Chapter 14: My Hero

268 8 0
                                    

"Dad puwede ko po bang makita ang litrato ko nung ako'y bata palamang?" Masayang Tanong ko kay Daddy habang kami ay kumakain sa Hapagkainan.


Baka kasi ako yung bata sa mga Ala-ala ko.


"Yaya! Pakikuha ng mga PhotoAlbum ni Samantha." Utos ni Dad sa mga katulong at sinunod agad nila ito.


"Ito na po Princess Samantha." Sabay abot ng Photo Album.


Kinuha ko ito at sinimulang Tignan.


Ito??? Hindi!! Hindi siya ang Mga Nasa Ala-ala ko... ano bang koneksyon ko sa batang iyon? Sino siya.


Bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napasigaw ako.


"Anak Huwag mo nang isipin mga nakaraan mo... Anak Matagal na yung tapos." Pagaalala ni Dad.


∞∞∞


Naglalakad ako papuntang Room ko at Nakayuko ako dahil samut sari ang mga Tsismisan tungkol sa akin.


"Malandi"


"May Girlfriend na yung tao pero Nilalandi parin."


"Anak mayaman kasi kaya lahat nakukuha pati lalaki."


Yan lang namang mga salita ang naririnig ko sa paligid ko but i don't care, siraan lang nila ako ng siraan Wala akong Pake.


Nang Mapunta ako sa Mga Locker ay may mga Nakapasling sa lahat ng Locker.


Picture namin ni Haervy na magkahalikan. Wth? Edited to ahh! Hindi ito nangyari!


Sino namang tarantado ang naglagay ng mga ito??



May mga Studyante ang mga Pinagbabato ako ng Mga Papel at maging pagkain dahilan upang madumihan ang aking Uniporme.


"Sige!! Siraan niyo pa ako!! Karmahin sana kayo!!" Sigaw ko sa kanilang lahat. Natahimik silang saglit ngunit pinagbabato parin nila ako ng mga Pagkain at tubig.


"Ayan kinarma ka din!! Damhin mo ang bagsik ng Jowa na inaagaw mo" ang desperadang babae.


Akala ko ba mabait tong babaeng to?


Siguro simula't sa una palang ganito na talaga siya ngunit napapatulan ko lang kaya ako ang nagigin masama.


"Huwag mo akong Subukan Shiela!" Nagcrossed arm ako.


"Wala ka atang mga kaibigan... gusto mo malaman kung nasaan sila?" Nanlaki ang mata ko sa sabi ni Shiela.


"What are you talking about?" Napakunot noo ako.


"Kinulong ko lang naman mga kaibigan mong pakielamera." Tumawa pa ang baliw.


"Huwag mo silang idamay sa Gulo natin! Sisiguraduhin kong babawian kita." Madiin kong Saad.


Don't you ever touch my friend or else  i will kill all of you!


"Natakot ako" natatawa lamang si Shiela at mga kaibigan niya.


Tinulak ako ni Shiela.


"Loser!" Sabay Sabay nilang sabi at tinapunan ako ng juice ni Shiela.


Tumayo ako at Tinulak si Shiela dahilan upang masabunutan ko ito ng marahan.


"Tatanggalin ko yang Anit mo!!" Sigaw ko habang siya'y sigaw ng sigaw. Wala man lang magawa ang mga kaibigan niya dahil baka madamay sa away namin.


"Stopp!" Biglang dumating si Haervy at hinawakan ako.


"She's hurting me Haervy." Mangiyak ngiyak na pagsisinungaling ni Shiela.


Best Actor of the Year!! Hindi nalang ako nagsalita dahil alam ko na kung sino papakinggan ni Haervy.


"Magsisinungaling ka na naman?! Ikaw nagsimula nito Shiela!" Sigaw ni Haervy kay Shiela at gulat na gulat si Shiela.


Buti nga sayo!


"No." Nanginginig na Sagot ni Shiela.


"Stop Acting! Alam ko na, na pinalabas mong Boyfriend mo ako kahit never naman naging tayo!" Pagpapaliwanag ni Haervy.


"Ohhww" sigaw ng lahat ng tao.


"Shut up!!" Sigaw ni Haervy dahilan upang matahimik ang lahat.


"That's not true." Pagsisinungaling pa ni Shiela.


"Inedit mo din ito upang masiraan kami ni Samantha! At pati sina Angelica kinulong mo sa isang room para hindi makasama sa gulo niyo." Biglang tumakbo sina Angelica, Sheena at Alexia sabay yakap sa akin.


"Ginawa ko yun para sayo." Saad ni Shiela.


"No! Ginawa mo yun para sa sarili mo!" Dagdag pa ni Haervy at hinawakan ako sa kamay. Inalis na niya ako sa lugar na iyon.


Naiwan sina Angelica dahil balak pa ata nilang sugurin ang mga impakta.


"Magbihis ka muna." Sabi ni Haervy at nagpunta nako ng CR upang magbihis.


Nang matapos ako magbihis ay agad niya akong inilabas sa Gate ng School.


"San tayo pupunta?" Tanong ko.


"Secret." Sagot naman niya at tumawa pa.


"Grab na tayo." Sambit ko ngunit umiling ito.


"Maglalakad lang tayo!" Naglakad na si Haervy at naiwan akong lutang. "Bahala ka sa buhay mo kung gusto mong sumama." Sambit niya kaya naman tumakbo nako upang masundan siya

My Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon