ng mga beauty Products at mga iba pang gamit Pangligo, Meron din Shower, Bathtub, at Kubeta.


Buhay Princessa pala ako dito! Lahat ng Gusto ko Mabibili ko!


Binuksan ko naman ang nasa ilalim ng cabinet kong malaki. Ang laman nito ay sandamakmak na iba't ibang uri ng Bag.


Humiga na ako sa aking malambot na kama at Dinarama ko ang Pagiging Prinsesa.


"Samantha." Tawag sa akin ng isang katulong.


"Please Call me Princess Samantha." Pakiusap ko sa kaniya at tumango ito.


"Princess Samantha... nakahanda napo ang pagkain sa baba." Paguulit niya.


"Sige susunod na ako." Sagot ko. Nagbihis naman ako ng Dress bago bumaba.


Umupo na ako sa Hapagkainan, kumpleto na kami dahil andito na si Dad at ang mga kuya ko.


"Bakit ganiyan suot mo?" Tumawa si Kuya David dahil sa Suot ko.


"Because Im a Princess. Princess Dress like this." Nginitian ko nalang ito.


"Napakaganda mo aking Anak. Start na ulit school mo bukas upang makahabol kapa sa mga Lessons." Sabi ni Dad.


"School? Saan po ba ako nagaaral?" Tanong ko kay Dad dahil walang wala akong maalala.


"Sa Well University Grade 12 kana Anak." Sagot ni Dad.


"I'm Exited."


Kumain na kami ng Masasarap na pagkain. Sa totoo lang parang lahat ng pamumuha, lahat ng pagkain na ito ay ngayon ko lang naranasan.


I don't know Why but I like to be a Princess, kaya dapat lahat ng tao ay trato sa akin ay isang Prinsesa.


"Dad gusto ko pong mangibang bansa. Please." Pakiusap ko kay Dad.


"Saan mo gusto Anak? Halos lahat ng bansa napuntahan na natin hehe." Lahat ng Bansa? Parang sa Puso ko Never pa akong nangibang bansa.


"Sa Hongkong po Sa Disney Land. Bagay ako dun dahil isa akong prinsesa." I crossed my Legs.


"Ilang beses naba tayo nakapunta dun?" Tanong ni Dad kay kuya Jin.


"Hindi kona mabilang Dad." Sagot niya.


"Please." Pakiusap ko at tumango si Dad.


Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko ito. Mararanasan ko na ang maging Prinsesa.


Bumalik na ulit ako ng aking kwarto at nagpahinga. May Pasok ako Bukas. Kinakabahan ako dahil ni isa wala pa akong kilala sa School.


I'm so Scared.

My Second LifeWhere stories live. Discover now