Chapter 22: Official

189 6 1
                                    

"Saan ba tayo pupunta Haervy?" Tanong ko habang hatak hatak ako ni Haervy.

"Pupunta tayo sa lugar na tayong dalawa lang." Sagot niya sakin. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya ah.

Kaming dalawa lang? Ano namang gagawin namin don?

Mahal ko to kaya susundan ko lang siya kahit saan man kami makarating.

Naglatag siya ng Kumot sa Sahig at Inihiga niya ako. Tumabi siya sa akin at nahiga nadin.

"Ang Ganda ng mga Bituin no." Sabi niya sa akin.

"Oo napakaganda!" Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kahit na sa kalangitan ako nakatingin.

Kinikilig ako kaya hindi ko na sinubukan pang tignan siya. Hindi kasi ako Sanay ng ganon. Tititigan ako Masyado akong Pabebe.

"Alam mo Napakaganda ng Bituin pero may mas maganda pa kesa sa mga nagkikinang na mga Bituin." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin na ako dito.

Mas Maganda? Impossible. For me Bituin ang Pinakamaganda sa Buong Mundo at walang makakapantay sa ganda nito.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kaniya.

"May mas maganda pa sa mga bituing yan."

"Ano?"

"Taglay mong ganda na ako lang ang nakakakita." Namula ang pisnge ko sa sinabi niya.

"Pa-paano mo naman nasabi?"

"Para sa akin. Ikaw ang pinakamagandang nakita ko sa Buong Buhay ko. Wala ng hihigit padon kahit na ang mga bituin pang yan."

"Bolero" Tumawa nalamang ako sa kilig.

"Ilang Buwan nakong nanliligaw.. pero ok lang kaya kong maghintay... hanggang sa maabot kona ang mga bituin."

"Haervy, Naabot mona ang mga Bituin ngayon. Naabot mona ako. Mahal na Mahal kita."

"Mahal na Mahal din kita Ki-- Samantha."

"Sinasagot na kita Haervy.. maging Official na tayong dalawa."

"Huh Anong sabi mo?" Napaupo ito sa sinabi ko.

"Sabi ko Tayo na!" Sigaw ko at binuhat niya ako at Umikot ito.

Nang ilapag niya ako ay niyakap ako nito ng sobrang higpit.

Ikaw ang Pinakamagandang nangyari sa Buhay ko. Mahal na Mahal kita.

Saksi ang mga Bituin kung Gaano kita kamahal.

My Second LifeWhere stories live. Discover now