Chapter 6

47 9 1
                                    

"Ano bang ginagawa mo John?!" sigaw ni Yuki sakin bigla akong gumalaw sa aking pwesto.

"May rule sa chamber na to Yuki" sagot ko kay Yuki at lumingon ako sa kanya, nakita ko naman syang nakatitig sakin.

[Nakakita na ako ng mga matang ganyan, Yan ang mga mata ng taong gagawin ang lahat para lang mabuhay] sa isip ni Yuki.

Sinubukan kong gumalaw ulit ngunit napatigil ako agad dahil umilaw na naman ang mata ng haring statwa. Umaatake lang sya kapag nararamdaman nyang tatayo ang isang tao.

Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng unang utos!

"Kayong lahat! Yumukod kayong lahat sa harap ng haring statwa!" sigaw ko sa kanila habang nakaluhod pa rin ako

"Nababaliw ka na ba?!"

"Ano bang pinagsasasabi mo John?!"

"May plano ka na diba?" tanong sakin ni Yuki

"Oo meron na. umaatake lang sya kapag nararamdaman nyang tatayo ang isang tao pero hindi sya umaatake kapag masyadong mababa ang lebel ng katawan ng tao. Ang unang utos ay sambahin ang panginoon, ibig sabihin ay literal na sambahin natin ang haring statwa " paliwanag ko kay Yuki habang tinititigan ko parin ang haring statwa

"so kung yuyukod ako sa kanya" sabi ko habang yumuyukod

"hindi naman to gut feeling lang diba?" Tanong sakin ulit ni Yuki.

"Sa ngayon, oo"

"hays, wala na tayong magagawa kundi itry  nating gawin yung plano mo"sabi ni Yuki habang ginagaya ang posisyon ko.

Sabay sabay ding yumukod ang mga kasamahan ko sa harap ng haring statwa, kahit na hirap na hirap ang ilan sa mga kasamahan ko pinilit pa rin nilang yumukod.

habang nakayukod kaming lahat ay napatingin ako sa haring statwa at nagkaroon ako ng maliit na pag asang makalabas kami ng buhay dahil unti unting nawala ang ilaw sa mga mata ng haring statwa.

Creeeeeekkkkk

B-bakit?! A-anong?! Y-yung expression nya nag iba! Nakakabadtrip na ah! para nya pa kaming inaasar dahil yung istura nya ngayon ay nakangiti na ng sobrang lapad.

Ilan na ba ang napatay kanina? Ilan nalang kaming nabubuhay ngayon? Hanggang kailan?!..........Hanggang kailan namin gagawin ito?!

"mukhang hihinto na sya sa pag atake sa atin"sabi ni Mr. Shito habang naka luhod parin

"Hindi mo ba naiisip na baka may gagawin pa syang mas grabe sa atin?, magiging maayos na ba ang lahat dahil sa pag luhod natin?"Tanong ni Mr.Smith kay Mr.Shito

"Hoy wag ka ngang tumayo dyan sa harap ng statwa!" sigaw ni Mr.Smith kay Mr.Shito dahil tumayo ito at lumapit pa sa harap ng statwa.

"Tignan mo! huminto na sya !" sabi pa ni Mr.Shito

"Oo nga, mukhang huminto na nga sya"

"wala na syang ginagawa pag tumayo tayo"

"natapos na ba natin?" 

"Yes! naka survive tayo!"sabi ng mga kasamahan ko at sinbukan din nilang tumayo.

Hindi.......Hindi pa to natatapos. T-teka bakit parang lumilindol!

Creeekkkkkk

pagtingin ko sa haring statwa ay gumagalaw na ito at aaktong tatayo

Tuuugsshh

Shit! tumayo nga sya! Grabe ang laki nya sobra

"Sandali di pa ba tapos to?!"

"Hindeeee" 

"Wag nyo sabihin sakin na kailangan  nating labanan yan!" sabi ng mga kasamahan ko at ang ilan pa ay nanginginig sa takot.

"John! John wala ka bang ibang plano?" buti nalang sinigawan ako ni Yuki dahil na tulala na pala ako sa nakatayo na ngayong haring statwa.

"Kahit na tanungin mo ako.............."

"Wala ka talagangan ibang plano?" Ulit na tanong ni Yuki sakin.

".................Wala talaga akong maisip na plano ngayon"

Tuugggssshhh lumindol na naman dahil hinakbang ng haring statwa ang kanyang isang paa.

"Sandali may rule nga pala sa chamber na to!" sigaw ko ng maalala ulit ang mga naka sulat sa tablet.

"Ang una ay sambahin ang panginoon at ang pangalawa ay purihin ang panginoon yun siguro ang susi para makalabas tayo dito!"

"Purihin?!" 

"Purihin ba? Ako susubukan ko. member ako ng choir sa church namin. kung pupurihin lang kaya ko na to." sabi samin ni Jun na isa din sa mga kasamahan ko.

Lumapit sya sa harap ng haring statwa habang hawak hawak nya ang kanyang krus na pendant.

"Lumapit ako sa panginoon, gawing muli ako, at ibuhos ang iyong mga biyaya, ang kahinaan na natagpuan sa loob ko ay tangalin nyo~" sabi ni Jun habang nasa harap na sya ng haring statwa

"Gumagana ba?" Tanong ni Mr.Smith

"Medyo bumagal na nga ang kilos nya."

Hindeeeee!

"Tulad ng ibon na malayang lumilipad sa himpapawid~"

Mali yan!

"Ako rin ay makakalakad kasama ang aking panginoon sa langit" pagpapatuloy pa ni Jun habang nakapikit at mariing nag darasal.

Mali ang pinupuri mong panginoon!

Tuuugggssshhhhh!


The ExecutionerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang