Kabanata 1 Valentines Day

Start from the beginning
                                    

Napanganga ang babaeng kaharap ko at bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ako at mabilis na lumapit sa dalawang sentro ng atensyon.

"There you are!" Bahagyang tumalon ako at inangkla ang kanang braso sa leeg ng lalaking kanina ko pa hinahabol.

"What the heck!"  Nanigas ang loko at napasulyap sa akin.

Napahagikgik ako.  He was really taken aback.

Nanlaki ang mga mata ng babaeng may hawak na tsokolate sa ginagawa ko. Ang kaninang pagkamangha ay napalitan ng nahihiyang ngiti nang dumako ang mga mata niya sa akin. 

Ibinalik ko ang atensyon sa katabi.

"I told you to wait for me!" singhal ko habang sinasakal siya gamit ang kanang braso.

"Hey! Stop it, Gaby!" saway niya sa akin.

Hindi ko siya pinakawalan. "Apologize first!" saad ko na hindi pa din tinatanggal ang brasong nakasakal sa kaniyang leeg.

"Fine, sorry!"

Ngumisi ako at pasimpleng lumapit sa kaniyang tainga para bumulong. "If you're really sorry, accept that chocolate and say thank you."

Pinakawalan ko siya at tinapik ng bahagya ang kaniyang likod.

Naniningkit na sumulyap siya sa akin na sinuklian ko ng malapad na ngisi.

"Tch." ang tanging tugon niya.

Maya-maya ay sumulyap siya sa babaeng kaharap at seryosong nagsalita. "Hey, can I have that?"

Hindi ko maiwasang mapangiwi.

Tch, what a polite way to ask for something.

Nagulat ang babaeng kaharap pagkatapos ay napalitan iyon ng nahihiyang ngiti. "Here." Inabot niya ang tsokolate. "Happy Valentines."

Siniko ko siya nang mapansin na wala na siyang imik pagkatapos tanggapin ang tsokolate.

"Hmn Thank you," pilit na tugon niya.

"You're welcome." Namumulang yumuko ang babae at kumaway para magpaalam. Tumalikod ito at pagkatapos ay naglakad nang mabilis.

Napangiti ako. I know exactly how it feels to have a crush on someone that even a little bit of attention from them is a dream come true.

She was brave enough to approach him and I admire her for that.

Lumingon ako sa katabi na ngayon ay naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin. "You're crazy."

Lumabi ako sa kaniya. "You're the one who's crazy David John. How could you embarrass a girl like that."

Pasupladang inirapan ko siya at mabilis na tumalikod para maunang maglakad. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti nang biglang maalala si Marcus. Marcus is my ultimate crush, but I'm not brave enought to confess.

Malapit na ako sa pasilyo nang may biglang maalala.  Napahinto ako sa paglalakad at nagmamadaling lumapit sa bestfriend ko na noo'y nahuhuli sa paglalakad.

"What now?" supladong tanong niya sa akin.

Ngumisi ako nang malapad. "Will Gary be attending your basketball practice after class?" tukoy ko sa kateam niya na pinsan ni Marcus.

Kumunot ang noo niya.  "Why do you care?"

Mabilis na binuksan ko ang bag at kinuha doon ang isang maliit na container na naglalaman ng macaroons.

"Can you ask him to give this to Marcus on my behalf?"

Humalukipkip siya at seryosong tumingin sa akin. "What made you think I will do that for you?"

Lucky to Have YouWhere stories live. Discover now