5

11.8K 247 7
                                    


"WHY DO you keep on glancing at Dela—"

Naiinis na tinakpan ni Karen ang bibig ni Nile dahil sa lakas ng boses nito. Hindi niya gustong mahalata ni Delany na kanina pa niya pinagmamasdan ito at ang boss nito na si Drake.

"Huwag kang maingay! I'm analyzing them. Bagay sila, 'no?"

Tumango ito at inalis ang kamay niya sa bibig nito. "Ang alat ng kamay mo."

"Dahil sa chips 'yan."

"Pawis mo 'yan."

"Hindi rin."

Nawala ang atensiyon niya rito at nalipat kina Delah at sa boss nitong si Drake. Nakasakay na sila sa coaster. Sina Delah at Drake ay nakapuwesto sa tapat nila. Kinilig siya nang makitang nakatulog na ang kaibigan at nakasandig sa balikat ni Drake.

"Ang sweet," mahinang sabi niya na tiyak na narinig ni Nile dahil ngumisi ito.

"Para kang stalker."

"Natutuwa lang ako dahil sa aming magkakaibigan, siya lang ang may dalang date. 'Kakainggit." Napahawak siya sa ulo nang pabiro siyang kinutusan nito. "Ano ba?!" angil niya rito.

"I'm your boyfriend right now, kung ano-ano 'yang sinasabi mo."

"Kunsabagay. Akbayan mo nga ako," ungot niya rito. Nang maramdaman niya ang matatag nitong braso sa balikat niya ay bahagya siyang napapiksi. Nakabukas naman ang aircon ng coaster pero bakit bigla siyang nakaramdam ng init? Kung ang pagbabasehan ay ang nobelang isinusulat niya, nakakaramdam ng warmth ang heroine kapag kasama ang hero. Posible bang masyado siyang "in character" kaya ganoon ang nararamdaman niya?

"Do we have any rules regarding this scheme?" tanong ni Nile sa kanya.

Napaisip siya. Hindi niya napaghandaan kung may set of rules ba na dapat silang sundin sa pagitan nila.

"Hindi ba lalabas na pilit ang relasyon natin kapag may rules? Baka ma-return pa ang manuscript ko kapag gano'n!"

Kumislap ang mga mata nito at hindi niya maiwasang kabahan sa kapilyuhang nakikita niya sa mga iyon. Tatahi-tahimik lang si Nile pero kapag inatake ito ng kapilyuhan ay kawawa talaga siya.

"What?" angil niya rito.

"So, it's okay for me to kiss you?"

Napakunot ang noo niya. "Huh? Palagi mo naman akong kini-kiss, ah?"

Lumuwang ang pagkakangiti nito. "I mean, sa lips."

Nanlaki ang mga mata niya. "Kiss sa lips your face!" Nang tumawa ito ay naaasar na pinalo niya ito sa dibdib. Alam niyang namumula na siya.

Isinandig siya nito sa dibdib nito at magaang na hinalikan sa noo. "You are so cute, Karen. 'Sarap mong tirisin. Matulog ka na para may energy ka mamaya."

Tatanggi sana siya ngunit hindi niya alam kung ano ang panghatak na mayroon ang matatag nitong dibdib at hindi niya magawang tumanggi sa inaalok nito.

"Matulog ka para makatulog din ako. I need to conserve my energy dahil alam kong papagurin mo ako mamaya."

Nanggigigil na kinurot niya ito sa tagiliran ngunit hindi siya umalis sa loob ng mga bisig nito. She never realized she was a cuddler until she was in Nile's arms.

She then realized how her heroines felt when they were inside their heroe's arms.

Heaven.

"THERE are so many stars," mahinang sabi ni Karen habang nakatingala sa kalangitan. Ang nagsisilbing liwanag nang mga sandaling iyon ay ang liwanag na nagmumula sa buwan at sa mga bituin na nakapalibot doon.

Nagaganap sa loob ang kasayahan para sa kaarawan ng kuya niya ngunit hayun siya at mag-isa sa labas at tila nag-e-emo. Hindi niya alam subalit may kumudlit na inggit sa puso niya nang makita niya si Delah habang kasayaw nito si Drake. Ipupusta niya ang lahat ng Calvin Klein briefs ni Nile, magiging nobyo ni Delah ang boss nito sa lalong madaling panahon.

Hindi niya maiwasang mainggit. Gusto rin niyang maranasan iyong may lalaking iniingatan siya dahil takot itong masaktan siya. Gusto rin niyang maranasan iyong may lalaking titingin sa kanya nang buong pagmamahal. Gusto rin niyang maranasang mahalin at maging masaya sa piling ng lalaking para sa kanya.

Kailan kaya niya iyon mararanasan? Sa tatlong naging nobyo niya, kahit kailan ay hindi niya naranasan ang lahat ng iyon. Even the way Drake held Delah, as if he was afraid that she would break, she had never felt that with her previous boyfriends.

"There you are, Karen. Ano'ng ginagawa mo rito? Malamok dito at malamig. Baka mahamugan ka."

A soft smile appeared on her lips when she heard Nile's voice which was full of concern. Bago pa niya lingunin ang kaibigan ay may naramdaman siyang mainit na bagay na nakapatong sa mga balikat niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang jacket iyon ni Nile. She could smell his scent on his jacket. Manly, with a hint of mint and freshness.

"Bakit iniwan mo 'yong party ng kuya mo sa loob?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Ikaw, bakit ka nandito?"

Ginaya nito ang puwesto niya—nakatukod sa balustre at nakatingala sa kalangitan. "I was worried when you suddenly disappeared."

"I'm okay now."

Napapiksi siya nang maramdaman ang daliri nito sa ilalim ng mga mata niya. When she looked at him, she could read nothing in his eyes except concern and worry.

"Your eyes..."

"My eyes are what?"

"They're sad. What's the problem?"

Iniwas niya ang mukha rito. Hindi pa rin siya makapaniwala na may isang taong kayang basahin ang nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang mga mata.

"Nothing. I'm okay."

"Tell me, Karen. I'll listen."

Huminga siya nang malalim. Kahit kailan ay hindi talaga niya kayang magsinungaling kay Nile. "Naiinggit ako kay Delah dahil may Drake na siya," sabi niya rito. Magsasalita na sana ito ngunit nagpatuloy siya. "Masaya ako para kay Delah dahil may Drake na siya. Pero naiinggit ako dahil gusto ko rin magkaroon ng kagaya ni Drake. Not the serious type. Just someone who seems like he'll be afraid to lose me." Iniwas niya ang paningin kay Nile dahil hindi niya gustong makita ang magiging reaksiyon nito. Siguro ay iniisip nito na ang babaw-babaw niya.

Naramdaman niya ang pagpatong ng magkabila nitong kamay sa balikat niya. He turned to her until she was facing him. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito. Kay lambot ng ekspresyon sa mukha nito na halos magpaiyak sa kanya.

"There will always be someone who'll always be afraid to lose you, Karen. There will always be that someone who will love you the way you deserve to be love. There will always be someone who will be there for you, who will stand by you until the end. You just have to open your eyes and your heart. He's there, Karen. He's there waiting for you to notice him."

His voice was so full of conviction that it made her wonder if what he was saying was true, that there was really someone out there for her.

Hinawakan niya ang mga kamay nito na nakasapo sa mga pisngi niya. Pumikit siya at ninamnam ang init na nagmumula sa kamay nito. When she opened her eyes and saw him looking at her, she knew that she will okay from now on.

"Until then, will you be that guy for me, Nile? Habang nagpapanggap tayo?"

Something flitted across his eyes, something she could not put a name on. "Anything for you, Karen. Anything."

Nginitian niya ito. Ipinalibot niya ang mga braso sa baywang nito at isinandig ang ulo sa dibdib nito. Ngayon lang niya napagtanto kung gaano kalapad ang dibdib nito. Parang kay sarap sumandal doon nang matagal.

"Thank you for being my best friend, Nile."

Mahigpit na pagyakap lang ang tanging isinagot nito sa kanya.

Karen's Mr. Silent Heart by Marione Ashley  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon