May nabasa siyang artikulo na ikakasal na raw ito sa long time boyfriend nito.

Actually, isa rin 'yan sa mga rason kung bakit gusto niyang lumayo. Nasasaktan na siya nang sobra. He had been in love with her ever since he was eight. At hindi niya alam kung bakit, nakikilala niya pa rin ito kahit na kasama nito ang kakambal na si Allysa.

Basta alam niya, kung sino sa dalawa ang Alyce niya.

"Malas naman o!" Pinagpag niya ang bahagyang nabasang suot na checkered polo na ipinatong niya sa puti niyang t shirt. Naiangat niya ang tingin sa gilid niya. Nawala bigla ang inis niya at napalitan ng ngiti. "Oy, nandiyan ka pala, babe."

Nakapaskil sa loob ng shed ang malaking poster ni Alyce sa isang promotional ad ng music academy nito. Malaki ang ngiti nito at tila ba tinuturo siya. Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil pa ng sobrang ngiti. Lumapit siya sa poster. Mabuti na lang nasa kabilang panig halos ang mga nakisilong din.

"Busy ka ba ngayon?" kausap niya sa poster. "Pwede ba kitang yayaing mag-dinner sa Jollibee? 'Yon lang kasi kaya ng budget ko ngayon. Pero burger at fries lang, ha? Pero hayaan mo, kapag malaki na sahod ko, kahit saang restaurant mo pa gusto, game ako."

Hinaplos niya ang mukha nito sa poster.

'Yan tayo Darven e. Kaya tayo napagkakamalang baliw. Lisensiyado ka pa namang guro pero marupok ka talaga pagdating sa irog mong ikaw lang ang nakakaalam.

"Pa align nga muna." Idinikit niya ang index finger sa nakaturo nitong daliri sa poster. Bahagya siyang natawa sa ginawa. Ganyan talaga siya kapag nakikita niya ang poster na 'yon sa ibang lugar. "Sana next time, sa totoo namang Alyce."

Pagbaling niya ng tingin sa mga kasama niya sa shed, ang we-weird ng tingin ng mga ito sa kanya. Umayos siya ng tayo at inayos rin ang sling bang na suot. Bahala nga kayo sa buhay n'yo. Walang basagan ng trip.

Tumila na rin ang ulan at pagtingin niya sa katapat na kalsada ay bukas na ang gate ng academy. Okay, this is it Darven!

Humugot siya nang malalim na hininga at ilang beses na inalis ang bara sa lalamunan. "Ahm, Ms. Alyce, ako nga pala si Darven 'yong laging nagpapadala ng sulat sa'yo. Fan na fan n'yo po talaga ako simula nang –" Natigilan siya. Naikiling ang ulo sa kaliwa. Ang pormal niya naman masyado. Diretsahin niya na lang kaya. "Ulit! Ms. Alyce, I love you." Natawa siya na naiiyak. "Pektusan ko na lang kaya ang sarili ko?"

Nang ibalik niya ang tingin sa gate ay namataan na niya si Alyce. Humigpit ang hawak niya sa katawan ng bag. Lumakas nang sobra ang kabog ng dibdib niya. Kinakabahan siya.

"Alyce..."

Okay Darven, kaya mo 'to! Inilabas niya ang music box sa bag. Napangiti siya nang makita ang nakaukit na litrang A sa takip nun. Pag-angat niya ng tingin sa traffic lights, red.

"Okay, ito na talaga. Tatawid na ako. It's now or never."

Sa green light ka na tumawid Darven, huwag kang excited.




FATE 2: DESTINY'S HEART - COMPLETED 2019Where stories live. Discover now