2

14.6K 270 8
                                    


NAPATINGIN si Karen sa wristwatch na suot-suot niya. Late na siya nang kinse minutos sa usapan nilang magkakaibigan. But knowing her other friend, Delah, na kilala sa pagiging late sa lahat ng lakad nila, ay hindi siya nagmadali.

Pagpasok na pagpasok niya sa Spiral Café ay agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga waiter at may-ari ng naturang café, si Patch.

"You're late, Miss Pretty." Sasagutin na sana niya ito upang magpaliwanag nang bigla nitong itinaas ang kamay nito. "But knowing your friend, Delah, mas late pa 'yon kaysa sa 'yo."

Napangisi siya. Dahil sa palagi nilang pagtambay na magkakaibigan sa Spiral Café ay nakilala at naging kaibigan na rin nila ang anim na may-ari ng lugar. Nagtataka pa nga silang magkakaibigan kung paanong ang anim na may-ari ng Spiral ay nagiging waiter, cashier, bartender, at dish washer ng naturang café.

"Nasa normal table ang mga kaibigan mo, Miss Pretty. Anyway, you're still pretty as ever," pag-iimporma ni Patch, saka siya kinindatan nito.

She just rolled her eyes. Alam na niya ang karakas ni Patch. Magaling talaga itong makipag-flirt.

Naglakad na siya papunta sa palagi nilang puwesto sa café. Hindi na siya nagulat nang makitang si Delah na lang ang kulang sa kanila. Ang babaeng iyon talaga, kahit minsan yata ay hindi pa ito nauna sa meeting place nila kapag may usapan silang magkikita-kita.

"Hello, Karen," bati sa kanya ng isa pang waiter-cum-owner ng café na si Spike.

Nginitian niya ang lalaki. Sa kanilang walo, kay Delah ito mas malapit. "I want a tiramisu meltdown, Spike. Samahan mo na rin ng strawberry parfait," sabi niya na hindi na tumingin sa menu.

Sinaluduhan siya nito at tumalikod na upang marahil ay pumunta sa kusina at ihanda ang order niya. Binalingan niya ang mga kaibigan. "So?"

Nangalumbaba si Hannah. "Bakit kaya pulos guwapo ang may-ari nitong Spiral?"

Hindi na niya mabilang kung pang-ilang ulit na nitong naitanong iyon. Sa kanilang walong magkakaibigan, isa si Hannah sa mga ginawang full-time job ang pagsusulat.

"May dyowa na 'yang mga 'yan," sagot ni Serenity o Sitty sa kanila. May sarili itong column sa diyaryo na siyang trabaho nito bukod sa pagiging isang romance novelist.

"Sino?"

Ngumisi ito. "Magdyowa si Spike at Patch."

Muntik na niyang maibuga ang iniinom na tubig dahil sa sinabi nito. Sa panahon ngayon, hindi na bago na ang nagguguwapuhang lalaki ay lalaki rin ang hanap pero hindi niya maiwasang hindi madismaya.

"Sayang. Lamang-tiyan din sila," parang naluging sabi ni Hannah.

"Naniwala ka naman kay Sitty!" tumatawang sabad ng kakambal ni Serenity na si Serendipity. Si Serendipity o Sizzy sa kanila ay sa isang fashion magazine nagsusulat na malayo sa kursong tinapos nito.

"Pero hindi na rin nakakagulat kung magiging si Spike man at Patch. I mean, uso 'yon, eh. Bromance, 'ika nga," nakangising sabi ni Gelly. Isa naman itong freelance photographer. Minsan ay nakikita niya ito sa StarFax dahil suma-sideline ito roon.

Nakita niya ang pagngiwi ni Chrissa na siyang pinakatahimik sa kanilang lahat. Ito ang may pinakamaraming raket sa kanila. Si Ashleigh naman na siyang pinakabata sa kanila ay abala sa pagkain kung kaya wala itong kibo. Gaya ni Hannah ay ginawa nitong full-time job ang pagsusulat. And so was Delah, their ever-late friend.

Nakatutuwang isipin na kahit magkakaiba ang mga ugali nila at sa LoveString Publishing lang sila nagkakila-kilala ay nakabuo agad sila ng matatag na pagkakaibigan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang orders nila. Half an hour later, dumating na rin ang babaeng palaging late na si Delah. Pagka-order nito ay agad nang nagsimula si Serendipity. Isang series collaboration pala ang naisip nito na gawin nila.

Ang naisip nitong tema ay kung paano maipapakitang ma-in love ang iba't ibang klase ng lalaki, from the playboys to the serious ones.

Nagbunutan sila ng "tema" para fair sa kanila. Sila kasi ay may kanya-kanyang forte kung anong klase ng lalaki ang kaya nilang isulat. The one you can depend on, pagbasa niya sa isip sa nabunot niya.

Napangiwi siya. Mr. Nice Guy? Hmm. Habang pinakikinggan ang pagmamaktol ni Delah ay nag-isip na siya ng magandang plot. Nasa kalagitnaan na siya ng "conflict" niya nang may naramdaman siyang bumatok sa kanya.

"What?" angil niya kay Delah na nginisihan lang siya.

"Ano 'yang nabunot mo?"

"The one you can depend on."

Napaungol ito. "Unfair!"

Nanlalaki ang matang tiningnan niya ito. Paanong naging unfair iyon, ang forte niya ay mga suplado? "What?"

"You have Nile! Puwede mo siyang gawing dummy mo habang ako... Unfair! Rematch!"

"Hello, Delah? Alam mong hindi ko magagamit na dummy si Nile dahil tamad 'yon. Ni hindi ko nga mahatak sa mga lakaran 'yon, eh. Mas gusto niyang matulog magdamag."

"But he will move if it's you, Karen," mahinang sabi ni Serenity. Nakayuko ito sa kape nito kung kaya hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito.

Napaisip siya sa sinabi nito. There's no harm in trying, right? Puwede niyang tanungin si Nile kung puwede itong maging dummy boyfriend niya nang sa gayon ay maging realistic ang nobela niya. Right? Right?

Karen's Mr. Silent Heart by Marione Ashley  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon