22

10.4K 181 1
                                    


ISA-ISANG tiningnan ni Karen ang mga kasama niya sa airport. May mga luha sa mga mata ng mga magulang niya habang ang Kuya Harmond niya ay seryosong nakatingin sa kanya. Nile was giving her his full support.

Nang binanggit niya sa mga magulang na gusto niyang hanapin ang sarili sa pamamagitan ng paglayo, hindi tumanggi ang mga ito. Sinuportahan pa siya ng mga ito at balak pang sagutin lahat ng gastusin niya. Ngunit tumanggi siya. Ang gagamitin niyang panggastos ay ang pera niya sa bangko na mula sa lolo niya. Sobra-sobra pa iyon. Sa sobrang laki ng pera niya sa bangko, alam niyang hindi siya kakapusin kahit ilang buwan pa siyang maglibot sa kung saan-saan.

Nilapitan siya ng mommy niya at niyakap nang mahigpit. Hindi niya mapigilang maiyak dahil na rin sa pag-iyak ng mommy niya.

"Mag-iingat ka, anak. Tandaan mong nandito lang kami ng daddy mo. You're home is with us, anak. No matter what happens, you can find your home here."

Tumango siya at hindi makasagot dahil alam niyang mapapahagulhol siya sa labis na emosyon.

Naramdaman niya ang kamay ng daddy niya sa kanyang balikat bago nito iyon pinisil. "We love you, anak. Patawad kung nagawa naming itago ang katotohanan. Huwag mong kalilimutan na mahal ka namin."

"I love you, too, Dad, Mom."

Nang pakawalan siya ng mga magulang ay lumapit siya sa Kuya Harmond niya. Ito ang labis na tumututol sa plano niyang pag-alis.

"Kuya..."

Walang kibong niyakap siya nito. "Mahal kita bilang isang tunay na kapatid, Karen. We might not be brother and sister by blood but we are siblings by heart. Take care, okay?"

"I love you, Kuya."

Nang pakawalan siya ng kuya niya ay lumapit siya kay Nile. They didn't touch each other. Nakatitig lang sila sa isa't isa na tila minememorya ang bawat detalye ng mukha ng isa't isa.

"Sabihin mo kung nasaang lugar ka na, okay? And please take care."

"I will."

Niyakap siya nito sa huling pagkakataon bago siya hinalikan nito sa mga labi. Nang tinawag na ang flight niya ay lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"I'll miss you."

"I'll call you every day."

"Be sure to do that."

Isa-isa uli siyang niyakap ng kanyang pamilya bago siya tuluyang umalis. While thinking of her family, she could feel no bitterness anymore.

Just love.

One week after

Paris, France

KAREN smiled contentedly while looking at the Eiffel Tower. Maybe, it will be more romantic if Nile was here. Pagkarating niya roon ay agad siyang nagpadala ng postcard sa kanyang pamilya at kay Nile. The solitude was surprisingly good. Mas nakapag-isip siya nang mabuti at matino.

Gamit ang camera ng cell phone ay kinuhanan niya ng larawan ang Eiffel Tower. Maybe someday, she'll come back here with Nile.

Naglibot-libot pa siya bago nagpasyang bumalik sa hotel na tinutuluyan. Bago umakyat sa silid ay may iniabot sa kanyang sulat ang receptionist. Kasama niyon ay isang basket ng bulaklak. Pagkarating sa silid ay agad niyang binasa ang laman ng sulat. It was from Nile.

Roses are red, violets are blue. One week has passed and I keep on missing you.

We're glad to know that you are doing okay there, Karen.

Take care. I love you. WE love you.

P.S: Approve na ang novel mo :)

Napangiti siya. She missed him dearly, all right, pero hindi pa niya nakikita ang sariling bumabalik sa Pilipinas.

More time, Nile. I need more time.

Karen's Mr. Silent Heart by Marione Ashley  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon